Mr. J

15 1 0
                                    

"Chad, ilang beses ko na bang tinanggihan ang mga bulaklak na bigay mo? Masasayang lamang ito..." wika ko sa kausap ko sa telepono.

"Ano gang sinasabi mo, Jess? Eto pa lang ang ibibigay ko sa iyo."

May isang bouquet ng pulang mga rosas ang tumambad sa aking harapan. Hawak ito ni Chad, ang makulit kong kaibigan na pinagpipilitang ligawan ako.

"Chad naman..."

"Jess, wala kang choice."

"Kulit mo, Chad. Ilang basted pa ba? At saka bakit andito ka? Hindi ba't may duty ka ngayon?"

Isang miyembro ng Philipine National Police si Chad. Halos kasing edad ko lamang siya at kaibigan ko na siya pamula pa lang noong elementarya. He's my bestfriend.

"E pumayag naman si Ninong chief e. Alam mo naman 'yon, number one fan ng love team natin!" sabi ni Chad habang kumakamot kamot pa sa batok niya.

Hay nako... Paulit-ulit ko ng sinabi kay Chad na matalik na kaibigan ang tingin ko sa kanya, nothing more. Pero heto siya, nagtyatyaga sa araw-araw kong pagtanggi sa kanya.

"Nagbreakfast ka na ga, Jess? May dala ako o. Iwan ko na lang at kailangan ko na bumalik sa istasyon."

Bago ko pa man muling matanggihan at tumalikod na ito at naglakad.

"Chad, kakainin ko to bilang bestfriend mo."

"Alam kong basted ulit ako, Jess. Hahaha." wika nito habang patuloy na naglalakad.

Isinantabi ko ang mga binigay ni Chad at muling ininspeksyon ang isa pang bouquet ng mga puting rosas.

Kanino naman kaya galing ito?

Nakita ko ang isang card na nakasingit sa gitna ng boquet. Medyo nasa ilalim ito kaya't nahirapan pa akong kunin ito.

"Have a good day, Jessica. - Mr. J"

Sino naman kaya itong, Mr. J na ito?

PinakomplikadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon