Chapter 5

7 2 0
                                    


Nakapalumbaba akong nakatingin sa white board sa harap, kung kelan kailangan kong makinig tsaka naman ako inaantok. Nakalimutan kong mag kape muna bago pumasok.

Dinilat ko ng husto ang mata ko, may quiz mamaya, Khei wag kang matulog kailangan mong makinig. Napapapikit nako sa sobrang antok. Minsan pa ay napapasandal ako sa katabi kong lalaki.

Pag nakakasandal ako sakanya ay ginigising niya din naman ako agad. Humihingi nalang ako ng pasensya dahil mukhang na iistorbo ko siya. Mukha namang mabait tong katabi ko. Masungit ang prof namin ngayon kaya kailangan hindi ako mahuli dahil panigurado pagagalitan ako.

Nagising ako ng husto ng may pumutik sa noo ko.

"Aray!" Pabulong na sigaw ko. Lumingon ako sa kaliwa ko. "Nakasandal ka sa balikat ko." Napa irap ako sa sinabi niya. Ang arte arte! Akala mo naman ang dumi dumi ng ulo ko.

"Saakin ka nalang sumandal." Bulong nung katabi ko sa kabilang side, tumawa siya sandali at binalik din agad ang tingin sa harap. Lumingon naman ako kay Lucas na nakatingin sakin, umirap ako sakanya.

Masyadong ingat na ingat sa damit ayaw madampian ng buhok ko. Tch. Napalingon ako sakanya dahil ngumisi siya.

Sabay sabay kaming nag break time nila Hanna. Sa field padin kami tumatambay dahil nag titipid padin ako hanggang ngayon. May dalang sandwich nanaman si Gino.

"Oh my ghad! Si Lucas ba yon?" Mabilis na Napalingon si Hanna sa kabilang gawi ng field.

"Grabe para kang aso. Pag naka amoy lingon agad." Di makapaniwalang sabi ni Gino, natawa naman ako sa sinabi niya samantalang si Hanna ay walang pake kay Gino dahil nakatingin na siya kay Lucas.

"Ang gwapo niya talaga kahit malayo."

Dahil nag de-day dream si Hanna, inagaw ni Gino yung sandwich na kinakain niya.

"Ano ba!? That's mine!" Sigaw ni Hanna kay Gino. "Mabubusog ka naman sa pagtitig kay Lucas eh, edi ako nalang uubos nito." Sagot ni Gino na ikina tawa ko. Nakabusangot naman si Hanna.

Nakita kong lumapit si Faye kay Lucas, nakuha pang tumabi ni Faye. Si Lucas ayon nanatiling walang kibo, habang si Faye salita ng salita. Kasama ni Faye yung mga alipores niyang walang silbi.

"Ibang klase talaga yang pinsan mo." Naiiling na sabi ni Hanna. "As if naman papansinin siya." Wala sa sariling sabi ko.

"Woah! Ang yabang mo porket naka usap mo siya." Pagbibiro ni Hanna. Lumingon ako sakanya at nagkibit balikat, sabay naman silang tumawa ni Gino. Sorry hindi lang ako kinausap tinulungan pa ako.

Pagtapos ng break time namin ay dumiretso ako sa locker. P.E namin ngayon at kasabay namin sila Faye. Kaklase ko ngayon sa P.E si Gino, si Hanna kase naiba.

Nagpalit nako ng P.E at lumabas na sa locker room. Napalingon ako kay Gino sa may upuan inaantay niya pala ako. Sabay kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa open field ng school.

Pinapwesto na kami doon. Dalawang section lang ang naroon, ang section ni Faye at ang section namin nila Gino, kaklase ko paden si Lucas. Napansin kong todo tingin si Faye kay Lucas, mukhang patay na patay din siya kay Lucas.

Kung ano anong activities ang pinagawa ng prof namin saamin na talagang nagpahina samin. Pinagpahinga niya muna kami saglit dahil tirik na tirik yung araw dahil nasa field kami nasisikatan kami ng araw.

Kinuha ko yung panyo ko at ginawa yung payong, ginawa ko siyang panangga ng araw, todo ilag ako sa araw pero panay lapit niya sakin. Balak ata akong paitimin. Napapikit na lamang ako dahil tamang tama yung araw sa mukha ko. Kaya mas gusto ko pang umuulan kaysa sa umaaraw eh.

Beautiful Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon