KAIAMMARA'S P.O.V.
"Magsisimba muna tayo diba? Bago pumunta sa EK?" tanong ni Lea na kinatango ko.
Nandito kami ngayon sa sala at inaantay si Jam. Papunta na yung tatlo dito at nagprisinta si Chandler na susunduin kami para sa iisang kotse nalang daw kami sumakay.
"MALAPIT NA DAW SILA JAM! DALIAN MO NA!" sigaw ni Lea.
"ETO NAAA" rinig naming sigaw ni Jam.
"DALIAN— ACCKKK KADIRI KAI!!" reklamo ni Lea at binato ako ng unan.
"Pffttt Nautot ako ehh HAHAHA" tawa ko.
Winasiwas niya naman yung kamay niya na parang nagtataboy ng masamang ispirito.
Waw ah -_-
Ilang minuto den ang lumipas ay bumaba na den si Jam na nakabihis na. After mass ay uuwi muna ulit kami dito sa bahay para magpalit ng damit. Kukunin din namin yung mga gamit namin. Magdadala den kasi kami ng extrang damit.
Sakto naman at may narinig kaming busina sa labas kaya agad namang sumilip si Jam.
"Nandyan na sila." sabi ni Jam at nauna na sa labas.
Sumunod naman agad si Lea kaya napasimangot ako. Ako nalang ang naglock ng bahay at nagtago ng susi. Sumakay na ako sa van.
"Good morning Kai!" bati nung tatlo.
"Good morning." bati ko den.
Nasa harap ay si Chandler dahil siya yung nagdra drive tapos nasa tabi niya si Art. Kami ni Jam yung nasa gitna at nasa likod namin sina Paolo at Lea.
Gaya ng napag-usapan ay nag simba muna kami. After nung misa ay umuwi agad kami para magpalit ng damit at kunin yung mga gamit namin. Sumakay na kami sa kotse.
"Wala na kayong nakalimutan?" tanong ni Paolo na kinailing namin.
"LEZZGOO!" hiyawan namin.
Nakakatuwang-isipin na naging close na kami sa isa't-isa kahit sa sandaling panahon lang. Hindi rin naman kasi mahirap pakisamahan yung tatlo dahil kahit mga siraulo sila ay mababait naman.
Nagja jamming kami habang nasa byahe. Puno ng tawanan at asaran yung van.
Habang nasa byahe ay may nadaanan kaming Jollibee kaya naisipan naming mag drive through. Anim na jolli hotdogs, anim na large fries, anime na large coke, at anim na yum burger. After namin mag drive through ay bumalik na kami sa byahe papuntang EK.
Simangot akong napatingin kay Jam nung dumukot siya sa fries ko kahit meron pang laman yung kanya.
"Hehe" hagikhik niya at sinubo ng sabay yung limang fries.
"Bwiset ka--" napatigil nanaman ako nung may kamay na dumukot nanaman sa fries ko.
Nginitian lang ako ng matamis ni Apoy at sinubo yung dinakot niyang fries.
"Nyeta kayo." simangot na sabi ko na kinatawa nila.
After naming kumain ay nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Dinalaw ako ng antok kaya natulog nalang muna ako.
LEANDRA'S P.O.V.
"Kaaaiiiii!!!" yugyog ko sa kanya dahil nandito na kami.
Nagising naman siya at sabog na napatingin sa kawalan. Natawa naman kami ni Jam.
"Uy Kai" kalabit ni Paolo kay Kai pero sinuklian lang siya ni Kai ng nakakunot noong mukha.
"Ano meron?" sabog na tanong ni Kai kaya agad kaming napahalakhak ni Jam.
BINABASA MO ANG
HEARTACHES TO HEARTBEATS
Novela JuvenilThree broken hearts from the past. Will they be happy in the future? BOOK 1 - Heartaches To Heartbeats (Complete) BOOK 2 - Heartbeat To Happiness (On-Going)