Chapter 10

539 11 3
                                    


Samantalang nababagot na si Cassey sa kakahintay kay Arnold.Ang tagal nitong bumaba sa unit ng gf nito.Naiinis na siya kaya bumaba na siya ng kotse.Hindi ang tipo niya ang naghihintay sa isang tao.Siya ang hinihintay lage ng mga taong nakapaligid sa kanya.Naiirita siya lumipat sa driver seat.Uuwi na lang siya kesa mamuti ang mga mata niya sa kakahintay sa lalaki.Naisip niyang kahibangan ang ginagawa niya.At naiimagine niyang nagpupulot gata na ang mga ito kaya lalo pa siyang nainis.Kaya pa naman niya ang magdrive dahil konti lang naman ang nainom niya.Nang paandarin na sana niya ang kotse ay siya namang pagbaba ni Arnold.Halatang tumatakbo pa ito.Lumapit ito sa kotse niya.

"Maam pasensya ka na kung pinaghintay ko kayo."hingi ng paumanhin ni Arnold kay Cassey.

"Buti naman ay naalala mo pa ako.!"pagtataray ni Cassey ayaw na ayaw niya talaga ang naghihintay.

"Ihahatid na po kita Maam."sabi ni Arnold.

Bumaba naman si Cassey sa kotse.Ayaw niyang magpakipot hindi siya ganun.

"Sa susunod be professional enough.Ihiwalay mo ang personal na bagay sa trabaho."pagpapaalala ni Cassey kay Arnold.

"Hindi na po mauulit."hingi ng paumanhin ni Arnold.May kasalanan din naman siya.Hindi niya dapat pinaghintay ang amo niya.Unprofessionalism nga iyon dahil hindi lang siya driver ni Cassey kundi secret bodyguard siya nito.Tama ito dapat ihiwalay niya ang trabaho sa personal niyang problema.At isa pa kargo niya si Cassey paano kung may mangyari dito.?Kaya hindi na niya iyon uulitin pa.

"Your forgiven."mayamaya pa saad ni Cassey.

"Salamat."matipid na saad ni Arnold.

Pinaandar na niya ang kotse nito.

"Nga pala kumusta na kayo ng gf mo?"usisa ni Cassey hindi naman siya chismosa pero gusto lang niya kung anong status ng dalawa.Mas ok kung nag away ito.Mas pabor sa kanya iyon.

"Ok na kami."tipid na sumagot si Arnold.

"Oh I see."napangiwi si Cassey sa narinig.Ang engot pala ni Arnold.Halata naman may ginagawang kalokohan ang nobya nito pero pinapalampas pa nito.Kung sabagay ano naman ang aasahan niya sa isang driver.Syempre simple lang itong magmahal and she like the way he is.Gusto niya ang simpleng lalaking katulad ni Arnold.Kahit naiinggit man siya kay Laila.Pero hinahangaan niya ang lalaki.

Tahimik lang si Arnold na nagmamaneho.Sumasagot lang siya kapag tinatanong siya ni Cassey.

"Ilang taon ka na ba?"tanong ni Cassey kay Arnold gusto niyang malaman niya ang buong pagkatao nito kahit paunti unti.

"Limang taon ang tanda ko sayo Maam."sagot ni Arnold.

"So you are 30years old.Thats awesome."bulalas ni Cassey gusto niya ang matured na lalaki.Marami na siyang nakafling na mas bata.Pero lahat sila bagsak sa standard niya.Sex lang ang habol ng mga ito sa kanya.Kaya walang tumagal na bf si Cassey.Lahat ay di nakapasa sa taste niya.And she never fall inlove ngayon lang yata.Hindi pa niya masasabi na mahal niya si Arnold.But she like him that much.Kaya nga gagawa siya ng paraan para maagaw lang ito sa nobya nitong si Laila.

"Ano po?"maang na tanong ni Arnold.

"Stop saying po.Mas matanda ka pa sa akin hindi ba."magaan na ang pakikitungo ni Cassey kay Arnold.

Naisip naman ni Arnold na mali ang first impression niya sa dalaga.Nakikita niyang mabait pala ito at hindi maldita.Kaya pala niyang pakisamahan ito hanggang sa matapos ang kontrata niya.3years contract ang pinirmahan niyang kontrata.Naisip niya nong una hindi niya matatagalan ang ugali nito.Pero mali pala siya.Ika nga maraming namamatay sa maling akala.Napansin niyang suot suot pa ni Cassey ang jacket niya.Natuwa siya sa bagay na iyon.Mas disente na itong tingnan para sa kanya.Buti na lang ay hindi ito nagrereklamo.

Naghihikab na si Cassey inaantok na siya.Kasi naman ang layo ng unit ng Laila na iyon sa mansyon nila.Wala siyang condo dahil gusto niyang tumira kasama ang lolo niya.Siya lang ang kaisa isang apo nito.Kaya dapat lang ay nasa poder siya ng lolo niya.She is dependent woman.Hindi siya nabubuhay kung walang katulong.At syempre kung wala ang mga credit card niya.Syempre she live like a princess.Kinaiinggitan ng lahat pero deep inside malungkot siya.Bata pa lang siya ng maulila siya.At wala siyang matatawag na tunay na kaibigan man lang.Lahat ay puro plastik lang.At naghahanap siya ng lalaking magmamahal sa kanya ng buo.Sana si Arnold na ang lalaking iyon.Sana balang araw magustuhan din siya nito.Hindi bilang isang heredera kundi bilang siya.



LOVE ME HATE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon