Kabanata 22- Ang Huling Ensayo

912 64 2
                                    

Allison's Pov.

Malungkot akong ngumiti at yumuko para dumantay sa railing ng Veranda.

Para akong ewan dito pero wala na akong pake, huhu.

"Namimiss ko na sila Mommy at Daddy..." Bumuntong hininga ako. Tinignan ko ang mapupulang ulap. Sobrang dilim. Ang lungkot-lungkot naman dito.

Namimiss ko na ang araw. Miss ko na ang strawberry shake ni Daddy! Miss na miss ko na ang Fortis! Huhuhu.

"I love you anak, please stay strong. Not for Mommy but for yourself." Bumuhos ang luha ko. Huhuhu. Mommy!!!

"Daddy and Mommy will wait for you. Please come back, baby."

"WHAAAAAAAA! MOMMY, DADDY! HUHUHU!" Mas lalo pang bumuhos ang luha ko. Hindi ko na pinunasan pa at hinayaan nalang silang magsipagtuluan.

Nakakasibay pa eh, huhuhu. Nakirot na nga ang heart ko tapos gusto pa papunasan, bala kayo riyan. Huhuhu.

"Hey, what's wrong?" Mabilis akong umayos ng tayo at pinunasan ang luha ko.

"Ang hangin pala rito, feeling ko mabubulag ako, H-HAHAHAHAHA!" Hindi parin ako humaharap kay Ivan. Ito naman kasi, nag e-emote ako tas biglang susulpot.

"Tss." Nabigla ako nang hilahin niya ang kamay ko at hatakin ako papunta sa dibdib niya. "You can't fool me."

Dahan-dahan akong ngumuso ilang segundo lamang nang muling bumuhos ang mga luha ko.

"WHAAAAA! NAMIMISS KO NA SILA MOMMY AT DADDY!" ngawa ko at dahil don, napakapit ako sa damit niya habang umiiyak.

"G-ginogoyo ba nila ako? Hindi n-na ba a-ako makakabalik?" Mas lalong humaba ang nguso ko nang maisip na... Paano... Paano kung hindi na ako makakabalik sa kanila? Paano na? Paano? Huhuhu.

Naramdaman ko ang kamay ni Ivan sa ulo ko. Dahan-dahan niya itong hinaplos.

"Tsk. Stop crying, we will go back." Ngumiwi ako at umirap kahit na, hindi niya naman ako nakikita.

"Sure na sure ka ha! Paano mo naman nasabi?" tanong ko.

"Because i have trust in you. In all of us. We will be able to return," sagot niya na nakapagpahinto sa pag-iyak ko. May powers ba bibig ni Ivan?

"And because i promised you. I'll make everything to bring you back to your parents."

• • •

Elora's Pov.

Nang maalimpungatan ako ay mabilis kong pinagmasdan ang paligid ko. Saglit na umilaw ang mga ko kaya alam kong, nagbago na ang mga kulay nito. Tulog na ang lahat ng kasama ko sa kwarto. Nasa tabi ko si Elise, sumunod naman sa kaniya si Akira at hindi ko mapigilang ngumiti nang makita ang magulong posisyon ni Venus sa pagtulog.

Nakadapa siya at sobrang magkalayo ang mga kamay at paa niya sa isa't-isa. Nasa lapag kami natutulog at may foam kami. Buti nalang din talaga at sa lapag kami kundi ay paniguradong nahulog na siya.

Dahan-dahan akong bumangon. I was cautious with my movements. I don't want to disturb them because i know they're tired.

Pagod din ako pero kailangan kong... mag ensayo. Lalo na't bukas na ang huling ensayo ko at hindi ko alam ang mangyayari. Pero tiyak ako na, mas lalo itong mahirap.

Maingat kong kinuha espada ko at pinagmasdan ito saglit. Kailan ko kaya makukuha ang sarili kong sandata?

I was eager to learn how to fight back so they will not worry about me when we are facing our enemies. Ayokong maging sagabal o pabigat sa kanila. Ilang beses na nila akong niligtas. Ilang beses na nila akong sinagip sa kalagitnaan ng kamatayan ko.

The Krymménos KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon