Bagong Kaibigan

11 0 0
                                    

"Estraghero... Very  interesting of you, son! Bilisan mo ang kilos, Joseph, at baka maagawan ka pa ng iba dito kay Jessica!" wika ni Tito Ebie kay Joseph.

"Papa! Ano ka ba? Hayaan mo at matapos lang ang pagka busy ko sa election, si Jessica at paglilingkod sa bayan na lamang ang aatupagin ko!" wika nito na may pataas taas pa ng kilay sa mga kasama namin sa hapag.

"Jessica," muling wika at kalabit sa akin ni Joanna, "P'wede bang Jess na lang itawag ko sayo? Tawagin mo na lang akong 'Jo', tapos kung ok lang exchange numbers tayo mamaya?"

Nginitian ako ni Joanna ng pagkakatamistamis na waring hindi na ako makakatanggi sa hiling niyang ito.

"Desperada na si Jo, papa!" Wika naman ni Justin na pangaasar dito.

"Ano ka ba, kuya Justin?! Gusto ko lang naman ng totoong kaibigan!" wika ni Joanna at sumimangot na.

"Mr. Justin, ok lang naman po. Jo, sige later pagkatapos kumain, exchange tayo ng contact details. Walang problema doon."

"Belat, Kuya Justin! Bleh!"

"Tigilan na ang asaran." Pagsuway naman ng ina ng tahanan ng mga Romulo na si Ariza.

Nanahimik naman ang lahat sa simpleng suway niya. Napakaganda niya at ramdam na ramdam ang presensya niya sa buong silid.

"Pagpasensyahan mo na ang mga anak ko, Jessica. Madalang lamang kasi magkaroon ng bisita sa bahay namin na hindi kasamahan ng mag-ama ko sa City Hall."

"Walang anuman po iyon, Ma'am Ariza. Minsan lamang din po ako maimbitahan bilang isang bisita."

"Tita Riza na lang, Jess. Masyadong ang lakas maka-oldies ng Ma'am"

Binigyan niya ako ng isang ngiti at gumaan naman ang loob ko dahil dito. Hindi mahirap makisama sa pamilya nila, marahil sa sanay na sila sa iba't-ibang uri ng tao. Gayunpaman ay nagalak ako sa hapunan na ito.

Hindi ako pala kaibigan na tao kaya alam ko na magiging mahirap para sa akin ang makipagkaibigan sa taong hindi ko naman nakasama ng matagal. Pero naniniwala ako na walang masamang subukan ang pakikipagkaibigan. It may be more than what I think it would be.

Natapos ang hapunan ng payapa. Nag-volunteer naman si Joseph na ihatid ako sa bahay namin dahil sa concern siya sa seguridad ko.

Malamang ay puputaktihin na naman ako ng tanong ng aking kapatid at magulang.

"What are you thinking?" tanong sa akin ni Joseph, marahil ay napansin ang aking pagiging tahimik at pagiisip.

"Malamang kasi magtatanong ang magulang ko kung sino ang naghatid sa akin", simpleng sagot ko.

"Can't you say na manliligaw mo? Bawal ka ba magpaligaw? Nakalimutan ko itanong", may paga-alala niyang tanong.

"If you want, maaari akong bumaba at magpakilala sa kanila. I was planning it on the latter and more formal way. Pero if it will leave you out of trouble, I will pay them a visit now." dagdag pa niya.

"I wouldn't want them to get the wrong idea, but I do believe there are next time for these kind of things, Joseph. If you really are serious of what you want to do, introduce yourself some other time."

Ayaw ko din isipin ng magulang ko na kaya ko binabasted si Chad dahil may nanliligaw pala sa akin na isang bigating personalidad.

Don't get me wrong, I am not closing doors for anyone—yet. Not because I consider Chad as brother, does mean na hindi siya deserving of a relationship. Also, not because I entertain Joseph does mean na nagpapaligaw na talaga ako sa kanya. Chad is so precious that I don't want to romantically hurt him, while Joseph is a mere stranger to me for me to decline him immediately.

Naniniwala ako na anyone has a chance with love. Hindi na din naman ako bata para hindi magbukas ng pinto sa larangan ng pagibig.

"Dito na tayo", wika ko kay Joseph ng makarating na kami sa tapat ng bahay ko, "Salamat sa paghatid a."

"Wala 'yon, ano ka ba? Hindi ko ito madalas magagawa, kaya hanggang may pagkakataon ay ginagawa ko."

"Salamat pa din."

Akmang bababa na sana ako ng sasakyan niya na pinigil niya ang braso ko. Waring nagdadalawang isip pa siya sa sasabihin niya kaya't nauna na akong magsalita.

"Ok lang. Sabihin mo na, baki maging kabag", wika ko sa pagtatangkang pagaanin ang atmosphere sa sasakyan n'ya.

"Alam ko I have been so persistent with courting you, and I never asked you if it's okay. I just felt like I needed to be firm with my intentions with you. With all the chaos going on with the election campaign and all the things I want to keep private, I don't want you feeling na I am just doing this out of impulse. When I first met you, it is really weird kasi why would I got a crush on a person that I barely knew and inaway pa ako on first encounter? But yeah, it is what it is. Naglakas ako ng loob because I know I wouldn't find someone like you", habol hininga niyang usal.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, at mabuti na lang din na nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"So, Jess, will you allow me to court you? No pressure. Just get to know me and I'll do the same."

Nakita ko ang pagsusumamo niya sa kanyang mata. Mapapaisip ka na lang kung bilang isang politiko ay natural sa kanya ang maging mukhang sinsero sa lahat ng sinasabi niya, o sadyang sinsero naman siya dito.

"Joseph, I will allow you. But..."

"Ohhh, I don't like the sound of buts", may pagsukong wika nito.

Napatawa na lang ako sa kanya dahil para siyang bata na nagmamaktol.

"But know that one, I am not ready for your public life. I am a very private person. Second, my bestfriend Chad is courting me as well. Despite the fact that I have turned him down many times, he is persistent. Know that this isn't a competition. I am opening my heart to you because, honestly, you have shown me your sincerity. Lastly, I will understand you schedule naman. Mas maganda nga yon e, less eyes from the public: you being away from me."

Nakatitig lang siya habang sinasabi ko ang mga ito.

"Also, Joseph, do you know that I am older than you?" out of nowhere kong tanong sa kanya.

"I know, I know. it's just numbers. No one will judge you for it. Hindi naman na 1990s" wika niya habang tumatawa pa.

"So, uwi na ako haaaa. Don't be weird", nasabi ko na lang sa kanya at nagpaalam.

Nang gabing iyon ay nakangiti akong natulog. Hindi ko naman gusto pa si Joseph—crush siguro, oo. I'll just see how this goes. Huwag sanang heartbreak.


--

Author's thoughts: I just realized that it is easier to write when I am overwhelmed by emotion. This is my comeback chapter after a long time. Am I gonna be active? I am not sure. I cannot write if I am in a good place (emotionally)

PinakomplikadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon