"Bakla bakit ang putla mo ngayon? Okay ka lang ba?"
Puna sa akin ni Alessandra habang kumakain kami ng lunch. Nasa cafeteria kasi kami ngayon dahil breaktime."Oo naman. Okay lang ako. Bakit?"
Sagot ko sa kanya."Napapansin ko lang kaso these day maputla ka. Are you sure okay ka lang?"
"Oo naman."
Sunod sunod ang pagkain ko ng palabok. God! I'm so hungry. Napansin ko naman na nakatingin lang sa akin si Alessandra."Bakit na naman Sandra?"
"Buntis ka ba?"
Naubo ako ng wala sa oras sa sinabi nya.
"Anong pinagsasabi mo ha? Nababaliw ka na ba?"
"Look, ang putla mo these days tapos ang lakas mo pang kumain. Signs yan ng nagbubuntis eh."
"That's impossible."
Bulong ko. Pero napaisip din ako bigla. May mga umaga ngang nahihilo ako pero hindi naman ako naduduwal. Hindi ko lang sinasabi kay Rodrigo dahil baka mag-alala pa sya."Okay. When you're have sex--"
"Sandra!"
"Okay sorry sorry. When you're having you know with Doc Rodrigo, do you use you know?"
Tanong nya sa akin. Umiling naman ako."Buntis ka nga bakla. MagPT ka para malaman mo."
"Agad agad?"
"Eh kung jombagin kaya kita."
Paasik na wika sa akin ni Alessandra. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Pero punong puno ng what if's ang isip ko. Kinakabahan ako na natatakot. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ni Rodrigo kapag malaman nyang buntis ako. Handa na ba ako maging ina? Hindi ko alam.Kaya para matahimik ang loob ko ay nagpasama ako kay Alessandra na bumili ng PT test. Sabi ng pharmacist mas magandang gamitin ang PT sa umaga. Kapag umihi ako. Syempre hindi ko pinakita kay Rodrigo ang T na binili ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nasa banyo ako at nakatitig sa Pregnancy test na hawak ko. I already peed and took the test. Inaantay ko na lang ang resulta niyon. Napaluha at napasinghap ako sa nakita ko. Two lines. It means I'm pregnant. Nabitawan ko iyon nang maramdaman kong parang hinuhukay ang tyan ko at naduduwal ako.
"Mikhaela! Wife! Open the door!"
Kinalampag ni Rodrigo ang pintuan ang banyo. Dahil nakalock iyon ay pinagbuksan ko sya."Are you okay?"
He cupped my face and looked at me. Hindi ko mapigilang mapaiyak."Hush now wife. I'm here. Ano bang nangyari?"
Nag-aalalang tanong nya sa akin. I picked up the test and gave it to him."I'm pregnant."
Kinuha ni Rodrigo ang test at tiningnan iyon. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat. Ngunit napalitan iyon ng malapad na ngiti.
"I knew it!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Knew it? How did you know?"
"Wife. I'm a doctor remember?"
"Alam ko. Pero paano mo nalaman?"
"The paleness, cravings and maging ang mood swings mo lately. Ayoko lang sabihin sayo dahil baka mabigla ka or baka hindi mo ako paniwalaan."
Pinalo ko sya sa braso habang umiiyak. Alam na pala nyang buntis ako hindi pa nya ako sinasabihan. Napansin ko nga din ang pagiging maiinitin ng ulo ko these passed few days. Pati si Rodrigo ay napagbubuntungan ko ng galit minsan.
BINABASA MO ANG
Love Me Like You Do
RomanceEverything is perfect, iyon ang buhay ni Mikhaela. She has stable job as a teacher and has a loving parents, wala na syang mahihiling pa. Pero nagbago iyon nang magkasakit ang kanyang ama. Her father requested to marry someone she doesn't know. It w...