"Hyung, you need to stop this." Mariing sabi ni Hoseok.
"I told you! I don't feel anything for him except hatred!" Pamimilit ni Yoongi rito.
Napahilamos na lamang si Hoseok sa kaniyang mukha. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para magising si Yoongi sa katotohanang walang magandang patutunguhan ang ginagawa niya.
"Please, Hoseok, trust me with this one. If you're afraid I might hurt my f-feelings..." napahinto si Yoongi sa gitna nang kaniyang sinasabi.
Hurt his feelings.
Mayroon nga ba talaga siyang nararamdaman para kay Jimin?
"See? It's crystal clear that you love Jimin! Stop your nonsense plan of getting revenge, Yoongi!" Sabi ni Hoseok nang mapansin ang pagkalito sa itsura ni Yoongi.
Yoongi loves Jimin.
Gaano ba kahirap intindihin iyon? Bakit ba patuloy na itinatanggi ni Yoongi sa sarili niya ang totoong nararamdaman?
"F-fine! I love him but that doesn't mean I'm quitting what's already planned!" Sigaw ni Yoongi, out of frustration.
Ano ngayon kung mahal nga niya si Jimin? Akala ba ni Hoseok ay sapat nang dahilan iyon para makalimutan niya kung ano ang ginawa ni Jimin noon?
"It's up to you! Just don't call me late at night and cry over the phone! I've warned you enough!" Inis din na sigaw ni Hoseok bago lumabas ng kwarto ni Yoongi.
Siguro nga ay hindi cliché ang love story ni Yoongi at Jimin. Siguro nga ay mas mahalaga kay Yoongi ang paghihiganti kaysa sa pagmamahal. Siguro nga... hindi sila ang para sa isa't isa.
Siguro nga ay pinaglapit lamang sila nang tadhana upang saktan ang isa't isa.
"Finals are near, aren't you supposed to reviewing the lessons?" Curious na tanong ni Yoongi habang magkasabay silang kumakain ng lunch ni Jimin.
"I'm not sure. Maybe because I feel guilty for those times you wanted to spend time with me before, but I fucked up." Pag-amin ni Jimin.
Gusto niyang bumawi sa mga panahong binalewala niya sina Yoongi at Hoseok.
Patuloy lamang siya sa pagsubo ng sariling pagkain, hindi niya napansin ang paghinto ni Yoongi at pagtitig sa kaniya. Kita ang kalungkutan sa mata ng binata, puno ito nang pagsisisi ngunit mas nananaig ang galit sa puso nito.
Napakurap si Yoongi nang mag-angat ng mukha si Jimin at magtama ang kanilang paningin.
"I'm sorry, Hyung. I'm sorry that I didn't give you a chance to be my friend before. You and Hoseok-hyung are there when no one else wanted to be friends with me, but I treated you badly. I'm such a meanie," malungkot na sabi ni Jimin.
Isang matamis na ngiti ang ipinakita ni Yoongi dito, "Hey, I already told you that you're forgiven. I have forgotten about those times, the important are what's going on now." Malambing na sabi ni Yoongi.
Hinawakan niya ang baba ni Jimin bago pinaglandas ang kaniyang mga daliri sa labi ng binata, na naging dahilan nang pagngiti at pamumula ni Jimin.
Forgiven, forgotten.
Talaga nga ba?
"Let's continue eating," nahihiyang sabi ni Jimin bago yumuko at ipinagpatuloy ang pagkain, habang namumula pa rin ang kaniyang mga pisngi.
Hindi mapigilan ni Yoongi ang mapangiti, halos lahat ng kilos ni Jimin ay nagpapangiti sa kaniya, nagpapasaya, pero hindi sapat na dahilan iyon para itigil niya kung ano ang napagplanuhan na.
BINABASA MO ANG
CLICHÉ •yoonmin•
FanficHow many chances do we have in this world? If we kept messing it up, could we still get another one after thousand?