Kabanata 37- Simula

788 29 0
                                    

"Saan mo nais isakatuparan ang iyong plano, anak?" tanong ni Mama matapos kong sabihin sa kanila ang gusto kong mangyari.

"Sa... isang lugar, Ma. Kung saan malayo ito sa Fortis," sagot ko habang nakatingin sa kawalan.

Umihip ang malakas na hangin dahilan nang hindi pagkalma ng buhok ko.

Sa totoo lang, natatakot ako.

Unti-unti ko nang nararamdaman ang lamig sa katawan ko.

Alam kong nabigo na noon ang mga taong nasa likod ko.

Dahil sanggol pa lamang ako.

Ngayong... malaki na ako at may kakayahan ng mag-isip at kumilos. Hindi na kaya kami mabibigo?

Anong mangyayari kapag hindi ako nagtagumpay?

Hindi pa ito ang pinaka at huling laban. Alam ko.

Simula pa lamang ito.

Nagsisimula palang ang mga kalaban.

At gayon din ako.

I flinched when I felt someone held my hand. Tumingin ako roon bago nag-angat ng tingin sa pares ng mata na siyang paborito ko.

Sa pagtitig niya pa lamang, tila unti-unti na akong kumakalma.

Maliwanag parin naman. Pero ang mga mata niya ay kulay pula at lila na. Tila pinapakita talaga sa akin na parang alam niya na ikasa-saya ko 'yon.

Tinitigan niya ako sa pinaka malalim na paraang alam niya. Pinagmasdan niya ang buo kong mukha.

"Wherever you go, I'll follow you." Ngumuso ako. Hindi kasi 'yon ang nasa plano ko.

Ang plano ko ay manatili siya rito. To help others, her mother, the superiors in fighting our rivals.

He softly pinched my nose. His stare is now emphatic.

"I can read your mind," he whispered. As he close our remaining distance.

My heart thumped as I watched his steps. Binalik ko ang tingin sa kaniya. Napalunok ako.

Para pag takpan ang tunay kong nararamdaman, tinaas ko ang isa kong kilay.

"How? I am the chosen one." Alam ko namang nakabukas nang onti ang isip ko. Hindi ko ito ginagamitan ng kapangyarihan para tuluyang isara.

He lift his eyebrow too. Slightly twitching his mouth like what's happening to us right now amaze him.

"And I'm the son of a certain God." I tsked. Umirap ako. Pero na di-distract ako sa kamay niyang nasa akin. Hawak ang akin.

He touch my chin so that I could look at him.

Mas lalong dumoble ang kaba ko. Tru-mi-ple.

Kada tumitingin ako sa mga mata niya, halo-halo ang nararamdaman ko. Pero isa lang ang pinaka pamilyar o kaya kong ilarawan.

Kapayapaan na may kasamang... nerbiyos.

Iyong pakiramdam na... magiging okay din ang lahat. Kakalma rin ang lahat. Babalik din sa ayos ang lahat pero nakaka nerbiyos kasi pakiramdam ko, nalalaman niya ang lahat sa akin.

Lahat ng nararamdaman ko, mga iniisip ko... Lahat-lahat.

"I'm here," saad niya matapos ang ilang sandaling pagtitig niya sa akin.

Napaka simpleng salita.

Pero grabe ang epekto.

Now, I'm fighting back my tears.

The Krymménos KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon