"Mikmik halika ka! Mahuhuli tayo sa meeting nyan eh!"
Tumatakbong wika sa akin ng co-teacher ko na si Alessandra."Sige na. Mauna ka na. Teka hinihingal ako eh."
Wika ko naman na hingal na hingal na. May meeting kasi kaming mga teachers ngayon upang pag-usapan ang bagong sistema na gagawin sa paaralan dahil nga sa pandemic.Kung bakit ba naman kasi ang taba-taba ko. Ayan tuloy madali akong hingalin. Well, hindi naman ako ganoon 'kataba'. Sabihin na nating chubby ako. Yes, chubby lang.
Nauna naman na si Alessandra sa AVR ng campus. Kesa patuloy na tumakbo ay naglakad na lang ako. At sa wakas ay nakarating na ako. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng AVR. Gusto kong lumubog sa kahihiyan dahil lahat ng mga teachers ay nakatingin sa akin.
"At last Ms. Alcantara. Nakarating ka din."
Wika ni Sir Anton na syang principal namin."Hehe. Pasensya na sir."
"Maupo ka na at magsstart na."
"Yes Sir. Sorry po."
Ginala ko ang paningin ko at nakita ko si Alessandra. Kumakaway ito sa akin at tinuturo ang upuang bakante sa tabi nya. Nagmamadali akong umupo doon."Nakakahiya."
Bulong ko."Ikaw kasi eh. Kain ka ng kain. Yan tuloy."
Pang-aasar nya sa akin. Inirapan ko na lang si Alessandra. Nagsimula na nga ang meeting. Maraming nabago katulad na lamang ng face to face class. Magbabawas muna daw kami ng enrollees upang masunod ang social distancing. Kulang kulang tatlong oras din ang tinagal ng meeting.Pagkatapos niyon ay saktong nakatanggap ako ng tawag mula kay mommy.
"Mikha anak, nasa ospital kami ngayon."
"Po? Anong nangyari ma?"
Nag-aalalang tanong ko."Ang papa mo. Sinugod namin sa ospital dahil namimilipit sya sa sakit."
Dinig ko ang pag-iyak ni mama sa kabilang linya. Ako naman ay kinakabahan na."Nasaan kayo ngayon? Pupunta ako dyan."
"Nandito kami sa NKTI."
"Sige po. Pupunta po ako dyan ngayon din."
"Girl ayos ka lang?"
Tanong sa akin ni Alessandra. Natataranta naman ako."Sinugod si papa sa ospital. Kailangan kong pumunta doon."
"Okay. Pero makakapagdrive ka ba ng maayos?"
"Oo. Sige na. Balitaan mo na lang ako."
"Okay, sige ingat ka."
Tumatakbo akong pumunta sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ko. Sumakay kaagad ako at pinaadar iyon. Napamura ako dahil ayaw magstart ng makina.
"Fvck!"
Sinubukan ko ulit pero wala talaga. Napamura ako ulit. Nagulat naman ako nang may kumatok sa salamin ng sasakyan ko. It was Jake. One of my co-teacher. Binaba ko ang salamin ng sasakyan ko.
"Are you okay Mik?"
"Ayaw magstart ng sasakyan ko. Pupunta akonv NKTI kasi sinugod sa ospital ang papa ko."
"Oh. Uhm, dito ka na sa sasakyan ko. Ihahatid kita doon."
"Ha?"
"I'll give you a lift Miks."
Nakangiting wika nya. Wala naman akong magawa kundi tanggapin ang offer nya. Magpapakapabebe pa ba ako?Bumaba ako ng sasakyan ko at nilock iyon. Sumakay na ako sa sasakyan ni Jake. And he starts to drive. Habang nasa byahe kami ay walang nagsasalita sa aming dalawa. Alam ko kasing may gusto sya sa akin. Umamin sya sa akin one month ago. Noong una ay okay naman kami. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin ko sa kanya, wala nang iba. Dahil...
"Ano bang nangyari sa dad mo?"
Untag nya sa akin."Hindi ko pa alam eh. Basta ang sabi ni mommy sinugod sya sa NKTI."
"I hope he's okay."
"Yeah."
Naging mabilis naman ang byahe namin ni Jake. Pagdating namin ng NKTI ay kaagad akong nagpasalamat sa kanya. Gusto pa sana nya akong ihatid sa loob pero sabi ko ako na lang.
Tumatakbo akong pumasok sa loob at nagtanong sa receptionist. Binigay nito ang floor at room kung nasaan si daddy. Abot abot ang kaba at takot ko habang nasa loob ako ng elevator.
Kung ano anong tumatakbo sa isip ko.
Nang bumukas ang steel door ng elevator ay may nabangga akong matangkad na lalaki."Oh shoot. Sorry po."
Sabi ko at hinihilot ko po ang ulo dahil iyon ang tumama sa matipuno nyang dibdib."Sorry Miss. Are you okay?"
Masuyong wika nya sa akin. Hinawakan nya ang mukha ko at tiningnan ang noo ko. Nabigyan ako ng pagkakataong makita ang mukha ng lalaki. Well nakasuot ito mask kaya mga mata lang nito ang nakikita ko. Parang may milyon-milyong kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang haplusin nya ang noo ko."O-okay lang ako. S-sorry."
Nauutal kong sabi sa lalaki. Mapungay ang mga mata nito at halata mong matangos ang ilong dahil nakaumbok ang bahagi ng mask na nakatakip sa ilong nito."Are you sure?"
"Yeah. Pasensya na, nagmamadali ako eh."
Sabi ko at naglakad na. Hindi ko na ito nilingon kahit na natutukso akong gawin iyon.Ano ba yan Mikha! Nasa ospital na nga ang tatay mo lumalandi ka pa!
BINABASA MO ANG
Love Me Like You Do
RomanceEverything is perfect, iyon ang buhay ni Mikhaela. She has stable job as a teacher and has a loving parents, wala na syang mahihiling pa. Pero nagbago iyon nang magkasakit ang kanyang ama. Her father requested to marry someone she doesn't know. It w...