Gustong bilhan ni Cassey ng damit si Angeline pero tumanggi ito.Kaya hindi na niya ito pinilit.Natapos ang buong araw na iyon na ang saya saya.Dahil friendly at kalog ang kapatid ni Arnold.Bumili siya ng mga damit na disenteng tingnan sa tulad ni Arnold.Tinulungan siya ni Angeline na pumili.Dahil kung siya ang pipili baka hindi magustuhan ni Arnold ang mga iyon.Oo para kay Arnold ang pagbabago niya.Lahat pa siyang humanga dito dahil may kapatid itong sobrang bait.Napapansin niyang hindi man lang binanggit ni Angeline ang pangalan ni Laila.Pabor iyon sa kanya.Baka nga may problema sina Arnold at si Laila.Gusto man niyang alamin iyon pero hindi pa sa ngayon.Baka isipin ni Arnold na napachismosa niyang babae."Kuya ate pumasok muna kayo sa loob ng bahay."yaya ni Angeline sa kanila.Hinatid kasi nila ito sa bahay nila Arnold.Medyo nagtataka siya dahil medyo malaki ang bahay na iyon.Inaasahan niyang maliit lang ang bahay nina Arnold.Dahil driver nga lang ito.Pero iba ang nasa imahinasyon ni Cassey.Pero naisip niyang baka marami ng naipundar si Arnold sa pagdadrive nito.Naguguluhan man ay pumasok na siya sa kabahayan.
"Anak sino ang mga kasama mo?"bungad ng naka apron na Ginang.Halatang nagluluto ito.
"Mama si kuya at amo niyang si ate Cassey."pagpakilala ni Angeline sa kanya.
"Good evening po."magalang na saad ni Cassey.
"Maam Cassandra?"nagulat na tanong ni Aling Mercedes.
"Siya nga po."nakangiting saad ni Angeline.
"Ay naku Maam maupo muna kayo.Tamang tama nagluluto ako ng masarap na hapunan."magiliw na saad ni Aling Mercedes.
"Ganun po ba.Sige po dito na po ako kakain."masayang saad ni Cassey.Pati pala ang Mama ni Arnold mabait din pala.
"Ihahanda ko lang ang hapag kainan.Angeline halika tulungan mo ako."ani ni Aling Mercedes.
"May maitutulong po ba ako.?"tanong ni Cassey.
"Naku hindi na Maam.Maupo ka lang muna dyan.Arnold aasikasuhin mo muna ang bisita natin."saad ni Aling Mercedes.
Pati ba naman ang Mama niya ay gusto si Cassandra?Medyo nakaramdam ng tampo si Arnold sa magulang at kapatid.Dahil hindi nito gusto ang babaeng mahal niya.Pero naisip din naman niya masyado lang siguro mabait ang amo niya.Para magustuhan agad ng pamilya niya.Pero mabait naman si Laila kung tutuusin.Buti hindi niya kasama ang nobya niya.Tiyak na magseselos iyon kay Cassandra.
Samantalang habang naghahanda ng hapagkainan sina Aling Mercedes at Angeline.Ay nag uusap ito tungkol sa amo ni Arnold.
"Mama ang ganda niya hindi ba?At alam nyo po bang ang bait bait din ni ate Cassey."pagbabalita ni Angeline sa Ina.
"Oo nga ang ganda pala ng amo ng kuya mo.Sa tingin ko siya ang bagay sa kuya mo.Natanong mo ba kung may nobyo na ba siya?"tanong ni Aling Mercedes.
"Wala na pong bf si ate Cassey.Single na single po siya."saad ni Angeline.
"Mas mabuti.Dapat hiwalayan ng kuya mo ang Laila na yon."bulalas ni Aling Mercedes.Hindi naman siya tumitingin sa estado ng buhay.Pero talagang hindi niya gusto si Laila para sa anak niya.At tingin niya mas bagay si Arnold kay Cassandra.Hindi sa mayaman ito.Kundi ramdam niyang napakabait nito.Pero gusto pa niya kikilatisin ang amo ng anak niya.Ayaw ni Aling Mercedes mapunta lang sa di deserving ang anak niya.Gusto niyang maging maligaya ito habang buhay.Gusto lang niyang maging wais ito sa pagpili ng mapapangasawa.Ayaw niyang matulad ito sa kanya.Na iniwan ng asawa.Ayaw niyang masaktan lang ang mga anak niya bandang huli.
Mayamaya pa tinawag na ni Aling Mercedes sina Cassey at Arnold.Isang masarap na hapunan ang nakahanda sa mesa.
"Buti naman napadami ang niluto ko.Maam Cassandra maupo na po kayo."saad ni Aling Mercedes.
"Cassey na lang po.Yun po ang nickname ko."nakangiting saad ni Cassey.
"Sige Cassey na lang para maging komportable ka."magiliw na saad ni Aling Mercedes.
"Pwede ko ba kayong tawaging tita?"tanong ni Cassey.
"Pwede nyo po siyang tawaging Mama."biro ni Angeline.
"Angeline hindi ka nakakatuwa."inis na saway ni Arnold sa kapatid.
"Joke lang po yon kuya.Pero kung papayag si Mama."pang aasar ni Angeline sa kuya niya.
"Sige tawagin mo na lang akong Mama."sakay na biro ni Aling Mercedes.
"Mama naman ano ba?Nakakahiya kay Maam Cassandra."namumula sa hiya si Arnold.
Natatawa naman si Cassey."Sige po Mama."pati siya ay nakikisali na rin sa biruan.Ang cute cute ni Arnold kapag naaasar.Siguro ang saya saya ng pamilya ni Arnold.
Namumula ang mukha ni Arnold na parang kamatis.Nahihiya siya sa pang aasar ng kaniyang Ina at kapatid.Kahit kelan asar talo talaga siya sa mga ito.Bagamat tila masyadong mabilis nagkasundo ang kanyang amo at ang Mama niya.Siguro masyado lang nakakadala ang karisma ni Cassandra.Marunong pala itong makasama.At magbiro na rin.Akala niya ang kagaya ni Cassandra ay maarte at hindi madaling pakisamahan.Napatunayan niyang mali pala talaga siya ng akala.
BINABASA MO ANG
LOVE ME HATE ME
Aktuelle LiteraturIto ay kathang isip lamang...!! Kwento ng isang babaemg gustong mapasakanya ang pag ibig ng isang lalaki.Kung paano at ano ang kanyang gagawin para mapasakanya lang puso nito.Tunghayan ang storya ni Cassandra Miles Ismael...!!!