Chapter 15

27 3 39
                                    

KAIAMMARA'S P.O.V.


Napapikit pikit ako at naguguluhan siyang tinignan.

"Huh?"

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto din ako. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinarap ako sa kanya.

"I think I've fallen in love with you, Kai."

Kasabay non ay ang pagkawalan niya ng malay kaya agad ko siyang sinalo.

"A-Art gumising ka! Punyemas." reklamo ko.

"GAGO TAMA BA NARINIG KO O NAG HANG LANG YUNG UTAK KO?" bulyaw ni Jam.

Napalingon agad ako kay Jam at Lea na nanlalaki na den ang mata sa gulat sa sinabi ni Art.

Nang makabawi yung dalawa ay agad namang ngumisi si Lea.

Napailing nalang ako.

"Lasing lang toh iuwi na natin sila." sabi ko at isinakay na sila sa van ni Chandler.

"Ako na magmamaneho." prisinta ni Jam na kinatango namin.

Naupo ako sa tabi ni Jam at nasa likod naman sina Lea at yung tatlong ugok. Ayaw na bumitaw ni Pao kay Lea kaya busangot na naupo nalang yung isa sa likod.

"I love you, Kaiammara."

I suddenly felt my heart skip a beat.

Pota.

Maging tahimik kaming tatlo buong byahe. Mabuti nalang at magkakatabi lang ang bahay nilang tatlo kaya hindi na kami nahirapan.

Sinalubong ako ng dalawang guards sa bahay nina Art at kinuha sa akin si Art.

"Maraming salamat po, Mam Kai." pasalamat nila.

"Walang anuman. Pakisabi nalang kina Tito at Tita nauna na ako ah" sabi ko na kinatango nila.

Nang makapasok na talaga sila ay hinintay ko nalang yung dalawa sa may poste at sumandal nalang muna dun.


"I love you, Kaiammara."


Punyeta naman lagi nalang nagre reply.

"Kai"

Napatingin ako kay Lea na kakarating lang.

"Oks na?" tanong ko.

"Yeah nasa loob na si Siopao." tango ni Lea.

Napansin ko agad ang ngisi ni Lea. Napailing agad ako.

"Narinig ko yung pagtatapat ni A—"

"Oy mga teh tara na! Baka mahirapan tayong kumuha ng taxi." yaya sa amin ni Jam.

Sumangayon naman kami ni Lea kaya naglakad na kaming tatlo papunta sa sakayan ng taxi. Kaya hanggang gate lang namin sila hinatid dahil ayaw naming makaabala pa. Paniguradong ipahahatid pa nila kami.

Naging tahimik kaming tatlo hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Kai ayiiieee narinig ko yung pagtatapat ni Art sayo." kinikilig na sabi ni Jam.

"Ayiiieeee" pang-aasar din ni Lea.

Tahimik lang akong naupo sa sofa at binuksan yung t.v.

HEARTACHES TO HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon