Chapter 23

406 5 0
                                    


Kahit pa sabihing gusto ni Cassey si Arnold pero naooffend talaga sa sinasabi nito.Na tila ayaw nitong pumasok sa mundo nito.Pero at the same time na cha challenge din naman siya.Titingnan niya kung hindi ba ito bibigay sa kanya.Wala pang umayaw kay Cassandra Miles Ismael.Sisiguraduhin niyang mahuhulog sa kanya ang binata.Hindi ang tipo niya ang uurong na lang sa laban.Mas lalo pa niyang gustong pumasok sa pagkatao ni Arnold.Sa tuwing pinamumukha ni Arnold na hindi sila bagay.Ay lalo siyang magpupursiging maangkin ito.Sisiguraduhin niyang mapapalitan niya si Laila sa puso nito.At gagamitin niya ang pamilya ng binata para pumasok sa mundong ginagalawan nito.Effort na kung effort.
Kinabukasan ay pinatawag niya ito.May pupuntahan na naman kasi sila.Mag gogrocery siya para sa Mama at kapatid nito.Gusto niyang mapalapit siya ng husto sa mga ito.Dahil alam niyang ito ang kahinaan ng binata.At aalamin din niya ang katotohanan tungkol kay Laila.Ipapamukha niya kay Arnold na mas deserving siyang mahalin  kesa sa nobya nito.Wala pang umaayaw sa karisma niya.Matapos niyang mag grocery ng pagkarami rami ay sinabi niyang pupunta sila sa bahay ni Arnold.

"Bakit po kayo pupunta doon?"nakakunot ang noo ni Arnold na nagtanong.

"Gusto ko lang.At sinabi ng Mama mo na anytime akong welcome sa bahay ninyo."pormal na sabi ni Cassey.

"Hindi po magandang ideya ang ginagawa nyo Maam.Mas lalo nyo lang pinalala ang sitwasyon."makahulugang saad ni Arnold.

"Arnold kung anuman ang problema mo tungkol kay Laila labas na ako doon.Gusto ko ang Mama at kapatid mo.Kaya pwede ba wag kang mag isip ng kung anu ano."kunwaring saad ni Cassey.

Hindi na lang kumibo si Arnold.May kutob talaga kasi siya.At isa pa mas lalong aayawan ng pamilya niya si Laila kung papasok sa eksena si Cassandra.Halatang halata sa mga ito na ang dalagang amo niya ang gusto ng mga ito para sa kanya.Paano na ang proposal niya sa nobya?Mauudlot na naman ba.?At natatakot din siyang maghiwalay sila ng kasintahan niya.Hindi siya makakapayag mangyari yon.Matagal ang pinagsamahan nila ni Laila.At higit sa lahat mahal niya ito.Gusto niyang ipaglalaban niya ang pag ibig niya.Pero hindi din niya kayang balewalain ang damdamin ng Ina at kapatid niya.At ngayon kung eeksena pa si Cassandra sa buhay nila ay mas lalong gugulo ang sitwasyon.

Nakarating sila sa bahay nina Arnold na wala man lang imikan.Sa ngayon hahayaan muna ni Cassey ang binata.Ang uunahin niya ay magkaroon ng matinding ugnayan sa pamilya nito.Alam niyang mahaba pang proseso iyon.Pero alam niyang kayang kaya niya iyong gawin.

"Ibaba muna ang pinamili ko."utos ni Cassey kay Arnold.

Walang imik naman sumunod si Arnold.Naiirita siya sa ginagawa ni Cassey.Gayunpaman ay wala siyang magagawa dahil amo niya ito.

Nagdoorbell na si Cassandra.Nagtaka man siya kahapon kung bakit ganun ang bahay ng isang driver na kagaya ni Arnold.Pero iwinaksi na niya sa kanyang isipan.Ang mahalaga ngayon ay masimulan na niya ang kanyang plano.Ang maangkin ang tiwala ng pamilya nito.

"Cassey nandito ka ulit.Pasok."masayang bungad ni Aling Mercedes kay Cassey.

"Tita may pinamili po ako para sa inyo."masayang saad ni Cassey.

"Naku ang dami naman niyan.Nag abala ka pa.Wala ka bang pasok ngayon?"tanong ni Aling Mercedes.

"Isa siyang prinsesa Mama hindi na niya kelangan ang magtrabaho."sarkastikong saad ni Arnold.

"Arnold ano ba sinasabi mo.?Cassey wag mo nang pansinin ang anak ko."saad ni Aling Mercedes.

"Pakipasok na lang sa loob."utos ni Cassey kay Arnold.Nainis na naman siya sa binata.

"Ok po Maam."pinagdiinan ni Arnold ang salitang "maam."Gusto niyang tumigil na si Cassey sa pagpunta punta sa bahay nila.

Hindi na lang iyon pinansin ni Cassey.Ang mahalaga welcome siya sa bahay ng mga ito.At maganda ang trato ng Mama at kapatid ni Arnold sa kanya.Ngayon araw gusto niyang tanungin si Aling Mercedes tungkol kay Laila.Kung ano ang estado ng relasyon ng mga ito sa babae.Pakiramdam kasi niya may something sa pagitan ng mga ito.Sa makakuha man lang siya ng clue o kasagutan sa tanong sa kanyang isipan.

"Maupo ka iha."nakangiting saad ni Aling Mercedes.

"Tita pwede nyo ba akong turuan magluto.?"biglang naisip ni Cassey na dahilan para magtagal siya sa bahay ng mga ito.Para na rin makabonding niya ito ng matagal.Bago pa siya pumasok sa kompanya ng kanyang lolo ay gagawin muna niya ang gusto niya sa ngayon.

"Oo naman ano ang gusto mong lutuin.?"tanong ni Aling Mercedes.

"Menudo po paborito po kasi iyon ng lolo ko.Gusto kong ipagluto siya ei.Uuwi na kasi siya bukas."ginamit pa niyang alibi ang lolo niya.

"Sige yun ang ituturo ko sayo.Arnold bumili ka ng kakailanganin namin sa pagluluto."utos ni Aling Mercedes sa anak.

Alam na ni Arnold ang bibilhin niya kaya hindi na siya nagtanong pa.Tumalima na lang siya.

LOVE ME HATE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon