Kabanata 32 - Feelings

870 44 2
                                    

Sabay kaming bumaba ng Hera mula sa mataas na lupa. Ngumiti ito sa akin na napilitan naman akong suklian.

I'm not still sure about the decision that I've made. I'm still skeptical if this is the right thing to do, if I can stand it until the end.

"Hindi maari." Lumingon ako sa Hera nang ito ay magsalita. Ang isa niyang kamay ay nasa ere at siya ay nakapikit pero ilang sandali lamang ng siya ay muling dumilat.

Kumunot ang noo ko.

Bahagya akong nagulat nang lingunin niya ako. "Ito na ang oras." I didn't understand what she said but I looked up at the sky when darkness slowly engulfed the light. I blinked twice with fear.

"Hindi ko magamit ang kapangyarihan kong maglaho. Elora, tumakbo ka nang mabilis! Kailangang nandoon ka sa kaharian bago ito tuluyang lumitaw!" Nanlaki ang mga mata ko at kahit hindi ko maintindihan ang rason ng pinapagawa niya sa akin ay ginawa ko parin.

Katulad lamang noon. Noong hindi ko pa alam ang itsura at tanging boses niya lamang ang aking kilala pero palagi ko paring sinusunod ang boses niya.

At ngayon alam ko na kung bakit.

Tumakbo ako nang mabilis. Sobrang bilis na hindi ko inaakalang kaya ko 'yong gawin. Nararamdaman ko ang presensya ng Hera hindi kalayuan sa akin. Tumatakbo rin.

Ito ang sinasabi ko kanina. Nagdududa parin ako sa desisyong pinili ko pero satingin ko, ito ang mas mainam na piliin.

I ran more than I could. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko sa paggamit ng kapangyarihan para takbuhin pa ang iilang distansya dahil habang nasa malayo ako, mas nararamdaman kong may hindi magandang nangyayari sa Fortis.

Hindi ko na maramdaman ang puso ko sa sobrang bilis nito na parang sumasabay din sa mga yapak ko. Habang tumatakbo, nilingon ko ang paligid. Ang likod ko. Hindi ko maiwasang magtaka dahil ang mga dinaanan ko ay maliwanag, kulay asul ang kalangitan at puti ang mga ulap pero sa harap, madilim. Tila ito ang lugar na aking pinanggalingan.

Nang yumuko ako, roon ko napagtanto na ang bawat lupa na natatapakan ng paa ko ay lumiliwanag. Bahagya akong natigilan at umawang ang labi ko pero nagpatuloy ako sa pagtakbo katulad ng sinabi ng Hera.

Kaya pala ang bandang likod ko ay maliwanag at ang harap ko ay nanatiling madilim dahil hindi ko pa ito natatapakan. Hindi pa ito nadadaanan ng aking mga paa.

Hindi ko alam ang dahilan pero namamangha ako... at natatakot.

"Marami ka pang hindi nadidiskubre sa kakayahan mo, Elora." Narinig ko ang boses ng Hera sa isip ko. Lilingunin ko sana siya nang muli siyang magsalita. "Huwag. Magpatuloy ka. Nararamdaman ko na sila. Narararamdaman na nila tayo. Ikaw. Maghanda ka."

Hindi ko nanaman naintindihan ang kaniyang sinabi pero nagpatuloy ako hanggang sa nasa harap na ako ng matayog at kulay ginto na tarangkahan.

Ito ang desisyong pinili ko.

Ang harapin ang takot ko.

Nang tuluyang bumukas ang tarangkahan, hindi ko inaasahan ang sasalubong sa akin.

Kasabay nang pagbabago ng aking kasuotan, ang sunod-sunod na pagdating ng mga nilalang na hindi ko aakakalaing muli kong makikita.

Ang mga Dolent.

Diba... nasa ibang lugar ako? Wala ako sa Magus? Paano sila nakapunta rito?

Nakita ko rin ang pagbabago ng mga kasuotan ng Vigorous hindi kalayuan sa akin at kasabay nito ang pagdami ng mga lumilitaw na mga Dolent.

Yumuko ako para suriin ang kasuotan ko. When I first experienced changing my clothes into an armor, the cloth was blue before but now...

Puti na ito.

The Krymménos KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon