Seven

49 3 0
                                    

"Park Jimin, are you okay?"

Mabilis na tumango si Jimin sa professor, nakayuko siyang naglakad at nilampasan ito upang umupo sa kaniyang upuan.

"Are you sure, Mr. Park? You still have three days to get ready for the final exam, you should get some rest too." Nag-aalalang sabi ng professor.

Tumango lamang si Jimin. Hindi naman dahil sa pagrereview kaya siya napupuyat. Mag-iisang linggo na niyang hindi nakikita ang magpinsan, nag-aalala siya na baka mayroong masamang nangyari kay Yoongi.

Paano kung hindi pa ito magaling at inatake muli sa puso? Paano kung nasa hospital ito ngayon?

"Mr. Park, I suggest you go home and rest for today." Ma-awtoridad na sabi nang professor.

Walang nagawa si Jimin kundi ang tumayo sa kaniyang upuan at lumabas nang paaralang iyon.

Pero hindi upang umuwi at magpahinga. Mayroon pa siyang kailangang puntahan at kamustahin. Kailangan niya pang dumaan sa isang hospital.

Nagsisikap mag-aral at makapagtapos si Jimin upang makahanap nang magandang trabaho at makaipon nang pera. Kailangan niya ang perang iyon upang maipagamot ang kaniyang Daddy na kasalukuyang nasa hospital ngayon.

Noong graduation niya nang highschool ay muling nagkaayos ang kaniyang mga magulang, ngunit makalipas lamang ang ilang taon ay isang malagim na aksidente ang nangyari. Namatay sa plane crash ang kaniyang Mommy at kasalukuyang nakaratay sa hospital ang kaniyang Daddy.

Ito ang dahilan kaya't nagsisikap si Jimin na panatilihin ang kaniyang scholarship at magtrabaho tuwing weekends upang makabawas sa gastusin.

Kailangang operahan sa utak ang kaniyang Daddy, sapagkat mayroong bumarang dugo sa isa sa mga nerves noon na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nagigising ang kaniyang Daddy. Ayon sa Doctor naapektuhan nito ang buong utak nang Daddy niya kaya't tila patay na ito kung tutuusin, ngunit kung mananatili ito sa hospital ay malaki ang posibilidad na umabot pa ito hanggang sa panahong kaya nang bayaran ni Jimin ang operasyon.

Sa totoo lang ay mayroon namang sapat na pera ang Daddy niya para sa operasyon, ngunit pagkatapos ng operasyong iyon ay hindi na alam ni Jimin kung paano pa sila mabubuhay dalawa, dahil masisimot ng operasyon ang kayamanan nang kaniyang Daddy.

Kaya kailangan niyang magtiis at maghintay nang tamang panahon para sa operasyon.

Matapos dumalaw sa hospital ay naglakad na muli si Jimin pabalik sa dati nilang bahay, iyong maliit at malapit sa eskwelahan nang highschool.

Isang kotseng puti ang nadatnan ni Jimin na nakaparada sa harapan nang kaniyang bahay. Sa kahoy niyang gate ay nakasandal ang isang lalaking naka itim na leather jacket. Puti ang suot nitong t-shirt at naka-fitted jeans. Gulo ang buhok nang binata at halata ang pagiging stress nito.

"Yoongi," usal ni Jimin nang makalapit dito.

Napansin ni Jimin ang babaeng nalasilip sa loob ng kotse. Tila nag-aabang ito sa mangyayari.

Bumalik ang tingin niya sa lalaking kaharap, nagtama ang kanilang paningin, kapwa pagod ang mga mata.

Ngunit sa kabila nang pagod sa mga mata ni Yoongi, kita rin ang lungkot nito at ang pagsisisi.

"I'm sorry..." iyon ang unang salitang sinabi ni Yoongi.

Kita niya ang pagkalito sa mukha ni Jimin kaya't ipinagpatuloy niya ang sasabihin.

"I... I did not mean to say everything I have said the last time. What happened last week, it's...it's..." Pagpapatuloy niya.

"I just... I just got carried away, is all. I'm... I'm sorry," dagdag muli ni Yoongi bago yumuko.

CLICHÉ •yoonmin•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon