Chapter 8

0 0 0
                                    


Hinilot hilot ko muna ang leeg ko bago ko kinuha ang bag ko. Nauna na si Oliver dahil inaantok na daw siya. Di man lang naging gentlemen sabayan man lang sana ako umuwi kasi madilim na sa kalsada, eh magkapitbahay lang naman kami. Tsk.

Sinuot ko muna ang jacket ko bago ako lumabas. Tahimik akong naglalakad ng biglang bumungad sa harap ko si Oliver na nakangiti. Muntikan na akong mapa upo sa kalsada dahil sa ginawa niyang pag gulat.

"Trip mo talagang mang gulat noh?" Sabi ko at napa irap. Tumawa lang siya at sinabayan na ako sa paglalakad. Napailing nalang ako.

"Sanay kana maglakad mag isa dito?" Tanong niya sakin. "Nasasanay na." Sagot ko na ikina ngiwi niya.

"Alam mo ba sa madaling araw may mga nagpapakita dit--Hoy! Wag ka ngang manakot!" Agad siyang tumawa sa sinabi ko. Natakot tuloy ako.

"Natatakot kaba? HAHAHA" tanong niya at tumawa. "Totoo naman kasing meron biglang nagpapakita."

Bigla siyang natahimik kaya naman mas lalo akong natakot.

"Hala multo!" Sigaw niya na ikina tili at ikina takbo ko papasok ng apartment.

Hingal na hingal ako ng makapasok ako doon. Habol habol ko ang hininga ko. Mabilis akong napalingon kay Oliver na kakapasok lang ng gate. Tawa siya ng tawa kaya naman binato ko siya ng librong hawak ko.

"Aray! Masakit yon. Oh oh! Ayoko na." Babatuhin ko sana siya ng bigla siyang nagsalita.

"Ang ingay ingay mo pag nagising nanaman si nanay." Dagdag niya at tumawa. Dali dali niyang kinuha ang libro ko at umakyat. Aba! Kinuha pa ang libro ko!

"Hoy yung libro ko." Mahinang sigaw ko. Sumilip lang siya sa terrace at dumila.

Lumipas ang mga ilang araw at naging ganon ang routine namen ni Oliver lagi. Minsan bati minsan magka away. Sinasabihan na kame ni nanay na parang aso't pusa. Pano ba naman kasi laging nang aasar si Oliver.

Sa school naman si Lucas ayos naman medyo nagkaka usap kami pagdating nga lang sa acads. Vice President siya ng buong klase namen kaya madalas na magkasama kami. Minsan tahimik siya minsan naman nakikisabay sa usapan namin pagdating sa school works. Bihira nalang den kami magsama nila Hanna dahil mas busy sila kaysa saken.

"Hoy hindi kapa naglilinis tapos umiidlip ka jan!" Nagulat si Oliver ng pingutin ko ang tenga niya.

"Aray naman Khei! Lagi ka nalang namimingot." Reklamo niya. Tinaasan ko siya ng kilay at namewang sa harap niya.

"Eh bat ka kasi naka tungo jan."

"Nagpapahinga lang naman ako." Sagot niya na ikinalaki ng mata ko. Hahampasin ko pa sana siya ng tumayo agad siya.

"Oo na maglilinis na nga." Pumunta siya sa storage room at kinuha ang mop pagtapos ay nag mop siya.

Ako naman ay bumalik sa counter. Habang wala pang costumer ginawa ko na yung pinapagawa ni Lucas sakin.

"Ikaw na ang magdikit ng mga yan." Napatingin ako sa hawak niyang paper bag. Tinignan ko ang loob non, napa pikit ako sa nakita ko. Pag minamalas ka nga naman saken niya pa pinagawa to.

"Bakit ako?" Wala sa wisyo kong tanong. "Secretary ka kaya dapat mong gawin yan." Napa awang na lang ang ko.

"Aish! Ang dami dami neto eh!" Ginulo ko ang buhok ko ng maalala ko nanaman. Mga papel na punit punit na kailangan kong buuhin ano ba to sumpa.

Hindi ako tamad na tao, pero pag nakikita ko to parang tinatamad ako. Pero no! Kheira no! Kailangan mong matapos yan huhu naka salalay din dito ang grades ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beautiful Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon