Chapter 34

79 11 3
                                    

Pagkatapos ng pa welcome party nila sa akin ay nagsi-uwian na ang mga higher ups kasama sila Valeria at Alexion. Kami din ni Cailie ay napagdesisyunan na dumiretso na sa condo niya para doon matulog dahil walang kasama si chai-chai. Tinawagan kasi ni Cailie si Valeria na ihatid na si Chai chai sa condo niya dahil pupunta naman kami ngayon doon at may kasama na siya.

"Mommy, Daddy please... I wanted to go with Tita Donna and Tito Cailie."

Kanina pa pinipilit ni Jenny si Janine at Darwin dahil gusto niyang sumama sa amin papunta sa condo ni Cailie.

"Baby, hindi pwede dahil parehong busy si Tito Cailie at Tita Donna mo. Baka maglikot ka don." paliwanag naman ni Janine sa anak niya kaya mas lalo lang itong sumimangot.

"Mommy please po..." mangiyak ngiyak ng sabi ni Jenny kaya nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya at hinarap si Janine.

"Okay lang. Kami na ang bahala ni Cailie sa kanya at ihahatid nalang ulit namin siya dito bukas." sabi ko at bumuntong hininga naman si Janine bago tumango.

"Okay, but promise me baby that you will behave at huwag makulit." sabi ni Janine at agad naman na ngumiti ang bata at yumakap sa kanya.

"Thank you po, mommy!" masaya pang sabi nito at pagkatapos ay kumalas na sa pagkakayakap sa mommy niya.

Sunod niyang niyakap ay ang daddy niya... si Darwin.

"Goodbye mommy, goodbye daddy!" paalam pa ng bata at agad na humawak sa kamay ko at kamay ni Cailie habang nakangiti.

Ihinatid pa kami nila Janine at Darwin papunta sa parking lot. Habang si Val naman ay nandoon na sa kwarto niya at nagpapahinga at binabantayan ni Atlas.

"Baby, huwag maglilikot okay?" paalala pa ni Janine sa anak niya at tumango tango naman ito at ngumiti.

"Take care." sabi naman ni Darwin at hinalikan ang anak niya sa noo.

Tuluyan na kaming pinagbuksan ni Cailie ng pinto sa front seat. Agad naman akong umupo sa shotgun seat at kinandong si Jenny bago isara ni Cailie ang pinto at umikot papunta sa driver's seat.

"Bye mommy! bye daddy!" sigaw pa ni Jenny at kumaway kaway kay Darwin at Janine na nakangiti habang nakatingin sa amin.

"Bye!" sabay naman nilang sabi at kumaway din sa anak nila hanggang sa tuluyan ng pinaandar ni Cailie ang kotse.

Agad ko namang pinindot ang button para sumara ang bintana. Nagpatugtog naman si Cailie ng music mula sa phone niya na inilagay sa monopad sa gitna kaya si Jenny ay enjoy na enjoy kaka-kanta. Minsan ay may papikit pikit pa at pataas taas ng kamay kaya minsan ay natatawa kami ni Cailie sa kanya.

"Love, why don't we also make our own baby?"

Gulat akong napalingon kay Cailie sa sinabi niya at sunod naman kay Jenny na ngayon ay nakakunot na ang noo at tumigil sa pagkanta.

"Ginagawa po ba ang baby, tita Donna?" inosenteng tanong sa akin ng bata kaya sinamaan ko ng tingin si Cailie na natawa lang ng bahagya at nag peace sign.

"Uhmm..."

Halos wala akong maisagot sa tanong ng bata kaya napapikit nalang ako saglit. Paano ko ba to ipapaintindi sa kanya? Masyado pa siyang bata.

"Baby Jenny, do you wanted to eat ice cream?" biglang tanong ni Cailie sa bata at nakita ko namang lumingon kaagad ito sa kanya at ngumiti.

"Yes Tito Cai! I want ice cream! I wanted to eat ice cream!" paulit ulit pang sabi ng bata na halatang excited.

Ginulo naman ni Cailie ang buhok nito at nginitian saglit.

"Okay later baby pagdating natin sa condo ko." sabi ni Cailie hanggang sa tuwang tuwa ang bata at halos magtatalon na ito at paulit ulit  sinasambit ang ice cream.

Donna PericolosaWhere stories live. Discover now