Kabanata 28- Revelation

861 44 4
                                    

Allison's Pov.

Hay, namiss ko ang Fortis. Na miss ko ang liwanag ng langit. Ang maputing mga ulap. Ang kulay asul na kalangitan. Namiss ko ang mga huni ng ibon, huhu. Ang kulay green na mga dahon. Sobrang gaan sa pakiramdam. Ang presko-presko ng hangin. Naririnig ko pa ang daloy ng tubig luh, nababaliw na ata ako.

"Pero akala ko ba, malakas na kami? May mga sarili na kaming sandata ah-" Nagsalubong ang mga kilay ko nang maputol si Spirro sa pagsasalita. Ngumuso ako.

Anu-ano na nga ba 'yung mga nasabi ko?

Aish. Nakakainis naman eh! Nakalimutan ko tuloy, hmp.

Binibilang ko na kasi 'yung mga gagawin ko ngayong nakabalik na kami ng Fortis. Eh na-distract ako! Omg, kasalanan ni Spirro!

Masama ang loob kong nag-angat ng tingin sa kaniya para sana pagalitan siya pero nag form ng O ang bibig ko pati na ang mga eyes ko nang makita ang weapon niya!

Ang throwing dart niya... ay nagiging espada! Nagpapalit-palit ito ng form na parang ipinapakita nito sa kaniya ang pagbabago ng appearance nito. Tapos, napansin kong may umiilaw sa bawat patusok ng throwing dart niya pero pag espada naman, mula sa gitna ng point nag g-glow.

Ang una niyang weapons ay mga throwing darts tapos naging dalawang maliit na espada na may kapangyarihang um-absorb ng powers dahil kay Akira tas ngayon, throwing dart na nagiging espada na. Omg, ang galing!

And there's more! Nang hinagis niya ito bilang throwing dart ay dumami ito!

Na e-excite ko tuloy na nilabas ang weapon ko. Hindi lang pala ako, maging ang mga natitira ko pang friends.

At katulad kay Spirro, naka-ukit na sa mga weapons namin ang symbols ng aming mga guardians. Whaaaaaa!

Sa totoo lang, natatakot ako sa guardian ko.

Bakit?

Sino ba namang hindi!? Eh ang pinaka mataas at powerful na witch sa history ang guardian ko!

Evanora...

Goodluck sa mga makakaaway ko at... goodluck narin sa akin, huhuhu.

"Sinabi ko bang ang unang sandata niyo ang pinaka magiging sandata niyo? May sinabi ba akong kung ano ang unang sandata niyo ay 'yon ang gagamitin niyo hanggang sa huli?" Daming learn ni Queen Helena. Pero totoo nga naman na wala siyang sinasabing ganon sa amin, huhuhu.

Or nasabi niya na... pero nakalimutan lang namin? OMG!

Nandito parin kami sa ground ng palasyo. Pero wala na ang ibang mga magus na sumalubong sa amin kanina at kami-kami nalang ng Vigorous, ng Reyna at ng mga pamilya namin ang nandito.

Nakaupo kaming lahat habang nasa gitna namin ang napaka habang mesa. Nasa left side kaming lahat ng Vigorous kaya sa right side ang reyna katabi ng mga parents namin.

Ngumuso ulit ako nang magkatinginankami ng parents ko. Whaaaaa! Mommy, Daddy, miss ko na kayo! Huhuhu.

Hindi pa kasi kami pwedeng mag-usap at mag hug eh. Dahil alam ng Reyna na marami kaming katanungan sa mga isip namin at sabi niya, baka maubos daw ang oras namin ng hindi namin nalalaman ang mga gusto naming malaman.

Luh, diyos ba siya. Parang sinasabi niya na mamamatay na kami, huhuhu.

Nag pout din si Daddy sa akin. Whahahahaha, ang pangit! Isang Dux na matapang at akala mo may alagang dragon sa harap ng mga hukbo niya pero ang totoo ay ang sagwa niya kapag ngumunguso siya.

Ang pangit talaga, HAHAHAHAHAHA! Omg. Ginogoyo lang sila ni Daddy eh, hahah-

Natigil ako sa pagtawa nang sikuin ako ni Ivan. Hindi naman malakas pero sinamaan ko parin siya ng tingin like anong problema mo ba look.

The Krymménos KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon