Chapter 38

598 12 4
                                    

★LOVE ME HATE ME★

Chapter 38

Simula ng gabing iyon naging maayos na ang pakikitungo ni Arnold kay Cassey.Hindi man nila nilagyan ng label ang kanilang relasyon pero masaya pa rin si Cassey.Atleast ngayon may puwang na siya sa pagkatao ni Arnold.Napakasweet nito pala at lage siyang inaalagaan.Masaya siya dahil sa kanya natuon ang atensyon ng binata sa mga nagdaang mga araw.

Samantalang hindi pa kaya ni Arnold sabihin kay Laila ang tungkol sa namamagitan sa kanila ni Cassandra.Wala pa siyang lakas ng loob magtapat.At hindi pa niya alam kung sino ang pipiliin niya pagnagkataon.Wala pa siyang siguradong desisyon.Ayaw niyang masaktan niya si Laila.At ayaw din niyang ilet go si Cassandra.Nababaliw na siya dito.Kaya sa ngayon pinag iisipan pa niya ang kanyang magiging desisyon.Hindi biro ang pinasok niya.Oo masaya siya sa piling ni Cassandra pero natatakot siyang magkamali sa desisyon niya.Ayaw din niyang wasakin ang puso ng kanyang nobyang si Laila.Matagal din ang pinagsamahan nilang dalawa.Alam niyang magulo ang sitwasyon na pinasukan niya.Pero di din niya matiis ang bugso ng damdamin niya.Di niya mapaglabanan ang isang tukso.Isang tuksong alam niyang maaaring makawasak sa puso ng kanyang nobya.Para sa kanya hindi deserving si Laila na masaktan.But he is crazy about Cassandra.Naguguluhan man ay pinagpatuloy niya ang paglalaro ng apoy kasama si Cassandra.Para itong isang ecstacy ito na pagnatikman na ay hahanapin mo.Sa ngayon ay gusto niyang itago kay Laila ang namagitan sa kanila ng dalagang amo.Nagpapasalamat din siya dahil hindi naman demanding si Cassandra.Hindi nito hiniling na hiwalayan niya si Laila.At kontento ito kung anuman ang label nila sa ngayon.Pero alam niya balang araw kelangan niya talagang mamili sa dalawa.Sa ngayon hindi pa niya mapagdesisyunan ito.
Maraming gabi na may nangyayari sa kanila ni Cassandra.Nag alala siya na baka mabuntis niya ito sa wala sa oras.

"Dont worry Im taking pills.Ayaw mo bang mabuntis ako.?"tanong ni Cassey kay Arnold.

"Hindi pa ako handa sa maaaring mangyari Cassey."sinserong saad ni Arnold.

"Same here.Kaya wag kang mag alala."pilit na ngumiti si Cassey nalungkot siya sa sinabi ni Arnold.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa niya alam kung sino ang pipiliin ni Arnold.Siya ba o ang nobya nitong si Laila.Hanggang ngayon ay naiinsecure siya kay Laila dahil alam niyang mahal pa rin ito ni Arnold.At natatakot siya na balang araw iiwan siya ng binata.Natatakot siya na balang araw pipiliin pa rin ni Arnold si Laila kesa sa kanya.Walang label ang relasyon nila kaya mas lamang pa rin si Laila kesa sa kanya.Sa pagdaan kasi ng mga araw nararamdaman na ni Cassey na unti unti na niyang minahal si Arnold.Natatakot siya na masaktan siya bandang huli.Kaya hindi siya nagdemand ng kahit na ano sa binata.Baka kako masakal at matauhan ito.Baka paggising niya isang umaga wala na ito sa paningin niya.First time niyang maramdaman ito sa isang lalaki.Hindi pala madali kung walang label ang relasyon ninyo.Araw araw natatakot ka sa maaaring mangyari.Hindi madali pala ang wala kang pinanghahawakan na kahit na ano.Ngayon niya narealize na hindi madali ang relasyon na walang commitment.Yong relasyon sex lang ang nag uugnay sa kanilang dalawa.Yong relasyon din na ikaw lang mag isa ang may gusto.Or sabihin na natin one-sided love matatawag.Dapat maging handa ka sa maaaring mangyari.Pero kahit maghahanda ka pa hindi maiiwasang hindi ka talaga masasaktan.Sinisisi niya ang sarili kung bakit pa niya nagustuhan si Arnold.Ngayon  pakiramdam niya na nasa kumunoy ang isang paa niya.Nahihirapan siyang magbalanse at takot siya na isang araw tuluyan na siyang mahulog sa kumunoy na iyon.Baka hindi siya makaahon pa pagnagkataon.Ganun pa man sa bawat gabing pinagsasaluhan niya ay talagang umaabot sa langit ang kaligayahan niya.Kaligayahan na ayaw na niyang matapos.At kung nanaginip man siya ngayon ayaw na niya sanang magising pa sa katotohanan.Katotohanan na nagpapakahirap sa kanyang kalooban.Katotohanang si Laila ang nasa puso ng lalaking handa niyang pag alayan ng buong pagkatao niya.Alam niyang maling mali ang kahibangan niya.Pero doon siya masaya.Masaya siyang gawin ang alam niyang mali at bawal.Mali ang pagkagusto niya sa taong may nobya niya.Mali ang pagpasok niya sa pagkatao at mundo nito.Mali man pero hindi niya mapipigilan ang sariling wag gawin ang kamaliang iyon.Binago ni Arnold ang isang Cassandra Miles Ismael.At palagay niya isa na itong karma sa mga nagawa niya at pinaasa niyang mga lalaki noon.Naguguluhan man siya kung ipagpatuloy pa niya ang kamaliang ito o hindi na.Susugal ba siya or hindi.Ngayon lang siya natakot na iwan siya ng isang lalaki sa buong buhay niya.

Katulad ni Cassey ay naguguluhan din naman si Arnold.Hindi niya alam kung hanggang kelan niya maitatago kay Laila ang kanyang ginagawang kasalanan.Takot siyang magbunga ang lahat dahil mas lalong maging komplikado ang sitwasyon.Magiging komplikado kung may mainvolve na bata sa pagitan nilang tatlo.Kawawa ito pagnagkataon kung anuman ang magiging desisyon niya.Ayaw niyang may madamay na anghel sa kahibangan niyang ito.Mas lalong hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili pagnagkataon.Kahit naguguluhan man siya pinili pa rin niyang ipagpatuloy ang maling nasimulan.He cannot resist Cassandra's charm and beauty.Pakiramdam niya kung pipigilan niya ang sarili ay mauwi siya sa mental.Masarap ika nga ang bawal.

Isang araw tumawag si Rafael kay Cassey.May binalita ito tungkol kay Laila.

"Rafael I need to talk to you.I need someone who listen to me right now.Ikaw lang ang naisip ko."malungkot na saad ni Cassey nasa isang bar siya ngayon.Linggo day off ni Arnold kaya hindi niya ito kasama.

"Sure pupunta ako dyan right away.Wait me a minute."saad ni Rafael.

Marami na rin nainom si Cassey ng dumating si Rafael.

"Whats wrong may problema ka ba.?"tanong ni Rafael.

"Yes meron."gustong maiyak si Cassey.

"Tell me you can trust me Cassey."nag alalang saad ni Rafael.

Ikinuwento niya ang tungkol kay Arnold habang umiiyak.

"He is not deserving sayo Cassey.Hindi ko ito sinasabi dahil sa mahal kita.Sinasabi ko ito dahil sa kaibigan kita.Advice ko lang sayo tigilan mo na ang kahibangan na ito.You deserve someone better."ani ni Rafael.

"Tingin mo ba hindi na tama ang ginagawa ko.?"tanong ni Cassey habang humihikbi.

"Yes dahil sinasaktan mo lang ang sarili mo."deretsang saad ni Rafael.

"Paano ko titigilan o pipigilan ang sarili ko.Kung siya na ang laman nito.?"tinuro pa ni Cassey ang kanyang puso.

"Itama mo ang mali Cassey wag kang magpapadala sa bugso ng damdamin mo."payo ni Rafael bilang isang kaibigan.

"Hindi ko alam kung makakaya kong pigilan ang puso ko na tumibok sa kanya Rafael.Turuan mo ako kung paano please."saad ni Cassey.

"Ok tutulungan kita sa bagay na iyon.Una mong gawin ay putulin na ang ugnayan ninyong dalawa ngayon pa lang Cassey."ani ni Rafael.

"Sige susubukan ko."malungkot na saad ng dalaga.

"Wag mo lang subukan.Gawin mo."payo ni Rafael.

"Thanks Rafael."yumakap siya sa kaibigan.

"Anytime Cassey."gumanti naman ng yakap si Rafael sa dalaga.

Yon ang eksenang nakita ni Arnold sa de kalayuan.Sinundan kasi niya si Cassey nong gabing iyon.Naikuyom niya ang kanyang kamao.Pakiramdam niya pinagtataksilan siya ni Cassandra.Galit siyang umalis sa lugar na iyon.

LOVE ME HATE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon