Chapter 3

11 2 0
                                    

Anong oras na ako natapos sa pag tutupi at pag aayos ng gamit ko. Hindi pa ako nakakatulog simula ng dumating ako galing school. Tumingin ako sa wall clock ko.

"Alas nuebe na pala di ko manlang naramdaman." Pagbibiro ko sa sarili ko. Inilagay ko na sa bag ang panghuling damit na tinutupi ko.

Nag unat unat ako ng biglang may kumatok at bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nakangiting sumilip si Tito doon, pumasok siya at tinignan ang mga gamit na inayos ko.

"Nag aayos kana pala. Halika na sa labas sabay sabay tayong kumain." Pag aya sakin ni Tito. "Okay lang po ako busog pa naman po ako." Pagdadahilan ko kahit gutom na talaga ako, tito gutom na ako wag mokong kulitin. Ayoko kasabay yung anak niyang attitude.

"Sige na, sumabay kana. Huling araw mo na to dito, sabayan mo na kami." Pangungulit ulit ni Tito. Tinignan ko siya saglit at para bang pinipilit niya ako sa pamamagitan ng tingin. Naaalala ko si Mama sakanya. "Sige po."

Lumiwanag ang mukha ni Tito at hanggang tenga ang mga ngiti niya, sa lahat ng tao dito sa bahay, si Tito ang bukod tanging mabait sakin. Well malamang kadugo ko siya kahit papano.

Sabay kaming lumabas ni Tito, pagka labas namin magkasalubong ang kilay ni Faye ng tumingin siya samin. Binitawan niya ang hawak niyang mga kubyertos at masama akong tinignan.

"Why are you here? Are you going to eat with us? No way." Maarteng sabi niya. Kala niya naman gusto ko siyang kasabay. Napa irap ako ng onti.

"Faye, last day na ni Khei dito kaya sasabay siya satin sa ayaw at sa gusto mo." Mukhang hindi nila alam na aalis na ako kaya nagulat sila ng sabihin ni Tito na huling araw ko na. Para naman akong mamamatay sa sinasabi ko.

Umupo na ako at nagsandok ng pagkain.

"So she's not staying here?" Pambabasag ni Faye sa katahimikan. Napatingin naman ako sakanya na naglalagay ng kanin sa kutsara niya.

"Yes. May nakita siyang apartment na tutuluyan niya." Sagot ni Tito, nanatiling tahimik naman si Tita. Tahimik na tao si Tita at di pala imik pag wala siyang pakielam.

"Good for her. Mababawasan na tao dito." Sagot niya, napangisi ako ng mapansin kong parang malungkot siya. Baka mamiss ako ng isang to. Miss asarin.

"Im going to renovate that room. Gagawin kong walk in closet yon. Diba Mom?" Binalingan niya ng tingin ang Mama niya. Tumaas lang ang kilay nito. "Gawin mo lahat ng gusto mo." Sagot ni Tita at nagpatuloy sa pagkain.

"Ihahatid ko siya bukas sa apartment niya with her thing---Ah Tito baka hindi po magkasya yung mga gamit ko sa sasakyan mo, kaya yung kaibigan ko po nalang yung magsasakay non sa sasakyan niya. Pero pwede naman po na sainyo ako sumakay, k-kung gusto niyo po." Putol ko kay Tito, napatango tango naman siya.

"Sige, gusto ko din kasi makita yung tutuluyan mo kung safe kaba o ano." Dagdag niya, ngumiti na lamang ako at kumain na.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagligpit at naghugas. Inutos kay Faye ang pagliligpit pero hindi niya ginawa dahil nag cellphone agad siya, kaya no choice ako kaya ako na ang nagligpit at naghugas. Habang naghuhugas ako ay biglang lumapit si Faye sakin.

"Anong naisip mo at lilipat ka? Naisip mo ba na masyado ka ng pabigat kila Daddy?" Mapang asar na sabi ni Faye. Lumingon ako sakanya saglit.

Pagkatapos kong maghugas ay nagpunas agad ako ng kamay at humarap sakanya habang nagpupunas ng kamay. Inaantay niyang magsalita ako, ngunit ngiti lang ang sinagot ko sakanya at mabilis na pumasok sa kwarto ko.

Beautiful Blood SuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon