Chapter 19

20 2 26
                                    

LEANDRA'S P.O.V.







Tahimik ko lang na sinundan si Bryan.

Hindi ko alam kung anong iniisip niya. It's been I don't know, years since he last talked to me.





"Upo tayo dito."





Naupo naman kami sa may bench.

Seeing him now.... masasabi kong wala na akong nararamdaman sa kanya.




"How are you?"


"I'm good. You?" tanong ko.



He smiled. "I'm great."


"That's nice." sincere na sabi ko at nginitian siya.






Napabuntong hininga siya at pumihit paharap sa akin.




"Look... I'm sorry—"



"I love you."


Gulat siyang napatingin sa akin. Hindi inaasahan ang sinabi ko.


"Yan dapat ang sasabihin ko sayo pero hindi ako natapos sa pagtatapat ko sayo dahil lumayo ka agad. Mahal kita nung time na yon at tanggap ko namang hindi mo rin ako gusto pero, bakit naman kailangang hindi mo ako pansinin? Hindi pa ako tapos magtapay iniwan mo nalang ako bigla. You left me without saying anything, even rejecting me. Yun ang tunay na kinasama ng loob ko sayo. I should've just rejected me and tell me how you really feel, that you don't like me."





Napabuntong hininga ako after kong sabihin sa kanya yon. Nakita kong napatungo siya.


"I know." tango niya. "Mali ako. Kaya humihingi ako ng tawad sayo ngayon. Hoping that I'm not too late. Mali ang ginawa ko sayo. Sa biglaang hindi pagpansin sayo. I just didn't know what to do that time. Nagtapat ang kaibigan ko sa akin and that made me scared. I was afraid that I will hurt you."


"You already did."



Muli siyang natigilan at napatungo.





"Mas okay sana na masaktan ako dahil nireject mo ako, maiintindihan ko iyon dahil hindi mo naman ako gusto. Pero kasi.... nilayasan mo ako habang nagtatapat ako sayo at bigla ko nalang ako hindi pagpansin. Hindi mo nalang bigla ako kinausap na parang hindi mo ako kaibigan. Dun sumama ang loob ko."


"I'm sorry, Lea. I really am. I don't know kung sapat ang sorry ko pero sorry pa rin. Alam kong nasaktan kita. Sorry rin dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin ka."

"I forgive you. Kalimutan nalang natin ang nakaraan at magpatuloy nalang."



"I'm sorry pa rin."






Patuloy siya sa pag sorry at pagpapaliwanag.


"Nagtataka ka siguro kung bakit ngayon ako naglakas loob na lapitan ka, uhh aalis na kasi ako. Pupunta akong Australia at dun na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko."

"Huh? Paano ang girlfriend mo?"

He smiled. "She's coming with me."




Napatango naman ako.




"Ikaw kamusta?"

HEARTACHES TO HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon