•SEVEN•

775 39 0
                                    

Mag-iisang linggo na simula noong maconfine si Daddy sa ospital. Hindi ako iniwan ni Rodrigo. Lagi itong nakabantay sa akin at sa kalagayan ni Daddy. I'm so thankful that he's my husband. Sa araw araw na nakakasama ko sya ay lalo akong nahuhulog sa kanya. Hindi ko alam kung ganoon din sya sa akin. Ayokong syang tanungin dahil natatakot ako sa isasagot nya sa akin.

Nagfile muna ako ng leave sa trabaho upang mabantayan ko si Dad ng mabuti. Sa umaga ako ang nagbabantay habang si mama naman sa gabi. Nagising naman na si daddy pero mahina na ito. Hindi na nito kayang sumailalim pa sa surgery.

  "Wife. Stop crying. Nag-aalala na ako sayo."
Masuyong wika sa akin ni Rodrigo nang gabing iyon. Umiiyak ako dahil pinapunta kanina ni Daddy ang personal attorney nya. Alam ko kung para saan ang napag-usapan nila. Dad is already making his last will.
Napayakap ako sa asawa ko.

  "Ganito ba talaga kasakit?"
Tanong ko sa kanya. He was stroking my hair with his fingers.

  "I know this is hard for you Mikhaela, pero ganoon talaga ang buhay ng tao. You have to be strong."

  "Hindi ko kayang mawala si daddy."

  "I know wife. Kung may magagawa lang ako para mawala ang sakit na nararamdaman mo."

Humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. Narinig ko na lang na kumakanta ito. He was singer 'Passenger Seat'. I didn't know that he has soothing singing voice. Musika iyon sa pandinig ko. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako nang marinig kong nagriring ang telepono, para akong kinabahan nang marinig iyon. Bumangon ako upang sagutin iyon. Wala si Rodrigo sa tabi ko. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Rodrigo na hawak ang telepono. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla.

  "Is there something wrong?"
Kinakabahang tanong ko. Binigay nya sa akin ang telepono.

  "It's your mom."

Kinuha ko naman iyon.

  "Ma?"

  "Mikha, iniwan na tayo ni daddy mo."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. I was froze. Kinuha ni Rodrigo ang telepono sa kamay ko.

  "Pupunta kami dyan agad ma. Mikha was in shock. Ako na po ang bahala sa kanya."

Inalalayan ako ni Rodrigo na umupo sa couch. He went to the kitchen to get me some water. Walang luhang lumalabas sa mga mata ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.

  "Drink this Mikhaela."

I took a sip. Saka lang magsink in sa akin na wala na si daddy.

  "Remember what I said wife. Be strong."

Nang magpunta kami sa ospital ay dinala na si daddy sa morgue. At dahil bawal itong iburol dahil nga sa pandemic ay ikicremate daw ito ayon kay Mama. Iyak ng iyak naman si mommy. Habang ako ay lumuluha lang ng tahimik.

Matapos icremate ang labi ng daddy ay dinala namin ito sa bahay. Nasa tabi ko pa din si Rodrigo. Nakaalalay pa din sya sa akin. Ilang araw din akong namalagi sa bahay namin. Hindi muna ako umuwi sa condo unit ni Rodrigo dahil gusto kong samahan si mama sa bahay.

Habang nasa bahay ako ay bumalik lahat ng alaala na kasama ko si daddy. Iyong mga kulitan namin at tawanan naming magpamilya. Lahat iyon ay nanumbalik. Gabi gabing umiiyak si mama kaya nag-alala na din ako sa kanya.

Pero sabi nga nila time heals. At sa paglipas ng araw at panahon ay natutunan din namin ni mama na tanggapin na wala na si daddy. Na kailangan naming bumalik sa realidad na hindi na sya babalik at kasama na sya ng panginoon.

Napagpasyahan ni mama na umuwi ng probinsya kung naroon ang mga kapatid nya. Makakatulog daw iyon para magkaroon sya ng peace of mind. Dahil kung mamamalagi sya sa bahay ay lagi nyang maalala si daddy.

Bumalik naman na ako sa trabaho matapos ang leave ko. Natutunan ko ding tanggapin na wala na si daddy. Alam ko kung nasaan man sya ngayon ay ayaw nya akong nakikitang nagmumukmok.

*****
  "Nandyan na ba lahat ng gamit mo? Baon mo? Class record? Lesson plan?"
Isa isang paalala sa akin ni Rodrigo. Katulad kasi ng pinangako nya sa akin, walang araw na hindi nya ako hinahatid sa school na pinapasukan. Kahit medyo malayo iyon sa condo na tinitirahan namin.

Napangiti akong yumakap mula sa likod nya. I really love hugging him from behind. Ang sarap kasi amuyin ang likod nito.

  "Yes sir."

  "Don't call me 'sir' or else."

  "Or else what?"

  "You'll regret it wife."
Niyakap naman nya ako at napahiyaw ako nang ihiga nya ako sa kama. He pinned me and held my wrist above my head.

  "I was just joking Rodrigo."

  "I'm not so better not test me. Okay wife?"

  "Yes s--"

He shut me up with his kiss. It was really addicting. Lumalim ang halik na iyon. I was about to unbutton his polo when he held my hand.

  "Wife. Malelate ka na."

  "Oh shit. Oo nga pala."

Ayan! Kalandian Mikhaela! Dali dali akong tumayo at inayos ang sarili ko. Natawa naman si Rodrigo. Pinalo ko ito sa balikat.

  "Shut up. Ikaw kasi eh."

  "Anong ginagawa ko?"
Inosenteng tanong nito.

  "Heh!"
Pinandilatan ko na lang ito ng mata. Pagdating namin ng school ay halos lahat ng mata ay nasa amin. Paano ba naman kasi, bumaba si Rodrigo ng sasakyan. Sinabihan ko na itong huwag bumaba pero hindi ito nagpapigil. Naging center of attraction tuloy kami. Maging mga estudyante ay nakatingin sa akin lalo na kay Rodrigo.

  "Good morning Ms. Alcantara, or should I say Mrs. Capahi?"
Salubong sa akin ni Alessandra.

  "Uhm, Rodrigo this is my co-teacher and friend my Alessandra, you already met her right? At our wedding?"
Pagpapakilala ko muli kay Alessandra kay Rodrigo.

  "Yes. She's one of your bridesmaid."

  "Hi Doc! Lalo ata tayo pumupogi ngayon ah. Hiyang ba kay Mikmik?"

Kinindatan pa ako ng bruha. Pinandilatan ko ito. Lagot talaga ito sa akin.

  "Alam mo Sandra halika na at mahuhuli tayo sa klase eh. Rodrigo mauuna na kami. Magkita na lang tayo mamaya."

  "Bye doc!"

  "Halika na bruha to."
Hinila ko na si Alessandra palayo kay Rodrigo. Hindi naman na nakapagsalita pa si Rodrigo at nakita kong bumalik na ito sa sasakyan.

  "Ikaw. Kung anong pinagsasabi mo."
Baling ko kay Alessandra.

  "Sus. Totoo naman ah."

  "Ewan ko sayo Sandra."

  "Kumusta ka na nga pala? Okay ka na?"
Tanong nya sa akin. Tumango naman ako at ngumiti.

  "I'm okay now. Salamat kay Rodrigo dahil hindi nya ako iniwan noong nagluluksa kami ni mama."

  "Nako. Ikaw na talaga ang pinakaswerteng babae sa balat ng lupa. Di lang gwapo, mabait pa ang napangasawa mo."

  "Tama ka. Ang swerte ko nga."

  "So kumusta ang sex life mo?"
Bulong sa akin ni Sandra. Nanlaki ang mga mata ko sa tanong nito habang tawa naman ito ng tawa.

  "Sandra!"

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon