★LOVE ME HATE ME★
Chapter 54
Habang papasakay na si Cassey sa isang taxi ay parang may biglang nahagip ang kanyang mga mata.Isang pamilyar na bulto ng katawan.Tila nakita niya si Arnold na sumakay sa nkasunod na taxi.Pero pinilig niya ang kanyang ulo dahil tila guni guni lang niya iyon.Imposibleng sinusundan siya nito.Imposible talagang mangyari iyon.
"Baby wag na tayo umasa ha."bulong ulit ni Cassey sa kanyang baby sa tiyan.Nang ipikit niya ang kanyang mga mata ay nag uunahan na namang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.Ramdam pa talaga niya ang sakit kahit pinilit niyang maging manhid.Kahit pinilit niya ang sariling tanggapin ang katotohanan na hindi para sa kanya si Arnold.Napakasakit iyon sobra.Napakasakit na basta na lang siyang nagparaya.Ang mahina niyang pag iyak ay nauwi sa paghagulgol.
"Are you alright Miss.?"tanong ng driver ng taxi sinasakyan niya.
"Im trying to be ok but Im not."impit na lumuluha si Cassey.
"Its ok just cry it at loud."pagsisimpatya ng taxi driver.
Lalo naman bumuhos ang emotion ni Cassey.Ang lahat ng bigat ng loob niya ay iniyak niya habang lulan siya sa taxi na iyon.Hinayaan naman siya ng taxi driver na umiyak.Wala na siyang pakialam na magkalat man ang make up sa maganda niyang mukha.Inabutan din naman siya ng wipes ng driver ng taxi.Ngayon mas lalo niyang namimiss ang kanyang mga magulang sa sandaling iyon.Na sana buhay pa ang mga ito para damayan siya sa pighati niyang iyon.Mas lalo niyang nararamdaman ang bigat na nag iisa.Ayaw din niyang istorbuhin si Rafael sa mga oras na iyon dahil gabi na.At alam niyang marami itong trabaho sa Pilipinas.Nang nakarating na siya sa hotel ay tumigil na din siya sa pag iyak.Napunasan na din niya ang kumalat na make up sa mukha niya.Kahit wala siyang make up ay maganda pa rin naman siya.Pero kapansin pansin ang pamamaga ng mata at pamumutla niya.Bumaba na siya ng taxi.Nakapagpalit na din siya ng rubbershoes dahil takot siyang maglakad ng mataas ang takong.Tatlong malaking maleta ang dala niya kaya kinailangan pa niyang magpatulong sa staff ng hotel para maiakyat ang mga iyon sa room na binooked na niya.Buti nakabooked na siya ng room ng hotel bago pa ang flight niya.Pagdating niya sa room niya ay agad niyang hinanap ang kama at agad humiga doon.Nanlalambot kasi siya sa kakaiyak at pagod na din siya sa byahe.Lalo siyang napagod dahil sa pagsusuka niya sa eroplano.Buti na lang ay agad siyang nakatulog.Kelangan niya iyon para magkaroon siya ng lakas.
