Sundo

22 1 0
                                    

Ika-limang araw na pamula ng unang beses na makatanggap ako ng isang bouquet ng puting rosas sa misteryosong si Mr. J. Limang araw na ding may mga kung anu-anong dumadating para sa akin kasama ng iba't ibang puting mga bulaklak. Laging mula ito kay Mr. J.

"Alam mo, Jess, p'ede mong sabihin sa 'kin kung may ine-entertain ka na manliligaw. Para at least alam ko kung maghahapit ba ako." wika ni Chad habang nakaupo sa ibabaw ng aking mesa at ngumunguya pa ng mansanas.

Bukod pa sa aking mga officemates, nagtataka rin si Chad kung kanino ba nanggagaling ang mga dumadating na kung anu-ano para sa akin araw-araw. Minsan na ding inabangan ni Chad kung sino ang magaabot sa guard ng mga iyon ngunit hindi niya din iyon naabutan.

"Wala ka bang duty, Chad, at tambay ka ng tambay dito?"

"Alas diyes pa. Ayaw mo bang nandito ang pogi mong bestfriend slash manliligaw?"

"luh. Nananaginip ka na naman."

Sabay kaming tumawa ng maya-maya'y lumapit sa akin ang guard at may inabot na sobre.

"Hi Jessica,

My driver will pick you up today. Ihahatid ka niya pauwi. I heard overtime ka ngayon. I'm worried lang kaya pinapasundo na kita.

Mr. J"

"Sino ba yang Mr. J na 'yan? Alam mo, Jess, ako na lang susundo sa' yo. Hindi mo naman sinabi na OT ka ngayon."

"Huwag na, Chad. Kaya ko umuwi mag-isa."

"Sus. Papasundo ka lang dyan sa J na 'yan e."

"Nababadtrip na ko sa' yo ha. Umalis ka na nga. Shoo! Office hour na. Bye bye."

"Ang arte talaga." huling wika ni Chad bago namaalam sa akin at sa mga kaopisina ko.

Kilala na si Chad dito sa opisina. Even my colleagues are asking me kung bakit hindi ko sinasagot si Chad where in fact, sobrang tyaga nito and at the same time, matagal ko ng kilala. As I always tell them, he's my bestfriend. He's a family. He's a brother.

~

"Ma'am, may nagtatanong po sa baba kung anong oras daw po kayo maga-out?" tanong sa akin ng guard mula sa telepono.

"Sino daw po, kuya?"

"Driver daw po ni Mr. J. May secret admirere ka siguro, Ma'am. May pabulaklak na, may pasundo pa!"

Iba rin makashowbiz tong si kuya guard e. Talaga naman, oo.

"Ano ka ba, kuya? Wala! Sabihin mo na lang po nakauwi na ako. Hindi ko naman po kilala iyang Mr. J na iyan. Salamat po."

~

Alas nuwebe na at natapos ko na lahat ng gawain ko. Napagdesisyunan ko ng umuwi. Bumaba ako ng building. Agad naman bumati sa akin ang guard.

"Ma'am, nariyan pa din ang sundo niyo."

"hala, kuya. Sabi ko sa'yo sabihin mo e umuwi na ako."

"hindi po naniwala e." wika ni kuya guard habang binigyan ako ng awkward laugh.

"sige, kuya. Thank you. Ako na bahala."

Naglakad na ako palabas at tama nga si kuya guard. Nandoon pa din ang driver ni Mr. J.

"Good evening, Ma'am. Mahigpit na bilin ni Sir J na ihatid ko kayo at siguruhing makauwi ng maayos." wika nito sa puntong hindi taga-rito sa aming lugar. Marahil agency ang driver na ito.

"Kuya, makikisabi naman po kay Mr. J na kaya ko umuwi mag-isa. Saka isa pa, hindi ko po kayo parehong kilala. Kung gusto niya na masigurong safe ako, bakit hindi siya ang pumunta dito? Nay pabulaklak at pagkain pa siya. Nagsasayang lang siya ng panahon sa akin kuya."

"Ma'am, gusto niyo ba akong maalis sa trabaho?"

"hindi. Pero gusto ko lubayan niyo ako. Hehe." sabi ko ng medyo prangka pero pabiro.

"ganito na lang, Ma'am, kung talagang ayaw niyo magpahatid, convoy na lamang po. Ok lang po? Pasensya na, ma'am. Kilala ko si Sir J. Matagal na ko sa pamilya nila pero hindi puwedeng hindi ko sundin ang gusto niya."

"bahala ka, kuya" huling wika ko bilang pagsuko sa argumento.

Pumara na ako ng tricycle at ramdam kong sumunod na nga ang sasakyan habang byahe. Kabado ako dahil dito pero tulad nga ng sinabi ng driver ni Mr. J, siniguro niya lamang na nakauwi akong mabuti.

"Please don't be to hard sa driver ko. Have a goodnight, Jessica."

PinakomplikadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon