Trip na Seryoso --1

53 1 0
                                    

------------

CHAPTER 1

APOLLO'S POV

Gwapo? Matalino? Hot? Oo. Sanay na kong tinatawag nang ganyan lalo na sa school namin. Yun bang tipong, kapag dadaan kasa hallway eh, nagtitilian na ang mga babae? Normal na sakin at sa tropa ko yan.

May magagawa ba kami? Eh sa biniyayaan kami ng mga gwapo na mukha! (taas ng self confidence ko!) hehe. Pero minsan,  iniisip ko. Ano kayang pakiramdam na maging simple lang? Yun bang Boy Next Door lang ang peg?

Hay. Lutang nanaman ako. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase ko. Ayst. Wala na namang pumasok sa utak ko! Malapit na naman yung examination namin >.<

Sa sobrang fraustration ko, dumiretso na ako ng uwi. Yes. Last period kasi namin ang Chemistry. Kaya after the bell rings, dismissal na. Gutom na rin ako. Hays. Ang dami ko namang dinaramdam! >.<

Pagkauwi ko sa bahay,naamoy ko agad ang pinaka masarap na amoy sa buong mundo! Ang lutong Sinigang na Baboy ng lola ko! Yay! ^^

"Lola, I'm home"

"Oh, Pol. Kamusta school? Gutom ka na ba? Halika kumain na tayo." malambing na sabi ni Lola Lisa saakin.

Sobrang close ko ang lola ko. Infact, sa edad kong 16. Baby nya pa rin ako. Sa kanya ko lang kasi nararamdaman yung kalinga ng isang ina simula nang iwan ako ng mama ko para mangibang bansa since I was 5 years old. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya bumabalik ng Pinas.

Sobrang mahal ko ang mamako. Kahit na hindi ko ramdam yung pagmamahal niya sakin. Kahit na mas paborito niya ang bunsong kapatid ko na si Enzo. Mahal ko parin yun.

Hay. Kung ano-ano nanaman ang iniisip ko! Naghihintay na si Lola sa baba para makakain na kami. Ang sabi ko magpapalit lang ako ng damit. Aish. I'm lost again -.-"

Bumaba na ako para makakain na kami ni Lola. Sakto ayos na yung lamesa at ready to eat na kami.

"Mukhang pagod ka Apo ha?"

"hindi naman po Lola. Traffic lang po kasi kanina pag uwi ko. Uhm. Nainitan lang siguro ako ng sobra."

"Ok ka lang ba? Bakit parang namumutla ka?"

"U-uhm. Opo naman lola! Never been better" at nag fake smile na lang ako.

Binigyan lang din ako ng tipid na ngiti ni lola na may halong pag aalala. Hindi na ako nagsalita at kumain na kami.

After dinner, nag sabi na ako kay lola na magpapahinga na ako. humalik ako sa ppisngi nya at nag Good Night pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon. Hidi ko nga na.enjoy yung sinigang kanina eh.

Nahiga ako sa kama at napaisip ako nang biglang masagi sa paningin ko ang kalendaryo. November 30 na pala.

"Tatlong araw na lang, birthday ko na pala." malungkot kong sabi habang unti unting pumimipikit ang mga mata ko..

Trip na Seryoso (Ongoing ^^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon