ARTHUR'S P.O.V.
Inis akong nahiga sa kama ko. Kakatapos ko lang maligo at kanina pa hindi mawala sa isip ko yung kanina.
Naiinis ako sa isiping may katext na iba si Kai.
Hindi lingid sa kaalaman ko na may mga katext, kachat, or kinikita siyang mga lalaki.
Napahilamos ako sa mukha ko at inis.
Kung gusto niya ng katext, kachat or kahit ano pwede naman kasing ako—
WTF ART!?
Agad kong kinuha yung phone ko para maalis toh sa isip ko. What am I thinking?
Agad ko namang chineck yung insta ko at nakita ang mga naka tag sa akin na pics mula kay Chandler, Jam, Paolo, Lea at Kai.
Inuna ko yung kay Kai at nakitang pic naming dalawa yon sa roller coaster. Nag selfie kasi kami nung makasakay kami dahil kami yung magkatabi.
Napatitig naman ako sa mukha niya. Naramdaman ko nanaman yung pagbilis ng tibok ng puso ko.
Am I... in love?
Napailing naman ako. Imposible dahil buwan palang ang nakakalipas simula nung makilala ko siya.
Hindi ko nalang muna inisip yon. Pinost ko nalang den yung pictures namin at tinag sila. After non ay nahiga na ako at natulog na.
.... KINABUKASAN ....
"KYAAAAAA!!"
Napailing ako ng marinig ko ang tili ng 12 years old na kapatid kong kambal ng makababa ako.
"ANG GWAPO NI RM!!" kinikilig na sabi ni Abbie.
"HUHU MAHAL KO NA TALAGA SI SUGA." iyak ni Ally.
"Keep it down both of you." saway ko.
Ang aga aga ang iingay. Nag pout lang sila at binalik na ang tingin sa pinapanood nila.
Dumiretso naman ako sa kusina at naabutan ko don si Mom na nagluluto. Nung napansin niya ako ay nakangiti naman siyang lumapit sa akin.
"Good morning, sweetie!" bati ni Mom at humalik sa pisngi ko.
"Good morning, Mom." bati ko. "Where's Dad?" tanong ko.
"Nasa business trip, anak. He'll be gone for two days." ngiting sabi ni Mom na kinatango ko. "Maupo na kayo at magbre breakfast na tayo." ngiting sabi ni Mom.
Tinawag ko naman yung dalawa at agad naman silang sumunod.
"Where's Gelo?" takang tanong ko.
"He's—"
"KUYAAAAA!!"
Napatingin kami sa kapatid kong 7 years old na kakapasok lang ng dining room. Naka pajama pa siya at halatang bagong gising dahil sa gulo ng buhok.
Tumakbo siya at yumakap sa akin.
"Tsk nagpuyat ka nanaman kagabi?" kunot noong tanong ko.
"I waited for you because I want to play games with you po. But Mom said you're out with your friends." pout na sabi niya.
Napabuntong hininga naman ako.
"Okay. Let's play later." tango ko.
"YEHEY!!" palakpak niya.
Naupo na kami at nagsimula nang kumain habang nagkwe kwentuhan.
"Kailan ka magkaka girlfriend, Kuya?" tanong ni Abbie.
BINABASA MO ANG
HEARTACHES TO HEARTBEATS
Teen FictionThree broken hearts from the past. Will they be happy in the future? BOOK 1 - Heartaches To Heartbeats (Complete) BOOK 2 - Heartbeat To Happiness (On-Going)