Cliché, common, easily predicted.
Napakaliit nga naman nang mundo, tila gumagawang muli ang tadhana nang paraan upang magsalubong ang landas ng dalawa. Maging sapat nga kaya ang ikatlong pagkakataong ito upang magkaayos ang dalawa?
Mayroon pa nga kayang puwang sa kanilang puso ang pagpapatawad at pagmamahal? Makakaya pa kaya nilang mag-usap man lang, matapos ang lahat nang nangyari?
Jeon and Kim's Nuptial.
Matagal na tinitigan ni Jimin ang harapang bahagi nang invitation na ibinigay sa kaniya ng kaibigan kanina lamang.
"I made you my best man so you can have the highest chance of catching the bridal's flower. You know, so you'll get married soon." Nakangiting sabi ni Taehyung.
Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa office ni Taehyung. Pagkatapos nang kasal ay aalis na si Taehyung sa hospital kaya't humahanap na nang ibang Doctor na ipapalit sa kaniyang posisyon bilang Head ng Neurologist Department, isa nga si Jimin sa mga kandidato doon.
Napangiti na lamang din si Jimin, "Told you, I'm not going to get married. I'd rather die single." Sabi niya.
"That's not happening! Jungkook's friends are handsome and rich, maybe you can hook up with them. Jimin, please, try looking for the love of your life!" Frustrated na sabi ni Taehyung.
"True love waits, whoever my true love is, maybe he's coming on my way." Nakangiti pa ring sabi ni Jimin.
"Whatever, wait until you die." Napapairap na sabi ni Taehyung.
Hindi nawala ang mga ngiting iyon ni Jimin, hanggang sa maka-upo siya sa kaniyang kama at buksan ang nasabing invitation.
Min Yoongi.
Baka, sana, nga ay totoong malapit na niyang makitang muli ang taong nakatadhana para sa kaniya.
Baka, sana, pinaglapit sila nang tadhana hindi upang saktan lamang ang isa't isa.
Baka, sana, ito na ang pagkakataon upang ayusin ang lahat. Baka, sana, ito na ang pagkakataon upang mapawi ang mga sakit na dulot nang nakaraan.
Baka, sana, ito na ang panahon upang pagbigyan ang pagmamahal na nanatili sa kanilang mga puso sa kabila nang lahat nang sakit at taon na lumipas.
Baka sakaling ang pagpasok ni Jimin nang venue nang kasalan at ang pagtatama nang kanilang mga tingin ni Yoongi-- ay ang hudyat nang panibagong pagkakataon na sa kanila ay ibibigay.
"Jimin," iyon ang unang salitang lumabas sa kaniyang mga bibig matapos makilala ang lalaking kapapasok lamang sa pintuan.
Iyon lamang ang salitang namagitan sa kanilang dalawa, hindi na nadugtungan nang kahit na ano pa.
Tahimik, mapayapa ngunit masayang nagpatuloy ang seremonya nang kasal, sa sobrang busy nang mga tao ay walang nakapansin sa dalawang pares nang mga matang halos hindi na maalis ang tingin sa isa't isa.
Buong seremonya, magkalayo o magkalapit man, hindi nag-alis nang tingin si Yoongi kay Jimin-- at maging si Jimin kay Yoongi.
"Aim the flower to that pale man, mkay?" Malambing na bulong ni Jungkook kay Taehyung bago ito iwanan sa gitna nang mga nagkakagulong participants.
Napasimangot na lamang si Taehyung, gusto niyang ibigay kay Jimin ang bulaklak na iyon, nagbabakasakaling ikasal na ito pagkatapos. Pero bakit kailangan pang mag-sabi ni Jungkook kung kanino niya dapat ibigay?
Pumayag siyang maging “bride” kuno, para lamang sa pagkakatong iyon, pero bakit hindi niya pwedeng ibigay na lang kay Jimin ang bulaklak?
Sa sobrang inis ni Taehyung ay basta na lamang niya inihagis ang hawak na bulaklak, ni hindi niya alam kung kanino iyon napunta.
Halos matahimik ang buong venue matapos ang ilang saglit. Doon naisipang lingunin ni Taehyung ang mga participant at alamin kung sino ang maswerteng nakakuha nang kaniyang bulaklak.
"Yah! Jung Hoseok!"
"What? Can't I get it too? I'm planning on marrying my wife for the second time!" Reklamo ni Hoseok habang niyayakap ang bulaklak.
"Seriously, you child! Come here and give me that! I want Namjoon to marry me too!" Muling sigaw ni Seokjin bago nagsimulang tumakbo at agawin kay Hoseok ang nasabing bulaklak.
"No! I got it first!" Sigaw din ni Hoseok at tumakbo upang protektahan ang kaniyang bulaklak.
Bakit napaka-unfair nang mundo? Bakit mayroong mga taong natagpuan kaagad ang kanilang kasiyahan? Habang mayroong mga taong paulit-ulit na nasasaktan?
Totoo nga bang masakit magmahal nang maling tao? Mayroon nga bang maling tao? Hindi ba pwedeng gawing tama ang mali, at maging masaya na lang? Hindi ba pwedeng kontrahin na lang ang tadhana?
Gusto lang naman ni Jimin at Yoongi nang isang masayang relasyon, pero bakit tila ipinagkait ito sa kanila?
"Babe stop! I will marry you again if that's what you like! Please, just stop running around!" Frustrated na sigaw din ni Namjoon habang sinusundan nang tingin ang asawa.
Mabilis na huminto si Seokjin at nilingon si Namjoon, "Promise?" Nagniningning ang mga matang tanong niya,
"Promise! Now, come here and let's all take picture!" Sabi ni Namjoon.
Mabilis na umayos ang mga bisita sa palibot ni Jungkook at Taehyung, hindi naman ito ganoon kadami sapagkat malalapit na kaibigan at kamag-anak lamang nang dalawa ang dumalo.
Nakangiti ang lahat nang mga oras na iyon habang patuloy sa pagkuha nang magandang anggulo ang photographer.
"One, two, three--"
Nawala ang mga ngiti sa labi ni Jimin nang maramdaman ang brasong humapit sa kaniyang baywang. Maingat na hinila siya nito palapit sa katawan nito habang painosenteng nakangiti sa camera.
"Smile!"
Isang nakasisilaw na flash nang camera ang natapos.
"H-hyung..." mahinang mahinang bulong ni Jimin,
"Smile, don't ruin the photo." Cold na sabi ni Yoongi.
Bahagyang tumango na lamang si Jimin bago ibinalik ang mga ngiti sa kaniyang labi.
Bakit?
Bakit kaybilis ng tibok nang kaniyang puso? Bakit parang ayaw na niyang matapos ang mga sandaling iyon?
"I missed you," bulong ni Yoongi rito bago bumitaw, matapos ang huling flash nang camera.
Sinundan na lamang nang tingin ni Jimin si Yoongi na ngayon ay papalayo na sa kaniya.
ItsKimMiAh
BINABASA MO ANG
CLICHÉ •yoonmin•
FanficHow many chances do we have in this world? If we kept messing it up, could we still get another one after thousand?