Chapter 12

41 3 58
                                    

Arthur Wilson and Kaiammara Tezveron at the top!!
#ARTKAI <3

****************

JAMMIE'S P.O.V.

Pagkababang pagkababa ko ay bumungad agad sa akin si Lea.

"Eh? Bakit nakabihis ka na?" takang tanong ni Lea sa akin na naka pantulog pa.

Nakabihis na kasi ako ng school uniform. Sakto din ang labas ni Kai sa kusina na may bitbit na scrambled eggs at sausages.

"Aalis ka na agad?" gulat din na tanong ni Kai.

"Ahh... Ehhh... Kasi..."

'DING DONG'

"Ako na!" biglang sabi ko ng umakto si Lea na bubuksan ang pinto kaya gulat din siyang napatingin sa akin at naupo. "Hehe mauuna na ako sa school mga teh kasi ano imi meet ko yung kaibigan ko. Oo tama." tatango tangong sabi ko.

Sabay naman na napakunot ang noo nila. Halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko kaya walang magawang napabuntong hininga ako.

"Chika ko nalang sa inyo some other time hehe alis na ako mga teh ingat sa pag-alis!" kaway ko sa kanila at lumabas na.

Bumungad naman sa akin si Chandler na nakasandal sa kotse niya at nakapamulsa na parang may inaantay. Agad naman akong naglakad papunta sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin ng maramdaman niyang papalapit na ako at ngumiti.

"Good morning!" bati niya.

"Good morning!" bati ko din.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay naman agad ako sa kotse niya.

"Salamat." pasalamat ko at kinindatan lang ako ng mokong.

Nang masara na niya ay umikot siya at sumakay na din.

Shet kinikilig ako pero dapat kalma lang.

"Where do you want to have breakfast?" tanong niya na nagse seatbelt.

"Ikaw na ang bahala. Kahit saan oks sa akin." sagot ko.

He smiled.

"I'll take you to my favorite breakfast restaurant then." ngiting sabi niya na kinatango ko. "Wear your seatbelt." paalala niya.

"Ay oo nga pala." tango ko at nag seatbelt na.

"Arat." sabi niya at nag drive na paalis.

"Pwede ako kumonek?" turo ko dun sa speaker.

"Sure." tango niya.

Agad naman akong kumonek don at nagpatugtog. Habang nasa byahe ay sinasabayan namin ni Chandler yung kanta.

"Shake it off..." kanta namin ni Chandler sa 'Shake it off' ni Taylor Swift.

Umakto pa ako na may mic habang nakanta tapos ginagawa namang drum ni Chandler yung manibela tuwing nahinto kami.

Sabay kaming natawa nung matapos yung kanta at nag apir.

Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa breakfast restaurant na sinasabi ni Chandler.

Labas palang parang mamahalin na amp

"Hindi ba mahal dito?" bulong ko kay Chandler bago kami pumasok.

He chuckled. "It's okay. My treat tutal ako naman ang nag-aya." ngiting sabi niya.

"Huy hindi naaa ako nalang—"

HEARTACHES TO HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon