Tinotoo

14 1 0
                                    

Maaga akong pumasok ng trabaho dahil napakarami ko pang back lag na dulot ng mga political rally na sapilitan kaming pinapunta bilang empleyado ng tatakbong congresswoman Imelda Africa na siyang asawa ng may ari ng kumpanya kung saan ako nagtatrabaho.

Tulad ng inaasahan, may dumating na naman para sa akin na puting bulaklak. Isang piraso lang iyon na ilang-ilang ngunit humahalimuyak sa buong palapag namin. Alam na tuloy nila na may nagpabulaklak na naman sa akin.

"Friend, sino ba kasi iyang admirer mo. Today, he caught attention, not only yours but the whole floor! At saan kaya siya nakahanap ng ganyan?" tanong ni Liz, bookkeeper ng kumpanya.

"Alam mo, kung kilala ko siya, matagal ko na siyang sinabihan na tumigil."

"Fren, kung kilala mo iyan, baka naman ma-fall ka!" biro ni Erika, legal assistant.

Bago ko pa man makontra ang mga sinabi nila, dumating na naman ang isa pang walang palya bumisita sa opisina.

"Grabeng amoy yun!" wika ni Chad.

Napalingon si Chad sa bulaklak sa ibabaw ng mesa ko.

"Ano ba inaalayan niyang lalaking yan, patay? Grabe yung amoy!" pula nito.

"Sir Chad, selos ka lang kasi. Saka ang bango bango kaya at ang sweet sweet pa!" pagkontra naman ni Erika.

"Geez. Nahiya yung isang kumpol ng Santan ko." wika nito sabay patong sa tabi ng ilang-ilang sa mesa ko, "pasok na ko Jess. Bye, guys." 

"Ayiiiiie, selos ka naman sir Chad!" kantyaw pa ng mga kasamahan ko sa opisina.

Buong umaga akong sumubsob sa trabaho dahil napakadami kong dapat habuling deadline. Kung hindi pa ako lalapitan ni Erika, hindi ko napansin na tanghalian na. Dahil lunch out si Liz kasama ang manliligaw nito, si Erika lamang ang kasabay ko. Naguusap kami ng tungkol sa nalalapit na eleksyon ng makatanggap ako ng isang tawag. Hindi ko na sana ito sasagutin dahil unregistered number ito kaya lamang ay pabago-bago ng number ang boss ko dahil madami itong company issued devices.

"Hello?" tugon ko sa aking cellphone.

"So I'll pick you up later, Jessica?" wika ng caller.

Napakunot ang noo ko at iniisip ko kung sino ba ito.

"Oh, how rude of me! This is J, by the way!"

Pinanlakihan ako ng mata ang nagtataka na din si Erika kung bakit para akong tinakasan ng kaluluwa.

"Ano yun, Jess?" pabulong na tanong ni Erica.

"Ang J na nagpapadala sa akin ng mga bulaklak ay si Joseph Romulo..." wika ko sa sarili ko, sa kausap ko sa cellphone at sagot sa tanong ni Erica.

Mahinang tawa na laang ang narinig ko matapos ay I binaba na ng caller ang kanyang linya.

PinakomplikadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon