Matapos kumain sa fastfood chain ay nagyaya si Cassey na magshopping sa mall."Talaga bang hindi kayo nag alala sa kaligtasan mo Maam?"nag alalang tanong ni Arnold sa dalaga.Kung may death rate natatanggap ang lolo nito ay damay na din si Cassandra.Dahil ito ang kaisa isang apo nito.Wala itong pakialam gumagala ito sa mataong lugar na tulad nito.
"Oo naman bakit naman ako mag alala.?"kampanteng saad ni Cassey.
"Ang tulad mo kasi ay hindi dapat pumupunta sa ganitong lugar."palinga linga si Arnold tinalasan niya ang kanyang pakiramdam.Mahirap na kung mapahamak ang amo niya.
"Ano bang tingin mo sa tulad ko?Hindi na pwedeng magshopping sa mall?"nakasimangot na saad ni Cassey.Ayaw niyang banggitin ni Arnold ang katayuan niya sa buhay.Lalo niya kasing mararamdaman ng hindi sila nababagay na dalawa.Ito na nga ay bumaba na siya sa level ni Arnold.Naiinis siya na ipamukha ni Arnold na mahirap siyang abutin nito.
Nang mapansin ni Arnold na simimangot si Cassandra ay agad naman siyang tumigil sa pagsasalita.Naglalakad sila papunta sa dress section.
"Kuya Arnold.!"tawag ng isang boses babae sa kanilang likuran.Kilala niya ni Arnold ang boses na iyon.Walang iba kundi si Angeline ang nag iisang kapatid niya.Kumunot ang noo niya dahil oras ng pasok bakit nandito iyon sa mall.?Lumingon naman sila pareho ni Cassandra.
"Kuya kilala mo siya Arnold.?"tanong ni Cassandra.
"Oo kapatid ko siya."pormal na sagot ng binata.
"Kapatid mo?"nagningning ang mga mata ni Cassandra.Ngayon makikilala na niya ang kapatid nito.Sana magustuhan siya nito.
"Kuya ikaw nga.Sino yang kasama mo siya ba si Maam Cassandra?"nakangiting tanong ni Angeline sa kuya niya.
"Oo siya si Maam Cassandra.Maam kapatid ko si Angeline."pagpapakilala ni Arnold sa dalawa.
"Hi nice meeting you Angeline."matamis na ngumiti si Cassey kay Angeline.
"Same to you Maam.Tama nga ako napakaganda mo.!"bulalas ni Angeline parang nastarstruck siya sa ganda ni Cassandra.
"Called me ate Cassey."saad ni Cassey.
"Po?"maang na tanong ni Angeline.Maganda na ito tapos mabait pa.Hindi siya nagkamali bagay nga ito sa kuya niya.Sana wala itong bf para mabuild up niya ang dalawa.Ayaw niya talaga kay Laila para sa kuya niya.
"Tawagin mo na lang akong ate.Since wala naman akong kapatid."inulit ni Cassey ang sinasabi niya.Masaya siyang nakilala niya agad ang kapatid ni Arnold.
"Nga pala bakit ka nandito sa mall.Oras ng pasok bakit ka gumala.?"tila galit na tanong ni Arnold.
"Kuya relax bumili lang ako ng kelanganin sa project ko."natatawang saad ni Angeline.Kahit kelan strikto talaga ang kuya niya pagdating sa pag aaral niya.Isa siyang HRM student.Bumili lang siya ng material para sa project niya.
"Sisiguraduhin mo lang na hindi ka naglalakwatsa."saad ni Arnold.
"Teka may time ka pa ba?"tanong ni Cassey.
"Opo marami pa po akong time.Bakit po ate Cassey.?"pati pangalan nito ang ganda para kay Angeline.
"Pwede mo ba akong samahan magshopping ng damit?"gusto ni Cassey na makuha ang loob ng kapatid ni Arnold.Para mapalapit siya ng husto sa binata.
"Sure po."masayang saad ni Angeline.Sa tingin niya magkakasundo sila ni Cassey kesa kay Laila.Kahit 3 years na nobya ito ng kuya niya.Pero mabigat talaga ang dugo ni Angeline kay Laila.Hindi tulad kay Cassey ngayon lang niya ito nakita pero alam niyang napakabait nito.
"Lets go.Mas ok kung ikaw ang kasama ko."kahit si Cassey ang magaan agad ang dugo niya sa kapatid ni Arnold.Parang matagal na niya itong kilala.Aloof siya sa mga tao pero kina Arnold at Angeline ay hindi.Mas magaan pa ang loob ni Cassey kay Angeline kesa sa mga pinsan niya mismo.
Hindi naman makapaniwala si Arnold sa nakikita.Magkakasundo agad ang dalawa.Kilala niya ang kapatid sa pagiging mapili sa mga tao.Hindi nga nakapasa sa standard nito ang kanyang nobyang si Laila.Pero pagdating kay Cassandra ay parang ang gaan gaan ng loob nito sa dalagang amo.Parang nagkakasundo agad ang mga ito.Humanga naman siya kay Cassandra dahil sa pagiging mabait nito sa kanyang kapatid.Tiyak niyang ibibuild ni Angeline si Cassandra sa kanya.Pero may nobya na siya hindi na pwede.As if naman kung papatol sa kanya ang kanyang amo.
Masayang namimili ng damit sina Angeline at Cassey.Nalaman ng dalaga na pareho pala sila ng taste ng kapatid ni Arnold.Hindi na siya mahihirapan makipaglapit sa pamilya ni Arnold.Mabait din pala ang kapatid ni Arnold.
"Nga pala ate Cassey matanong lang kita.Wala po ba kayong bf.?Baka kako magalit dahil kasama nyo po ang kuya ko."tanong ni Angeline umaasa siyang walang bf si Cassey.
"Wala last na flings ko 3 months ago pa.We broke up."pagtatapat ni Cassey.
"Buti naman pala.Ang ibig kung sabihin walang magagalit na magkasama kayo ng kuya ko."makahulugan na saad ni Angeline.
Pinandilatan naman ng mata ni Arnold ang kapatid.
"Kung meron man bakit naman magagalit.Ei driver ko naman ang kuya mo."saad ni Cassey.
"Kunsabagay."alam na ni Angeline ang papel ng kuya niya sa buhay ni Cassey.Hindi niya pwedeng sabihin dito na isang agent ang kapatid niya.
BINABASA MO ANG
LOVE ME HATE ME
General FictionIto ay kathang isip lamang...!! Kwento ng isang babaemg gustong mapasakanya ang pag ibig ng isang lalaki.Kung paano at ano ang kanyang gagawin para mapasakanya lang puso nito.Tunghayan ang storya ni Cassandra Miles Ismael...!!!