Chapter 36

93 10 3
                                    

Nagising ako ng may maramdaman akong tumutulo sa mukha ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad kaagad sa akin ang madilim na paligid. Nasaan ako at anong lugar to?

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero nakagapos ang mga paa ko at ang mga kamay ko sa isang bakal. Sinubukan ko ding magsalita pero hindi ko maibuka ang bibig ko dahil naka tape ito. Patuloy pa din sa pagpatak ang kong anong likido sa mukha ko. Malansa ito at alam kong hindi ito tubig kundi ay dugo. Dugo na hindi ko alam kong kanino galing.

Biglang bumukas ang pinto kaya napapikit ako dahil sa liwanag na pumasok hanggang sa tuluyang lumiwanag ang buong paligid. Agad kong idinilat ang mga mata ko ng may marinig akong isang pamilyar na boses na nagmamakaawa kasabay ng yabag ng mga paa. Pero napakalaking mali ang idilat ko ang mga mata ko dahil bumungad sa akin ang nakakadiring paligid na puro basura. May mga daga pang naghahabulan sa paligid at...

Ang mga nakakahon na mga ipis at gagamba na nakalagay sa gilid. Hindi ko maiwasang makaramdam ng sobrang kaba at takot kasabay ng pagsikip ng dibdib ko at hirap ko sa paghinga. Umaandar na naman ulit ang entomophobia ko. Phobia sa kahit anong insekto na labis kong kinakatakutan at pwedeng maging dahilan ng pagkawala ng aking hininga ng tuluyan kapag hindi naagapan.

"Amato! ilabas niyo ang mga insektong iyan! pakiusap..." rinig ko ang pagsigaw at pagmamakaawa ng isang tinig.

Hanggang sa naramdaman kong may lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko.

"Donna hija..."

Kahit hirap na hirap sa paghinga ay nagawa ko pa ding tumingin sa lumapit sa akin.

"Tita C-coleen?"

"Oo hija, ako nga. Hija patawad kong nadamay ka pa at napahamak ng dahil sa akin..." rinig ko ang pag iyak niya.

"Amato pakiusap, pakawalan niyo na ang batang ito. Diba ako lang naman ang kailangan niyo kaya pakiusap..." pagmamakaawa ni Tita Coleen.

Lumapit ang isang lalaki na may katandaan na din kasama ang mga tauhan niya na may maraming tattoo sa kanilang mga katawan.

"Hindi pa ako tapos sa paghihiganti ko Coleen! nagsisimula pa lang ako!" sigaw ng lalaki at biglang sinampal si Tita Coleen na napaupo sa tabi ko.

Gustuhin ko man siyang tulungan at saktan ang mga lalaking bwiset na nandito ay hindi ko magawa dahil nanghihina ako. Gusto ng pumikit ng mga mata ko.

"Donna hija! huwag kang pipikit pakiusap..."

"Dalhin ang dalawang yan!" rinig kong sigaw ng lalaking tinawag ni Tita Coleen na Amato hanggang sa kinalag nila ang mga nakatali sa akin.

Agad nila akong kinaladkad palabas katulad ni Tita Coleen. Nahihirapan pa din ako sa paghinga. Kahit hirap sa paglalakad ay sinikap ko pa din na makalakad ng maayos habang hawak ng dalawang lalaking malalaki ang mga katawan na puno ng tattoo. Ng tuluyan na kaming nakalabas ay unti unti na ding umayos ang paghinga ko dahil hindi ko na nakita ang mga insektong nasa loob. Pero nanatili pa din ang pamamawis ko.

Tsaka ko lang natitigan ng maayos ang mga lalaki at ang matandang nangunguna sa kanila. Sino sila? Hindi sila pamilyar sa akin at mukhang hindi din sila isa sa mga kaaway namin sa Italya.

Napalingon ako kay tita Coleen na hirap din sa paglakad habang hawak din ng dalawang lalaki hanggang sa nakarating kami sa rooftop. Kitang kita ko ang isang chopper na umaandar. May kinausap pa ang matanda na tinawag ni Tita Coleen na Amato kanina sa cellphone at bigla na lang niya itong ihinagis pagkatapos.

"Isakay ang mga yan!"

Bago pa man nila kami maisakay sa chopper ay agad kong tinadyakan ang dalawang lalaking may hawak sa akin. Napatigil ako ng mapansin ko na lahat ng baril nila ay nakatutok na sa akin.

Donna PericolosaWhere stories live. Discover now