Kabanata 18 - Ensayo

943 46 5
                                    

"Kaya ka nakakaramdam ng takot at kaya hindi mo kayang lumaban sa mga Dolent ay dahil isa 'yon sa mga kapangyarihan nila," saad ni Spirro pero hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko.

Naging Dolent... siya?

"That's one of his power." Lumingon ako kay Thorn nang siya ay magsalita. Nabasa niya siguro ang mukha ko. Nang magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang nag iwas ng tingin.

Muli kong tinitigan si Spirro. Nakangiti na siya nang wagas nang muli ko siyang tignan.

"Hehehe. Gulat ka ba, Elora? Gulatin kita lalo." May nginunguya nanaman siyang bubble gum ngayon. Mabilis akong napatayo at nagtago sa likod ni Allison nang makita ko ang sarili ko sa mismong harap ko.

As in ako!

"Pfft. Hahahahaha!"

"Ang cute ni Elora eh!"

Dumungaw ako ng konti para makita parin ang sarili ko. Kuhang-kuha niya ako mula ulo hanggang paa at medyo... weird 'yon. Nagtago ulit ako sa likod ni Allison.

"Hahahahaha! Okay na, Elora. Back to pagiging gwapo na ulit ako." Nang tignan ko siyang muli ay si Spirro na nga ulit siya. Hindi na ako o isang Dolent.

Wow. Nakakahanga rin pala ang kapangyarihan ni Spirro.

Bukod sa pagiging mabilis at sa paghagis ng mga panghagis na armas, kaya niya ring manggaya ng katauhan.

Napatingin ako sa Vigorous. Ano pa kaya ang mga kapangyarihan nila?

"Psh." I saw how Akira sneered because of Spirro's last words. I also saw how her cheeks turned red when our eyes met. I smiled at her.

"Ang galing mo kanina." Marahan kong hinaplos ang pisngi ni Elise. Hindi ko inaakalang, sa mura niyang edad ay nagawa niyang kalabanin ang Dolent kanina.

Nagawa niyang gamitin ang kapangyarihan niya laban sa mga ito.

Na kahit siya ay takot at nanghihina, nagawa niya.

Nagawa niyang labanan ang sarili niya.

"T-thankyou po, Ate. Ikaw nga rin po eh. Ang galing mo po." Kumunot ang noo ko at ngumuso. Hindi sumasang ayon sa kaniyang sinabi.

"Ako? Magaling? Hindi naman ata totoo 'yon." Mariin itong umiling sa akin.

"Ang galing mo po kaya, Ate. Lagi mo po akong pino-protektahan. Salamat po." Her mouth curved into a smile. Tila hinaplos ang puso ko sa huling narinig.

Mahigpit kang ipinagbilin sa akin nila Mama. Ipinagkatiwala nila sa akin ang buhay mo. Sinabi nila na protektahan kita, tanda ng pagtitiwala nila sa kakayahan ko. Sa akin.

Ikaw ang huling tao na magpapaalala nila sa akin.

Hindi ko man nagawang protektahan ang mga magulang ko pero...

Ipinapangako kong simula sa araw na ito, kapag kinailangan kong kalabanin ang sarili ko maprotektahan ka lang...

gagawin ko.

"Elora..." Inangat ko ang tingin ko para makita si Venus. Kitang-kita ko ang hiya sa mukha niya. Panay ang pag-iwas niya ng tingin at ang pag lalaro niya sa dalawa niyang kamay.

"U-uh, pwede ba kitang... makausap?" She stuttered. I smiled before i held her hand.

"Ayos lang 'yon pero sige... sa veranda tayo." Muli akong ngumiti sa kaniya para ipakita na ayos lang ako. Na ayos lang kami.

I inhaled the fresh air. There are still so many problems in this world and i don't even know if we can surpass those, but this is one of the things that i should be thankful for.

The Krymménos KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon