9

1.4K 47 5
                                    


Selena

Nasaktan ako sa nga sinabi ni Claire na ikakasal na si Duke masakit pala talaga, sa dinami rami ng taong pwede akong magkagusto kay Duke Pa talaga, Sa Mga Araw Na Dumaan Nasabi ko nalang sa Sarili Ko na Mahal ko itong Taong to! Wala naman masama mag mahal

"Nakapili kana ba Selena" ani ni Claire nawalan ako ng gana

"Wala akong may nagustuhan hindi ko type yung mga damit dito Ang Mahal pero ang Papanget naman"

"Hoy babae sikat Ang May Ari ng Mall na ito madami ang mga babae ang gusto bumili, atsaka anung panget ang maganda nga nyan oh"

"Hayaan mona si Selena Claire atsaka totoo naman eh ang panget ng mga damit dito" napairap nalang si Claire nawalan talaga ako ng gana

Madaming binili si claire, mahilig talaga yan mag shopping minsan nga pumunta yan sa ibang bansa para lang mag shopping Anak kase Ng Mayaman si Claire ang bunsong anak
Nila Mr and Mrs Medrano.

Mabait Ang Mama ni Claire Noong nalaman ni ni Tita Clara na namatay na si mam gusto akong pag aralin ni tita kaso tumanggi ako, ayaw kung umasa sa iba kaya ko naman ang sarili ko, pinipilit na ako noon ng mga kaibigan ko na pumayag nalang ako para may tutulong na saakin na tuparin ang pangarap ko sa huli ako paren ang nanalo.

Tinigyan ko ang relo ko 09 o'clock na pala ng gabi subrang bilis ng oras

Pa uwi na kami ngayon, subrang sakit na ng mga paa ko kanina kase halos inikot na namin ang buong mall kakasunod lang kay claire, nakakainis Yang bruhildang yan kapagod talaga kasama si claire

"Anni hindi ka ba na pagod sa kakaikot natin kanina?.."

"Napagod malamang Subrang sakit na nga mga katawan ko Lalo na ang paa ko
Paano ba natin naging kaibigan Yang panget nayan?.. " natawa nalang ako kay anni, ang dami kung tawa mga isang kilo

Pagod akong humiga sa Kama ko ang sakit talaga ng katawan ko, hindi Pa ako nagbibihis. Naalala ko nanaman yung sinabi ni claire kanina parang hindi na ata yun matanggal sa isipan ko ganun talaga kalaki ng impact ni Duke sa'akin, kaya natatakot ako dati mag mahal.

Never Pa akong nag ka boyfriend mas inuuna ko pag aaral ko dahil marami na akong nakitang mga babae na umiiyak, minsan nga may nag suicide Pa dahil narin sa pagka bigo sa pag ibig, madami talaga nagagawa ang pag ibig

***

Kinabukasan Maaga ako nagising Lunes ngayun kaya kaylangan maaga kami maaga kaming nagbubukas tuwing lunes mga 7:30 ng umaga, Suot ko ngayun ang Uniform namin sa Coffee shop ang kyut tignan hehe! Lumabas na ako ng appartment para mag abang ng masasakyang taxi dahil malayo Pa dito ang pagtatrabahoan ko.

Malapit na mag 7:30 wala pang dumadaan na taxi ma late ata ako nito bihira lang kase na may dumadaan na taxi dito ma swerte ka nalang kung may dadaan. Palinga linga ako sa paligid ko baka kase may dadaan na taxi kaso wala talaga eh tawagan ko nalang kaya si Anni.

Wala pala akong load, nakalimutan ko mag paload kahapon kase nga nag mall atska gabi narin narin kami natapos

Nagulat nalang ako ng biglang may humintong mustang sa Harapan ko
Mayayaman lang ang makabili nito

"Sumakay kana "

" ha? Ako " gulat kung sabi

" may nakikita kapa bang ibang Tao dito?." Tumingin ako sa paligid ko, oh nga naman ako lang tao dito ang tanga mo self

Ayun sumakay nalang ako wala naman akong magawa eh, sayang din kung hindi ako sasakay ang gwapo Pa naman nito.

Gusto ko sana tanongin kung ikakasal na ba talaga siya kaso kinakabahan ako baka mamaya masasaktan lang din ako sa isasagot nya, pero nakakapagtaka lang ah anu kaya ginagawa nya sa lugar namin di kaya taga dito lang din yung na buntis baka nga.

Nag focus lang ito sa pag drive, ngayun alam kona kung bakit marami ang nagkakagusto dito at isa na ako doon. Kahit napa cold nito at napakatahimik na tao maakit ka talaga sakanya, mau maskolado itong pangangatawan. Isang buhat lang ako nito bali na buto ko. Kawawa ako dito

"Are you going to Drake's birthday" tanong nito. Hindi agad ako naka imik. Sa daan parin nakatoun ang atensyon nito.

"Almost all of Drake's Employees are going as well as your friends are going too.

"Pagiisipan kopa kung pupunta ako"
Atsaka Hindi ako sanay sa mga ganyang party" himala naman at Hindi ako nauutal.congrats self!..

Hindi ako sanay sa mga party,tuwing birthday ko nga Dinadala lang ako ni Mama sa Park,naiitindihan ko naman si Mama alam Ko kase na Hindi ako kaya ni mama bigyan ng magarbong birthday, lumaki ako sa Hirap. Makasama kolang si mama masaya na ako kumpleto na ang araw ko.

Nang huminto na ang sasakyan bumaba na ako.Hindi na ako tumagal pa sa kotse nya naiilag ako eh Hindi ako sanay.

Ng Nakapasok na ako sa coffee shop sinalubong agad ako ni kath,alam kona takbo ng isip nito.

" Kotse ni Sir duke yun ah, So sya pala nag hatid sayo?.."

" Wala kase akong masakyang taxi tapos ayun nakita nya ako sa labas ng apartment ko,pinasakay nalang nya ako"

" mag ingat ka sakanya ah, Baka mamaya ma fall ka sakanya at matulad ka doon sa mga babaeng nanghahabol sakanya" na Fall na nga eh Gusto ko sanang sabihin sakanya kaso alam kung ipagkakalat lang nya kaya wag nalang chismosa pa naman to

" Nag iingat naman ako atsaka Hindi ako mafall sakanya promise ko yan sayo,bumalik kana ngalang don" pagsisinungaling ko para naman umalis na Ito sa harapan ko, kung alam nya lang na baliw na baliw ako Kay duke laman na sya ng panaginip ko

Pumunta ako sa locker room para lang ilagay doon ang Bag ko,at para din maka pag handa na ako panigurado marami nanaman ang customers Namin ngayun.

Anu kaya ginagawa Ni Duke sa lugar namin kase naman halos lahat doon mahihirap tapos mga chismosa Pa kay aga² nagkukumpolan na mga kapithbahay ko. Ang daming CCTV saamin eh. Baka kase Taga doon Din yung babaeng na buntis nya.

Bahala na nga sila,Kung saan kakalimutan ko na siya' saka nanaman sya susulpot, hindi tuloy ako makatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa litseng lalaking yun.

Tulad ng lage kung ginagawa ako ang kahera. Nakakapagod din talaga ang ginagawa ko ang sakit ng tuhod ko lage dahil narin sa kakatayo mag hapon, pinapayagan naman kami umupo pag walang costumers kaso ang Coffee shop na ito hindi nauubusan ng customers.

Yung Iba kase pumupunta lang para makita si sir Drake lalo na kapag andito yung limang magkakaibigan Talagang marami pumupunta. Iba kase talaga ang dating nila kaya ayun halos maglaway na ang iba kakatitig sakanila

"Good Morning Po Ma'am Anu po order nyo" ang ganda ng babae Ah pang model ang ganda, kaso mas maganda ako hehe!..

"nandito ba ang Sir Drake Nyo?." Oh! See

"Wala po dito si drake ma'am minsan lang po yun pumupunta dito. Bumalik kana lang bukas baka po bibisita sya dito"

Pagkatapos kung sabihin yun umalis na sya hindi man lang nagpasalamat mas maganda Pa ako sakanya, ayaw kolang mag ayus baka matalbogan ko payung iba eh

Iba na talaga ngayun babae Pa nanghahabol sa lalaki. Pero kakaiba kase talaga ang dating ni sir Drake kaya hindi na ako mag taka kung marami nanghahabol sakanya,

Tulad ng dati marami paring customers ang sakit na ng paa ko kakatayo, hindi ako makaupo sunod-sunod kase ang pasok ng mga Tao,

Alas singko na ng hapon, nagpalit na ako ng damit meron kaming sariling locker at may Cr din para sa amin. Pagkatapos kung magpalit ng damit lumabas na ako ng Cr. Paglabas ko naabutan ko si Clyde Abaala ito sa pag aayus ng gamit nya. Kinuha kona agad ang bag ko gusto ko ng magpahinga.

"Mauna na ako sayo Clyde" hindi kona hinantay ang sagot nya lumabas na agad ako, nakasalubong ko ang ibang empleyado nag paalam Lang ako sakanila.

------

Sorry kung natagalan ako Sa pag ud gaizz, wag kayo mag alala babawi ako hehe! ENJOY READING

VOTES AND COMMENTS

-RaiAtaraxia

GOT PREGNANT BY THE CEOWhere stories live. Discover now