Kinabukasan naalimpungatan si Cassey dahil sa mainit na sinag ng araw na tumama sa mukha niya.Nka open pala ang malaking glass window sa room niya.Nahihilo at nasusuka siya kaya agad siyang bumalikwas ng bangon at nagtungo sa CR para doon siya magsuka.Suka siya ng suka pero wala siyang maisuka.Naalala niyang wala pa palang laman ang sikmura niya mula pa kagabi.Pinilit niyang magpunta sa may telephone para mag order man lang ng sopas.Ayaw niyang pabayaan na lang ang sarili na wala pang kinakain.Pero biglang may nagdoorbell sa room niya.Dahan dahan niyang binuksan ang pinto.Room service pala may agahan na ito.Isang mangkok ng sopas at light breakfast.May mga prutas din nkalagay sa isang basket.Nagtaka si Cassey kung saan galing iyon at inisip niyang nagkamali lang ang staff sa pagdeliver.Pero giit ng staff doon daw talaga pinadeliver ang pagkain.Nagtaka man ay nagpasalamat na lang siya.Pagod at gutom na din naman siya kaya tinanggap na niya ang pinadeliver na iyon.Habang kumakain siya nagtaka siya kung bakit napakagana niyang kumain.At hindi man lang siya nagsusuka sa pagkain.Parang gusto yata ng baby niya ang pagkain na iyon.May naalala pala siya magpapacheck up siya para masure niya kung buntis ba siya o hindi.Kaya marami siyang kinain para makabawi siya ng lakas.Hindi siya dapat na magmukmok na lang sa isang sulok at iiyak na lang lage.Kung buntis man siya pipilitin niyang maging masaya.Samantalang masaya naman si Arnold na tinanggap ni Cassey ang inorder niyang pagkain.Masaya siya dahil kahit papaano natutulungan niya ito.Kahit pa pasekreto.Nkapagbooked na din siya ng room katabi ang room ni Cassey.Pakiramdam niya ang lapit ng mahal niya pero npakalayo pa rin nito.Nalungkot siya sa isiping iyon.Gusto niyang alalayan ito kahit saan at anong ginagawa ng dalaga pero hindi niya magawa.Napaiyak siya at nagsisi kung bakit hinayaan niyang pakawalan siya nito.Kung bakit hindi niya pinigilan ito ng magpapaalam na ito.Nagsisi siya kung bakit pinili niyang tanggapin ang gustong mangyari ni Laila.Kung bakit nagdadalawang isip pa siya sa mga sandaling pinapili siya nito.Kasalanan niya ang lahat ng iyon at walang ibang sisihin kundi ang sarili niya.Napaiyak siya dahil na rin sa awa niya sa dalaga.Alam niyang nahihirapan ito ngayon.Nahiling niya na sana bigyan siya ng pagkakataon na maalagaan niya talaga ito.Pero paano niya gagawin iyon.?Napakasakit sa kanya na wala siyang magawa kundi ang tanawin lang ito.Alam niya sa kalagayan ni Cassey ngayon ay kelangan nito ng may mag aalaga talaga dito.
Mayamaya pa ay lumabas na si Cassey sa room nito.Sinundan naman agad ito ni Arnold.Pumunta ito sa isang clinic ng isang OBGYN.Sigurado si Arnold na magpapacheck up ito sa totoong kalagayan.Pumasok siya hindi siya napansin ng mga nurse dahil marami namang pasyente ang clinic na iyon.Matapos ang mga test kay Cassey ay nakausap niya ang doctor.Buti naman isa itong babae.
"Am I pregnant.?"kabadong tanong ni Cassey.
"Yes you are.You are 1 month pregnant congratulations Mrs."masayang balita ng doctor sa kanya.
"Really.?"magkahalo ang emosyon na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.Nandun ang saya dahil magkababy na siya.Nandun ang lungkot dahil walang masisilayan na ama ang magiging anak niya.Nandun ang kaba kung kakayanin ba niyang magbuntis na mag isa.Napaiyak na lang siya sa halo halong emosyon na nasa dibdib niya.
Pinaalalahan siya ng doctor na bawal sa kanya ang malungkot at mastress.Although malusog at malakas ang kapit ng baby niya pero kelangan pa din niyang mag ingat ng husto.Niresetahan siya ng maraming vitamins para sa pagbubuntis niya.Binili naman niya ang lahat ng kakailanganin sa pagbubuntis niya.Pinilit niyang iwaksi ang mapait na nararamdaman niya.Pinilit niyang maging masaya alang alang sa anak niya.Kelangan niyang maging matatag para sa anak niya.
BINABASA MO ANG
LOVE ME HATE ME
General FictionIto ay kathang isip lamang...!! Kwento ng isang babaemg gustong mapasakanya ang pag ibig ng isang lalaki.Kung paano at ano ang kanyang gagawin para mapasakanya lang puso nito.Tunghayan ang storya ni Cassandra Miles Ismael...!!!