Chapter 39

147 11 3
                                    

After the engagement that happen hindi kaagad kami umuwi ni Cailie. Dinala niya ako sa camping site para doon magpalipas ng gabi. Habang sila Tita Coleen at iba pa ay dumiretso na pauwi. Nakabukas lang ang tent at pareho pa din kaming gising habang nakatingin sa buwan at mga bituin sa kalangitan. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya at ganoon din siya sa akin habang nakaupo kaming dalawa.

"Love." pagtawag niya sa akin habang pareho pa din kaming nakatingin sa langit.

"Mhm?"

"I wanted to let our wedding happen next month." sabi niya kaya bahagyang napaawang ang bibig ko at umayos sa pagkakaupo.

Inalis ko ang ulo ko na nakasandal sa balikat niya at tinignan siya.

"Agad agad? Why is it so quick?" tanong ko at lumingon naman siya sa akin na halatang inaantok na. Bigla nalang niya akong hinila at niyakap.

"Gusto ko lang." sabi niya at mas lalo akong niyakap ng mahigpit kaya napayakap na din ako sa kanya.

"Cailie, can we take it slowly? hindi naman tayo nagmamadali diba?" sabi ko at humarap naman siya ulit sa akin.

"Okay, my beautiful fiancée." he said and hug me again.

"Can I ask you a favor?" I said.

"Ano yon?"

"Can I choose our honeymoon place?" tanong ko at bigla naman siyang kumalas at tinignan ako ng kakaiba habang nakangisi.

"Nginingisi ngisi mo diyan?" natatawa kong tanong.

"Ikaw ha! honeymoon na kaagad iniisip mo." sabi pa niya at inilapit ang bibig niya sa tenga ko.

"Gusto mo bang gawin na kaagad natin dito ngayon ang honeymoon?" bulong niya kaya nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang hinampas sa braso.

Agad naman siyang tumawa.

"Eh kong sipain ko kaya yang ano mo." sabi ko pero kinurot lang niya ang dalawa kong pisngi at pinanggigilan habang tumatawa.

"Just kidding. Ofcourse I'll take you on altar still virgin." sabi pa niya at pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya.

Wala na talagang filter ang bibig niya kapag nagsasalita. Mas lumevel- up ang kamanyakan niya.

"Pero pwede din naman ngayon na tayo gumawa ng ba--" bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay mabilis ko ng tinakpan ang bibig niya na kong ano ano na lang ang sinasabi.

"Tumigil ka." banta ko sa kanya ng akmang tatanggalin niya ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.

Agad naman siyang nagtaas ng dalawang kamay na parang sumusuko. Bigla na naman niya akong niyakap ng tinanggal ko na ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. Narinig ko pa siyang naghikab.

"I'm sleepy." parang bata niyang sabi at tinapik ko naman ang likod niya.

"Then, let's sleep?" sabi ko at tanging tango lang ang isinagot niya.

 Dahan dahan na siyang humiga habang nakapikit kaya napailing nalang ako at isinara na ang tent. Agad ko siyang kinumutan at tumabi ako ng higa sa kanya. Agad naman siyang yumakap  sa akin.

"Goodnight, love." sabi pa niya at napangiti naman ako.

"Goodnight." I whispered.

"I love you." he whispered back and kiss my forehead.

"I love you too, Mr. Clingy." bulong ko din pabalik at hinalikan siya sa pisngi at tuluyan ng pumikit habang yakap yakap siya.

Maaga kami gumising kinabukasan.  Alas singko pa lang ng umaga ay agad na kaming lumabas ng tent para mag jogging. Hindi ko maiwasan na ngumiti palagi habang sabay kaming tumatakbo dahil panay ang picture at video niya saakin habang tumatakbo.

Donna PericolosaWhere stories live. Discover now