Tinignan ko ang papel na hawak ko at ang papel ni Hanna. Nakasimangot siyang tumingin sakin."Ano ba yan, hindi tayo magkaklase." Nakasimangot niyang sabi. Binalik ko ang papel niya sakanya.
"Ayos lang yun, tignan mo meron padin na magkasabay ang break time natin at uwian kaya magkakasabay tayo minsan." Paliwanag ko sakanya.
"May sabado at linggo din para magkita kita tayong tatlo." Dagdag ni Gino na ikina tango ko. Kasalukuyan kaming nasa labas dahil hindi pa naman tumutunog ang bell at hindi pa pasukan dahil naghahanap pa yung iba ng section nila.
"Sige na nga. Teka kaklase mo si Lucas?" Tanong niya na ikina wala ng lungkot niya. Gamot niya ba ang pangalan ni Lucas?
"Hindi ko alam." Sagot ko.
"Oh siya tara na at ihatid natin si Kheira sa room niya." Sabi ni Gino at tumawa, sabi ko sakanila wag na nila ako ihatid pero mapilit ang dalawa lalo na si Hanna, baka daw kase kaklase ko si Lucas.
"Lagi akong pupunta sa room mo pag kaklase mo si Lucas." Kinikilig niyang sabi. Parehas kaming nailing ni Gino sa sinabi niya.
Nang makarating kame sa room ko ay nagpaalam ako sakanila, si Hanna ayon silip ng silip sa loob baka daw kasi kaklase ko si Lucas, samantalang si Gino tinatawanan siya dahil sa inaasta niya.
"Ginayuma ba yan ni Lucas at ganyan yan umasta." Sabay kaming tumawa ni Gino.
"Wala naman si Lucas eh." Nakasimangot na sabi ni Hanna. Hinila na siya ni Gino.
"Tara na nga at nababaliw kana. Bye, Kheira! Text mo ako pag may kailangan ka." Sabi ni Gino habang naglalakad siya palayo. Mahina akong tumawa ng makita silang dalawa na nagaaway. Kahit kelan talaga ang mga aso't pusa.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob. May ibang napalingon sakin at may iba namang may kanya kanyang ginagawa.
Naghanap ako ng vacant seat at doon umupo. Nagulat ako ng maging kaklase ko din yung nerd na katabi ko sa unang klase ko. Kumaway siya sakin. Ngumiti lang ako sakanya. Kinuha ko ang telepono ko ng tumunog ito.
Sabihan moko pag kaklase mo si Lucas ha!?
Natawa na lamang ako sa text ni Hanna. Obsess na obsess kay Lucas.
Onti onti ng napupuno yung mga bakanteng upuan. May apat na upuan pa ang walang umuupo. Nagulat ako ng lumipat yung nerd sa tabi ko dahil may bakanteng upuan sa tabi ko.
"Kaklase pala kita dito." Nakangiting sabi niya. Tumango lang ako. "Ako nga pala si Dion." Pagpapakilala niya.
"Kheira."
Tumango lamang siya at tumingin sa harap. Mas lalo akong nagulat ng pumasok si Lucas. Kaklase ko siya?! Ulit? Mukhang mapapadalas ang pag hatid nung dalawa sakin dahil andito ang crush ni Hanna. Patago akong ngumiti. Doon sa likuran ko naupo si Lucas dahil doon nalang ang may bakanteng seat.
Napuno na ang mga upuan at pumasok na ang magiging prof namin.
"As for now, ayan muna ang upuan niyo. Pag naayos ko yung listahan ko i aarrange ko kayo at ang groupings."
"Any questions?" Tanong ng Prof namin. Lagi nalang lalaki guro yung nakakaharap ko. Pero sabagay sabi nila pag lalaki daw yung teacher medyo mataas magbigay ng grades. Pero siguro nakadepende sa Guro yon.
May nagtaas ng kamay mula sa mga kaklase ko.
"Para saan po yung groupings?" Tanong ng lalaki kong kaklase na nasa harap.
"More on groupings kase kayo. Pero hindi ibig sabihin non na naka base ang grades niyo sa mga ka grupo niyo. Meron tayong individual grading, kung saan magkaka grupo nga kayo pero individual ang grades niyo." Nakangiting sabi ng prof namin. Mukha pa siyang bata kung titignan.
BINABASA MO ANG
Beautiful Blood Sucker
Vampire"I never met a vampire personally, but I don't know what might happen tomorrow if i met him again."