Kabanata 30 - Nakaraan

864 52 5
                                    

Hindi kumakalma ang puso ko. Patuloy itong mabilis sa pagtakbo. Tila may hinahabol. Nararamdaman ko rin ang onting panginginig ng aking mga kamay.

"Hindi niyo siya pwedeng itago..." Ang babaeng biglang lumitaw sa gitna ng mga pangyayari ay nakatingin sa ama ni Thorn. Hindi ko maramdaman ang nararamdaman nito at nang subukan ko itong alamin ay nanikip ang dibdib ko. Tila may humaharang sa akin na gawin iyon.

But even if I can't feel what she's feeling, ang mata niya ay pumungay na nagpapakita ng kaniyang kalungkutan at... sakit. Pero mabilis itong nawala bago siya humarap sa Reyna.

Pero... Nakikilala ko ang boses niya.

I looked around, surveying my sorroundings. I still can't believe that I'm here... at the fortis kingdom.

Ibig sabihin ba... nasa ibang mundo ako? Kaya kakaiba ang lahat? Wala ako sa Magus? Pero paano nangyari 'yon?

Gulong-gulo na ako.

"Dahil simula nang ipinanganak mo siya, ayon na ang ginawa niya."

Napabalik ang paningin ko sa nangyayari.

Muli ko nanamang narinig ang boses niya at ngayon, nakumpirma ko na ang isang bagay.

The Queen frowned. "Anong... pinagsasabi mo? At sino ka ba? Paano ka nakapasok sa kahariang ito?" Napalingon ako sa lalaking nasa likod ko nang dahan-dahan itong maglakad papunta sa harap. Sa tabi ng Reyna. Pinagmasdan niya ang babae na tila natitigilan pa bago inilipat ang tingin sa akin.

"Alam kong hindi mo ako kilala. Pero hindi imposibleng malaman mo kung sino ako. Lalo na't ang hari na nasa tabi mo ay mukhang nahihinuha na kung ano ako."

Siya ang boses sa isip ko.

Ang boses na madalas kong naririnig... tuwing napapahamak ako kamakailan. Ang boses na hindi ko alam kung kanino nagmumula pero palagi kong sinusunod.

Siya 'yon.

Ako, ang Vigorous at ang mga... nilalang na nakapalibot sa Hari at Reyna ay nanonood lamang. Ang lahat ng atensyon ay nasa babaeng bigla na lamang lumitaw. Ang boses sa isip ko. At sa Reyna. Ang tensyon sa paligid ay aking nararamdaman pero ang atensyon ko ay halo-halo. Palipat-lipat nang pinagbabalingan.

Pakiramdam ko ay para lang sa kanila ang oras na ito. Walang pumapasok sa isip ko. Ang daming impormasyon. Ang gulo-gulo.

Kung siya... ang Reyna ng Fortis... Siya rin ba ang Reyna noon? Nang magkaroon ng digmaan?

I firmly closed my eyes and shook my head. Nararamdaman ko na ang pagkirot at ang pakiramdam na ang bigat ng ulo ko dahil sa mga tanong sa isip ko.

Naalala ko ang mga sinabi sa akin ng Vigorous, at kung hindi ako nagkakamali, sinabi nila na bagamat alam ng Reyna ang lahat, wala siyang magawa...

Kung gayon, siya nga. Siya parin nga.

Muling bumalik ang tingin ko sa Reyna nang mapaatras siya at pumikit-pikit. "Hindi ka isang... pangkaraniwan," aniya.

And that's when I realized, I'm one of their topics. This woman suddenly appeared when the queen's disciples were about to get me. My lips parted and my brows furrowed even more.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang biglaang pagpitik ng puso ko. Nakaawang ang labi, tinitigan ko ang babaeng kausap ng Reyna.

Nararamdaman ko na... ang lakas niya. Nararamdaman ko na ang enerhiyang bumabalot sa kaniya hindi katulad kanina na wala akong maramdaman na kahit ano mula sa kaniya.

Alam kong hindi lang ako ang nakaramdam niyon dahil maging ang lahat ay napabaling sa babae at natigilan.

Nararamdaman ko ang lakas niya pero nasisiguro akong, hindi lang hanggang doon. Hindi ito ang hangganan ng kapangyarihan niya.

The Krymménos KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon