Sangang-daan

2 0 0
                                    

Sabado na din sa wakas!

Wala na akong pasok sa opisina at siguradong makakapagpahinga na ako. Hindi rin naman ako madalas pagawain ng gawaing bahay ng mga magulang ko at wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kapag weekends kung hindi magbasa o kaya ay manood ng replay ng pelikula.

Sunod-sunod na katok naman ang siyang nagpabalikwas sa akin sa higaan. 

"Jess, bumaba ka na daw sabi ng mama." pagtawag sa akin ng aking nakakatandang kapatid na si Jun.

Napakamot na lang ako sa aking buhok dahil ginulo na ni Kuya Jun ang mapayapang umaga ng sabado ko. Nagsuot ako ng tsinelas pambahay at tamad na tamad na bumaba ng hagdanan. Ugali din kasi ng nanay namin na manggising kapag sinisipag siya magluto ng umagahan. Bagaman masarap ang luto niya, gusto ko lang din sana humiga pa ng kaunti. Ngunit kilala ko si nanay, papaakyatin niya na naman si Kuya Jun para sabihan akong bumaba na. Kung ang real life ay parang email, panigurado ay hindi na gentle follow up ang sunod sa unang paggising sa akin ni kuya Jun.

"Bakit ba ang aga mo naman mambulabog, kuya Jun?" tanong ko ng walang kapaki-pakialam sa paligid ko.

Ganoon naman kasi tayo sa sari-sariling bahay natin, ano? Walang care at kumportable lang.

"E pa'no, ang aga ng manliligaw mo. Intsik ba 'to?"

Inikot ko ang paningin ko at tumambad sa akin ang isang kumpol ng pulang rosas at ang walang kasawa-sawang si Chad.

"Ang aga mo naman, Chad. Nang-aabala ka ng tulog e!" wika ko dito.

"Sorry na, Jess. May duty pa kasi ako ng alas diyes. Gusto ko lang naman pormal na magsabi kila tito at tita e." pangangatwiran nito.

"Ilang beses ko na din ba ikaw ba-basted-in, Chad? Ang kulit kulit mo!" Naiinis na natatawang wika ko dito.

Gustuhin ko man mainis sa kanya, nasanay na din ako sa ganito niyang trip dahil siguro na din sa pagiging matalik naming magkaibigan at magkababata.

"Wala kang choice, Jess. Hangga't wala kang boyfriend, tuloy-tuloy lang ako." Namamag-asa nitong sabi.

Hinainan ni nanay ng kape si Chad at nagkukwentuhan naman sila ni tatay. Close din kasi si Chad sa pamilya ko. Bestfriend din siya ng kuya ko at laging kalaro sa basketball noong araw. Kagaya nga ng sabi ko, parang kapatid ko na si Chad.

Nakisabay na din ako ng pagkakape at pagaalmusal sa kanila. Maya-maya nama'y may kumatok sa aming pintuan.

Napadilat ng mata si nanay ng makita niya si Joseph sa may pinto kasama ang driver nito. Dala-dala nito ang isang kumpol ng sunflower.

"Magandang araw po." bati ni Joseph sa aming lahat. 

Agad naman siyang nilapitan ni tatay at nanay.

"Mano po." wika pang muli ni Joseph kay nanay at tatay.

"Ahh, sir Joseph, nagawi po kayo dito sa amin?" tanong ni nanay.

Sa gilid ng mata ko naman ay nakikita ko ang nakasimangot na si Chad at ang kuya kong nagugulumihanan sa nangyayari.

"Ang haba naman ng hair mo, kapatid" pang-aalaska ni kuya Jun sa akin ng maka-get over siya.

Tinanaw ni Joseph ang loob ng bahay namin at waring lumiwanag ang mukha ng makita niya akong nakaupo sa sofa.

"Gusto ko lamang po sanang pormal na ipakilala sa inyo ang aking sarili, at kung mamarapatin niyo po ay aakyat po ako ng ligaw kay Jessica." sagot ni Joseph sa tanong ni nanay.

"Naku, hijo. Pasok ka at nagsisimula ng makapansin ang kapitbahay. Ayaw namin ng chismis, hijo."

Agad namang naghubad ng sapatos si Joseph at pumasok sa loob ng bahay namin. Habang ang driver niya ay nanatili lamang sa labas.

"Naku, dapat sinuot mo na ang sapatos mo, hijo." wika ni nanay sa kanya.

"Ayos lamang po. Sanay din naman po kami ng ganito sa bahay." nahihiyang wika ni Joseph.

Si Joseph Romulo na ubod ng confident, nahiya? Bago iyon a.

Inalok ni nanay at tatay ng umagahan si Joseph na hindi naman niya tinanggihan. Nagpakilala din siya kay kuya Jun at kay Chad. Hindi naman maganda ang pagtanggap ni Chad sa kanya.

"Kaya pala ayaw mo magpaligaw sa akin ha?" Singhal ni Chad sa akin, matapos ay nagpaalam na kay nanay at tatay dahil alas nuwebe na at sa kabilang bayan pa ang duty niya. Hindi naman niya ako binigyan pa ng isa pang tingin bago siya umalis.

Duda ko ay nagtatampo sa akin si Chad. Pero mamaya ko na siya iisipin dahil kailangan ko muna isipin ang kung anong nasa harapan ko ngayon.

Ikinuwento ni Joseph sa pamilya ko kung paano kami nagkakilala. Natawa naman si tatay doon at sinabing may nasungitan na naman daw ako.

Nakakatuwa ding isipin na hindi nagusap ng politika ang mga magulang ko at si Joseph dahil ayaw na ayaw ko ang usapang politika. 

Nang magtagal ay iniwan na kami ni nanay at tatay sa sala upang ipagpatuloy ang kanilang mga gawaing bahay. Naiwan din si kuya Jun na nakatingin pa din ng may kyuryosidad kay Joseph.

"Kuya Jun, matutunaw na si Joseph sa tingin mo." pang-aasar ko sa kanya.

"Iniisip ko lang paano magkakagusto ang isang Joseph Romulo sa'yo e pangit ka!"

"Che! Alis ka na ngaaaa." naiinis kong sabi.

"Gusto masolo si Joseph o! Sige na sige na. Aakyat na muna ako at tumatawag na si ate Trina mo." wika nito habang tinutukoy ang long time, long distance girlfriend niya.

Panahon na para gisahin kita, Joseph.

"Bakit ka nagpunta dito ng wala manlang pasabi ha?"

"Are you mad, Jessica? Sorry na. I have been thinking about you the past few days. Gustong-gusto kitang makita."

Galit ba ako? Hindi ko naman masasabing galit ako o naiinis. Nabigla lang siguro ako sa kanya.

"Sus, wala na akong magagawa. Nandito ka na e." nasabi ko na lang sa kanya.

Nagplay ako ng replay movie at nanood na lang kami. Nagpabili siya sa driver niya ng mga snacks at magiging lunch namin mamaya. Humingi pa siya ng dispensa kanina kay nanay dahil tanging sarili at bulaklak lang ang nadala niya kanina.

Nagulat ako ng sumandal sa balikat ko si Joseph. Aalisin ko na sana ang ulo niya sa balikat ko ng nagsalita siya.

"Weird as it may sound, pero ikaw ang pahinga ko sa magulong mundo ko. Itanan na kaya kita?"

"Baliw ka ba? Traditional ang mga magulang ko, Joseph. Mabait lang sila talaga makisama sa tao kaya hindi sila nagalit."

Bumuntong hininga siya at muling nagsalita, "Pasensya na talaga at biglaan. Sobrang draining ng week na ito. Alam mo naman, huling linggo ng kampanya. Gustong-gusto kitang makasama pero may mga responsibilidad ako e. So when I woke up, naisip ko na puntahan ka. Libreng araw ko naman kasi din ito."

Hinayaan ko na lang siya sumandal sa balikat ko. Buti na lang medyo malalayo ang pagitan ng bahayan dito sa lugar namin kung hindi, baka laman na akong chismis kinabukasan.

"So siya pala ang bestfriend na manliligaw mo?" wika ni Joseph patungkol kay Chad.

Tumango na lang ako at marahil ay naramdaman naman niya.

"Close siya sa pamilya mo?"

"Oo, kabata ko kasi siya."

"Gusto kong sabihin sa kanya kanina na akin ka lang, pero wala pa akong karapatan. Nagseselos ako." wika niya ng may halong tawa. Alam ko na may kaunting kaseryosohan ang sinabi niya at dinaan niya lang iyon sa tawa.

"Huwag ka magselos. Para ko ng kakambal 'yong si Chad."

Hindi ko alam bakit mayroon sa aking pakiramdam na kailangan ko siya i-comfort sa pagseselos niya, kaya't ginawa ko iyon.

Nakita ko naman ang repleksyon niya na nakangiti. Napangiti na lang din ako dahil dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PinakomplikadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon