"Dad!"
Patakbo akong lumapit kay Daddy at yumakap dito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak."Oh bakit ka umiiyak munchkin?"
Natatawang wika ni daddy kahit batid ko sa boses nya ang panghihina."What happened dad?"
"Wala. Sumakit lang puson ko. Dysmenorrhea."
Pagbibiro nya sa akin. Natawa na lang ako. Mahilig kasing magbiro si daddy kahit na may problema ito o may masakit dito."Anong sabi ng doctor ma?"
Tanong ko kay mama nang makatulog na si daddy dahil sa pain killer na tinurok dito. Lumabas kami ni mama upang nag-usap."Kidney cancer daw sabi ng doctor. At malala na iyon."
Napaluha ako sa sinabi sa akin ni mama. Hindi lingid sa kaalaman ko na malakas uminom si daddy. Palagi ko nga itong pinagsasabihan na huwag na uminom dahil baka magkasakit sya. At ito nga ang nangyari ngayon.
"Mikha. May hihilingin lang sana ako."
Pinunasan ko ang luha ko.
"Ano iyon ma?"
"You're dad is arranging something for you."
"Ha? Anong something?"
"Your marriage."
Natahimik ako sa sinabi ni mama. Dati pa kasi pinupush ni dati na ipakasal ako sa anak ng kaibigan nya. May deal pa kami ni daddy na kapag hindi ako kinasal sa edad na 25 ay matutuloy ang kasal. Ilang buwan na lang at magbebente singko na ako at wala pa din akong boyfriend. Kaya naman inihanda ko na ang sarili ko sa bagay na iyon.
"Mikha anak?"
"Okay ma. Payag na ako."
"Ha? Sigurado ka?"
"Yes ma. Ayoko namang istress si dad. Kapag dinagdagan ko pa ang problema nya baka lalo pa syang magkasakit. Tsaka isa pa, hinanda ko na ang sarili ko sa ganito."
My mom pulled me and hugged me.
"I'm sorry Mikha, that you have to do this. I told your dad na huwag na ituloy ang deal na iyon. Pero makulit sya eh."
"Well, mana lang naman din ako sa kanya."
"So who's the guy ma?"
My mom gaved me a card. It was a business card. May nakasulat na pangalan doon.
Doctor Rodrigo Capahi
Nephrologist
National Kidney Transplant Institute
09491234567"Nephrologist? Dito? Sa NKTI?"
"Yeah, a kidney specialist."
"Wow. Ang ironic ah."
Naiiling na wika ko. Ano ba ito? Plinano ni dad na kidney specialist ang papakasalan ko dahil may sakit sya sa kidney?"I know it's ironic. But I already met Jigs, and he's a good guy."
"Jigs?"
"That's his nickname."
"Oh I see."
Ang shonget naman kasi ng pangalan nya. Parang pang matanda.
"I know you're into older guys anak. Kaya alam kong magugustuhan mo sya."
Pang-aasar sa akin ni mama."Ma!"
"I'm sorry. But I'm serious Mikha. Jigs is a good guy. Just give a try."
"Okay ma. I will. For dad and for you."
"Thank you anak."
*****
Nagtungo ako sa cafeteria ng ospital upang bumili ng kape. Hawak hawak ko ang calling card na binigay ni mama sa akin kanina. Tinitigan ko ito at tinaktak sa lamesa.
Kinuha ko ang cellphone ko upang hanapin kung may social media ang lalaking papakasalan ko. Well. Istalk ko kumbaga.
"Rodrigo Capahi. Ang luma talaga ng pangalan nya. Ilang taon na kaya to?"
I asked myself. I went to facebook, instagram, snapchat at twitter. I didn't found anything. Walang social media ang lalaki.My mom told me to call this guy. Bakit ako pa ang tatawag dito? Dapat ito ang tumawag sa akin upang makapagset ng date? No! It's not a date.
I dialled the number and called it. Nagring iyon. After three ring, the guy answered.
"Dr. Capahi speaking."
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya pinutol ko ang linya. Kinapa ko ang dibdib ko. Bakit ako kinabahan? My phone rang. It was the number I called. I swiped and answered it
"Who's this?"
"Uhm, I'm--"
"Mikhaela Alcantara?"
Tumaas ang kilay ko. Paano nya nalaman?
"How did you know?"
"Hunch?"
"Uhm, okay, my mom told me to call you, so I did."
"Okay. I'm in the hospital right now, National Kidney Transplant Institute to be exact. If you want to meet me, then I'll be waiting at the Starbucks near the exit, be there are 4pm."
"Okay. I'll be there."
"Good."
Iyon lang ang sinabi nya sa akin at pinatayan na ako ng linya. Napabuga ako ng hangin.
"Ang antipatiko ah."
Bulong ko. Sumimsim ako ng kape. Isang ideya naman ang pumasok sa isip ko. Since nandito naman na ako sa NKTI, bakit hindi ko ipagtanong tanong kung sino ba yung Dr. Capahi na yan.Kinuha ko ang kape at tumayo na. Nag umpisa akong pumunta sa receptionist.
"Good afternoon ma'am."
Bati sa akin ng babaeng nasa reception."Hi! I just want to ask if Dr. Capahi is here?"
"Let me just call his assistant ma'am."
"Okay. Thank you."
Tinawagan ng receptionist ang assistant nito. Narinig ko naman na nandoon nga ang lalaki.
"Yes ma'am. Nandito po si Dr. Capahi. Nakarounds daw po sya as per his assistant."
"Oh I see. Okay. Thank you."
Dahil hindi ko naman kabisado ang pasikot sikot ng ospital ay bumalik na lang ako sa kwarto ni papa at hinintay na mag 4pm. Nang dumating ang takdang oras ay muli akong nagpaalam kay mama. Sinabi ko na sa kanya na tinawagan ko na si Dr. Capahi. Bago pumunta ng Starbucks ay dumaan muna ako ng restroom upang magretouch. Nakasuot pa ako ng teacher's uniform ko. Bahala na. Nagsuklay na lang ako at pinusod ang buhok ko. I put some powder and liptint. I tapped my cheeks.
"Fighting Mikha."
Lumabas na ako at nagtungo ng starbucks. My phone rang. And it was him. I answered it
"Hello?"
"I'm here, inside the starbucks. I'm wearing blue long sleeves."
"Okay. Papasok na ako."
I ended the phone call as I entered the establishment. Ginala ko ang mga mata ko at nakita ko ang lalaking naka blue long sleeves. Shit! It was him?!
BINABASA MO ANG
Love Me Like You Do
RomanceEverything is perfect, iyon ang buhay ni Mikhaela. She has stable job as a teacher and has a loving parents, wala na syang mahihiling pa. Pero nagbago iyon nang magkasakit ang kanyang ama. Her father requested to marry someone she doesn't know. It w...