Well, hindi na ako magtataka kung hindi ko sya kilala. Hindi naman ako pala explore ng campus. Madalas din kapag breaktime, nasa room lang ako at nakikipag kwentuhan sa bestfriend kong si Aiza. Julyza D. Dela Cruz or Aiza for short. Siya na ang kasa-kasama ko since my first year sa campus na ito. And hanggang ngayong matatapos na ang taon ng pagiging highschool student ko ay kasama ko parin siya.
Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa ako nagsasawa sa itsura non eh? Almost 4 years ko ba naman kasama at halos katabi ko palagi eh.
Anyways, eto na. Malapit na kami sa kinatatayuan nila bryan when Sam called him.
"Apollo! Nice to see you--" at natigilan siya sa pag harap nung guy.
"--in a mess." at sabay ngisi niya na parang pinipigilang ang tawa.
"Such a mess kamo. Pagmadaliin ba daw kasi ako nung isa dyan!" pinariringgan nya si Nathalia na natatawa tawa din sa reaction ni Sam.
"It's not my fault so do'nt blame me!" counter part naman ni Nats.
halatang napipikon na si Apollo. Haha! Nakakatuwa pala siyang maasar? Pikon siguro 'to! Pero I have to admit, mali ang imagination ko sa itsura nitong lalaking ito. I take it back. hindi naman pala siya mukhang bakulaw. Slight lang! HAHAHA!
"What are you starring at, is there a dirt in my face?" tanong sa'kin ni Pol.
"H-ha? Ahh.. Ehh..." bakit ba ako nauutal? Ano ba? Get a grip of your self irene! "Ang pangit kase ng itsura mo. hindi ba uso mag suklay bago pumasok? Be presentable nga!" pagtataray ko.
Bigla siyang ngumiti.
"Ang sungit naman nito. First time kong makakita ng babaeng ganyan ako i-aproach ah? Ang wierd mo!" biglang smirk niya.
"Eh bakit ba? Seriously, wala ba kayong salamin sa bahay niyo?"
"Gwapo pa rin naman ako. Wag ka ngang mag sungit! Pumapangit ka ehh" at kinindatan ako!
Aba! Anong akala nitong lalaking 'to? Easy to get ako? EXCUSE ME! hindi ako katulad ng mga babaeng nagkakandarapa pa para lang sa atensyon niya! Pero bakit ganon? Feeling ko ang init ng mukha ko!! Mygaad! NOOOOOOO!! >.<
"I'm Apollo" he offered his hand for a handshake and gave me his sweetest smile.
Ayyy? Ayy? Mag pa cute ba dw si koya? in fairness, cute naman talaga siya! Wait! Wait! Ano ba naman 'tong iniisip ko!
"I'm Irene" and we shook hands.
"Ahm.. Apollo?"
"Yes?"
"Yung.... Kamay ko?"
"Oh.. S-sorry!"
Silence
Silence
Silence
Ano ba? Nakakabasag eardrums naman 'tong katahimikan! Nagkatitigan kami ni Apollo for I do'nt know how long. Pero bakit ganon? Bumibilis ang pagtibok ng puso ko?! It's skipping a beat!!
After a moment of starring at each other, Nats broke the silence.
"Oyy.. Ano yan ha? Eye to eye? PBB TEENS?!"
"Shut up Nats..." sabi ni Pol na medyo namumula mula pa. Hehe! Ang cutee! ^^
"Guess I'd better be going. Hindi pa ako nakakapag breakfast and I'm starving!" sabi niya samin.
at umalis na siya.
BINABASA MO ANG
Trip na Seryoso (Ongoing ^^)
RomansaAnong gagawin mo kung naka pangako ka na sa past mo ng FOREVER? Are you willing to break that promise when the Right One comes? Paano pala kung yung pangt.trip mo sa kanya sa umpisa ay maging seryoso na? Will you give in? This is a story about a cou...