•TEN•

885 37 0
                                    

Pagkadating namin sa NKTI ay hindi na kami nagtanong sa assistant ni Rodrigo dahil gusto nga ni Alessandra na hulihin ito. Ngayon pa lang ay kinakain na ako ng kunsensya ko ngunit may parte sa puso ko na kinakabahan din ako.

Medyo kabisado ko naman din kung saan nagrarounds si Rodrigo pero hindi namin ito mahanap.

  "Kung ako kaya ang magtanong girl? Tutal di naman ako kilala ng assistant nya."

  "Tama ba itong ginagawa natin Alessandra? Nakokonsensya na ako eh. Wala namang ginagawang masama si Rodrigo eh."

  "Huhulihin lang naman natin eh. Ikaw na din ang nagsabi na noong nakita mo sila noon ay parang nilalandi ng ex nya si Rodrigo. Mahirap na bakla."

  "Kaya nga. Pero lumayo naman sya eh."

  "We'll see kung anong ginagawa nila."

Nagtungo kami ulit sa clinic ni Rodrigo. Hindi ako sumama kay Alessandra dahil baka makita ako ng assistant nya.

  "Lumabas daw si Rodrigo kasama nung Agnes. Yun ba ung ex nya?"

  "Oo iyon nga."

  "Bakit sila lumabas di ba? Kahina-hinala lang."

  "Umuwi na lang tayo Alessandra."

  "No! Nandito na tayo. At isa pa hindi maganda ang kutob ko."
Matigas na wika ni Alessandra sa akin. Kinabahan naman ako dahil hindi pa pumapalya ang kutob ni Alessandra.

  "Uuwi na ako. Wala itong kwenta Alessandra."

  "Uy teka bakla!"

Naglakad na ako patungong elevator. Pinindot ko ang open button niyon. Pagbukas ng elevator ay para akong binuhusan ng yelo sa nakita ko. Kahalikan ni Rodrigo si Agnes. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang sandaling iyon.
Nagulat si Rodrigo nang makita ako.

  "Mikhaela."
Usal nya. Halatang gulat na gulat din ito nang makita ako. Naitulak nito si Agnes. Habang si Agnes ay nakangiti ng nakakaloko.

  "Hi Mikhaela."
Mukhang nang-aasar pa ito. Umakyat ang dugo ko sa ulo ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Hinaklit ko ang buhok ni Agnes palabas ng elavator.

  "Napakalandi mo! Walang hiya ka! Ang landi mong babae ka!"
Galit na galit na wika ko habang sinasabunutan ito at kinaladkad.

  "Get off me!"
Sigaw naman nito.

  "Mikhaela calm down. Please. Makakasama sa bata."
Awat naman sa amin ni Rodrigo. Hindi ko pinakawalan si Agnes. Tumakbo palapit sa amin si Alessandra. Tinulak nito si Rodrigo.

  "Gago ka! Anong ginawa sayo ni Mikhaela para lokohin mo sya!"
Sigaw ng kaibigan ko kay Rodrigo.

Pinagtitinginan naman kami ng mga taong nakasaksi. Nagbubulungan ang iba dito. Binitawan ko si Agnes at bumaling kay Rodrigo.

  "Magsama kayo ng ex mong malandi!"
Umiiyak na sigaw ko sa kanya. Tumakbo na ako. Nakasunod naman sa akin si Alessandra.

  "Mikhaela! Magpapaliwanag ako!"

  "Wala ka nang dapat ipaliwanag pa Rodrigo! Doon ka na kay Agnes."

  "Mikhaela! It's not what you think!"

  "Then ano?!"
Huminto ako at humarap sa kanya. Umiiyak na din ito.

  "She was the one who kissed me. Itutulak ko na sana sya at dumating ka. Please Mikhaela, believe me. I love you so much. I don't want to loose you. Please."
Lumuhod ito sa akin habang umiiyak. Kahit papaano ay namayani ang awa ko dito. Paano kung nagsasabi ito ng totoo? Pero paano kung niloloko lang nya ako? Ngunit kailan ba nagloko sa akin si Rodrigo. Lumapit ako sa kanya at pinatayo ito.

  "Don't give up Mikhaela. I'm telling the truth Mikhaela."

  "Let me go for now Rodrigo. Kailangan kong mag-isip."

  "But Miks--"

  "Saka na tayo mag-usap. Masyadong magulo ang isip ko ngayon. Halika na Alessandra."
Baling ko sa kaibigan ko na nakamasid lang sa amin. Tumango ito at inalalayan ako na makarating sa sasakyan. Doon ko binuhos lahat ng luha ko.

  "Bes. Kalma lang."
She hugged me and patted my back. Sakit, lungkot, galit ang nararamdaman ko ngayon.

  "Bes gusto kong maniwala sa kanya pero nasasaktan ako eh. Masyadong masakit. Ganito pala kasakit kapag nakita mo ang asawa mo na may kahalikang ibang babae."

  "Sorry bes, ako ang may kasalanan. Ako nag nagpumilit na dalhin ka dito."
Wika naman ni Alessandra.

  "Ideretso mo ako sa terminal ng bus. Uuwi muna ako kay mama."

  "Sure ka ba? Paano ang mga gamit mo?"

  "Bahala na. Basta idiretso mo ako sa terminal."

  "Okay sige."

Hinatid nga ako ni Alessandra sa terminal ng bus. Pinatay ko muna ang cellphone ko dahil alam kong tatawagan lang ako ng tatawagan ni Rodrigo. Kahit papaano ay may dala naman akong pera at may card din ako, pwede akong magwithdraw kung magkulang man ang pera ko.

Habang nasa bus ay hindi pa din tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko, hanggang sa tuluyan akong nakatulog. Naalimpungatan na lang ako nang makarinig ako ng sigawan sa loob ng bus. Napansin kong nagpapagewang gewang ang bus na sinasakyan ko. Binundol ako ng kaba at takot. Napahawak ako sa tyan ko.

Tumingin ako sa bintana. Malakas ang ulan. Bigla na lang bumulusok ang bus namin sa bangin. Pulos palahaw ang naririnig ko. Palahaw ng mga batang sakay at matatanda ang namamayani. I covered my head. At dahil nasa may bintana ako ay kitang kita ko ang pagbulusok niyon sa bangin. I'm still holding my tummy. Mukha ni Rodrigo ang huling rumehistro sa isip ko nang mawalan ako ng malay nang may matigas na bagay ang tumama sa ulo ko.

Love Me Like You DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon