Nakasimangot akong naglalakad pauwi. Di ko kasabay yung dalawa tapos naaasar pako sa Lucas na yon. Di manlang kase sinabi na may dumi pala ako sa labi, kailangan pang pagtawanan. Dudurugin ko mukha non, nakakainis!Nasipa ko yung lata na nasa sahig dahil sa sobrang inis. Napatakip ako sa bibig ko ng may sumigaw, napatingin ako sa lalaking nakayuko at hawak hawak ang noo niya. Hala! Dali dali akong lumapit doon at tinignan siya.
"Hala, Kuya pasensya na. Di ko sinasadya." Pag hingi ko ng pasensya, patuloy padin siya sa pag aray kaya kinabahan ako, baka mamaya nagdugo yung noo niya.
"Joke!"
Nakatingin siya sakin habang tumatawa. Wtf?!
"Hoy miss tumayo ka jan, baka mamaya madaanan ka ng motor jan."
Tumayo ako at hinampas siya ng bag ko.
"Aray!" Sigaw niya habang tumatawa. "Bakit ba nang gugulat ka kase!" Patuloy padin siya sa pagtawa, hahampasin ko pa sana siya ng magsalita siya.
"Sige hampasin mo ako mas lalong madadagdagan kasalanan mo. Masakit yung ginawa mo sa noo ko." Sabi niya habang hawak ang noo niya. Inayos ko naman ang buhok ko at lumingon sakanya.
"Ilibre mo ako." Napataas ang isa kong kilay. "At baket?" Tanong ko.
"Anong baket? Sinaktan mo yung noo ko, pakainin mo 'ko dahil sinaktan mo ako." Paliwanag niya, napabuga naman ako ng hangin. "Asa!"
Tinalikuran ko siya at naglakad palayo.
"Sige pag di mo ako nilibre sasabihin ko sa landlady na mapanaket ka, tignan mo ginawa mo sa noo ko, namumula." Sabi niya habang sinusundan ako, muntik ko ng makalimutan na doon din pala siya nakatira. Tch.
Humarap ako sakanya at tinignan siya. Malaki ang ngiti niya at parang nang aasar pa. Napapikit ako dahil sa inis.
"Oo na, oo na!" Inis na sabi ko. "Mukhang ayaw mo, uuwi nalang ako at----Wag mo na akong inisin at dalian mo na." Putol ko sakanya, napatigil naman siya at ngumiti.
Huminto kami sa may mga nagtitinda ng fishball at kwekkwek.
"Eto lang ang makakaya kong ilibre sayo, kaya wag kang mag inarte jan." Sabi ko na ikina tango niya.
"Kumakain naman ako nito, kaya ayos lang." Sabi niya at kumuha na ng stick at ng plastic cups, napatingin naman ako sakanya habang kumukuha nang kikiam, onti lang ang kinuha niya. Lumingon siya sakin.
"Bakit onti lang ang kinuha mo?" Tanong ko sakanya, tumingin muna siya sa plastic cup niya at chaka lumingon sakin.
"Kumain naman na kasi ako." Sagot niya. "Eh bakit nagpapalibre kapa sakin?" Tanong ko, naglagay muna siya ng sauce sa plastic cup.
"Wala lang, tinignan ko lang kung mabait ka." Sabi niya at biglang tumawa, akmang hahampasin ko siya ng bigla niyang kunin ang kamay ko at pinahawak yung plastic cup.
"Ikaw na ang kumain niyan, busog ako." Ani niya, nakatingin lang ako sakanya, siya na din mismo ang nagbayad ng kikiam na kinuha niya kanina.
Pagkabayad niya ay umalis siya agad, napailing naman ako. Kinain ko yung kikiam habang naglalakad ako. Nauna na si Oliver kaya payapa akong kumakain. Masarap talaga yung sauce ni kuya don, minsan bago ako umuwi doon ako bumibili ng kwekkwek tapos uulamin ko.
Akala ko payapa na akong maglalakad pero hindi pala, nakita ko si Oliver na nakatayo nanaman sa poste at nakapamulsa. Tumaas ang kilay ko ng mapalingon siya sakin. Ngumiti siya at kumaway.
BINABASA MO ANG
Beautiful Blood Sucker
Vampir"I never met a vampire personally, but I don't know what might happen tomorrow if i met him again."