Nakikipagkulitan at nakikipagbiruan si Cassey pamilya ni Arnold.Feel at home sa bahay na iyon.Magaan ang pakiramdam niya.At ang saya saya niyang makilala ang pamilya ng binata.Naiinggit tuloy siya kay Arnold may masayahin itong pamilya."Gabi na po Maam Cassandra."biglang sabad ni Arnold sa kulitan ng mga ito.
"Kuya ang kj mo.Bakit papauwiin mo na ba si ate Cassey?Mama oh si kuya."saad ni Angeline.
"Oo nga naman anak.Kung gusto ni Cassey matulog dito pwede naman."tuloy pa rin ang biro ni Aling Mercedes.Alam niyang naiirita na si Arnold sa kanila.Dahil hindi nila matanggap ang nobya nito.Pero magaan at maayos ang pakikitungo nila kay Cassandra.
"Baka po hinahanap na siya sa mansyon."alibi ni Arnold gusto lang siyang makatakas sa pang aasar ng kanyang Mama at kapatid.
"Walang maghahanap sa akin dun.Nasa business trip ang Lolo ko."saad naman ni Cassey gusto pa niyang magtagal sa bahay nila Arnold.Naiinis siya dahil tila tinataboy na siya nito.
"Yun naman pala.Kaya relax ka lang dyan kuya."sabi ni Angeline.
"Ang totoo po ngayon ko lang maranasan ang makipagbiruan.Lage lang po ako nag iisa sa mansyon tita."nagpapaawa effect si Cassey sa Mama ni Arnold.Dahil ayaw pa niyang umalis sa bahay na iyon.Kung pwede nga lang doon na siya tumira.Napakasaya ang bahay na iyon.Ramdam niya na punong puno ito ng pagmamahal.Maswerte si Laila kung maging parte ito ng pamilyang iyon.Speaking of Laila kanina pa niya napapansin na hindi talaga binanggit ng mga ito ang pangalan man lang ng babae.Kahit si Angeline kanina hindi binanggit si Laila.Pakiramdam niya may problema si Laila sa pamilya ni Arnold.Kung meron man siguro maging masaya siya.Gusto niyang palitan si Laila sa puso ni Arnold.She wish na mangyari iyon.Siguro maging masaya na siya pag nagkataon.Total package na kasi si Arnold plus may pamilya pa itong masayahin.
"Kawawa ka naman pala ate Cassey.Siguro super lungkot ng buhay mo ano."pakikisimpatya ni Angeline kay Cassey.
"Bakit naman nakakaawa ang isang prinsesa.?"biglang sabi ni Arnold.
Hindi iyon nagustuhan ni Cassey."Hindi ako prinsesa.Gusto kong mamuhay kagaya ninyo.Masaya lang sa buhay."
"Nakukuha mo lahat ng gusto hindi ba?Paano ka nagiging malungkot?"ani ni Arnold.
"Arnold tama na yan.Naooffend na si Cassey sa sinasabi mo.Hindi basehan ang pera sa kaligayahan ng isang tao."awat ni Aling Mercedes sa anak.
"Akala ko iba ang pananaw ninyo sa buhay Mama.Hindi mo matanggap si Laila hindi ba dahil mahirap lang siya?At ngayon gustong gusto nyo si Maam Cassandra dahil mayaman siya.?"bumuhos ang sama ng loob ni Arnold sa Mama at kapatid.
"Arnold bakit nasali sa usapan ang babaeng iyon.?Alam kong nababaliw ka na kay Laila.Pero wala kang karapatan husgahan kami ng kapatid mo.Alam mong hindi kami o ako ganun mag isip.!"galit na sabi ni Aling Mercedes.
"Ate Cassey pasensya ka na.May issue lang kasi dito sa bahay."sabi ni Angeline.
"Ok lang yon naiintindihan ko naman."may kutob na siya kung bakit may alitan si Arnold at Mama nito.Dahil iyon kay Laila medyo malinaw na sa kanya ang lahat.Hindi gusto ng pamilya ni Arnold si Laila.
"Maam Cassandra umuwi na po tayo.Hindi kayo nababagay sa lugar na ito."sarkastikong saad ni Arnold.
Nasaktan naman si Cassey sa inasal ni Arnold.Pinagtatabuyan siya nito palayo sa pamilya nito.
"Sige uuwi na tayo."nawala sa mood si Cassey.Napalitan ito ng inis kay Arnold.Buong araw siyang nag effort para dito tapos ipagtabuyan lang siya nito.What the heck.!
"Cassey anytime welcome ka dito sa bahay."pahabol na saad ni Aling Mercedes.
"Salamat po tita."pilit ang ngiti ni Cassey.
"Ate Cassey text at tawag na lang tayo."ani naman ni Angeline.
Tumango lang si Cassey at nagpatiuna na kay Arnold.Badtrip siya kung bakit nadamay siya sa problema ni Arnold at Laila na yon.Nang makasakay sa kotse.
"Arnold kung may problema ka tungkol sa nobya mo.Pwede ba wag kang mandamay ng tao."sita ni Cassey sa binata.
"Totoo naman ang sinabi ko na hindi ka nababagay sa mundo namin."inis pa rin na saad ni Arnold.
"Hey sumosobra ka na ah.Ano ba ang kinalaman ko sa problema ninyong dalawa.?Kasalanan ko bang maging magaan ang loob ng pamilya mo sa akin?"sumabog na si Cassey.
Natahimik si Arnold natauhan siya.Tama ito walang kinalaman si Cassandra sa problema niya.Bakit ba niya ito dinamay.?
"Im sorry nadala lang ako sa emosyon."malumanay na saad ni Arnold.
"Diba sabi ko ihiwalay mo ang personal na problema mo sa trabaho.!"singhal na ni Cassey.
"Sorry po Maam Cassandra."nakalimutan ni Arnold sandali na amo pala niya ito.
BINABASA MO ANG
LOVE ME HATE ME
General FictionIto ay kathang isip lamang...!! Kwento ng isang babaemg gustong mapasakanya ang pag ibig ng isang lalaki.Kung paano at ano ang kanyang gagawin para mapasakanya lang puso nito.Tunghayan ang storya ni Cassandra Miles Ismael...!!!