Trip na Seryoso --10

10 0 0
                                    

APOLLO'S POV

At eto na nga. Tapos na ang klase at pinapatawag ako ni Ma'am sa faculty. Kakausapin niya daw ako. Tss. Bakit na naman kaya? Dahil ba sa "Late" ako sa klase niya kanina? Hay ewan. Bakit ba ako kinkabahan? Wala lang yun. Tss.

Papasok na ako ng faculty nang may nakabangga akong babae sa may pinto. Nahulog ang mga dala niyang gamit.

"Ay miss. Sorry" tinulungan ko na siyang kunin yung mga gamit na nalaglag niya.

Nakakapag taka naman at hindi niya kinuha yung mga gamit niya.? Baliw ba tong babaeng to?

Iaabot ko na sana yung mga pinulot kong papel at nagulat ako sa nakita ko sa pagtayo ko.

"IRENE?!"

"APOLLO?!"

Sabay pa kaming napasigaw at napatingin lahat ng teachers na nasa loob ng faculty saaming dalawa.

"Hanggang dito ba naman sinusundan mo ko?" mariing bulong sakin ni Irene.

"Ikaw? Susundan ko? At bakit naman? Tss. Patawa ka ah?"

"eh anong ginagawa mo dito?!" ang cute niya talaga maasar! Haha.

"Bakit, ikaw lang ang estudyante na allowed dito sa faculty? And besides, pinapatawag ako ni maam D."

"Maam D.?" aba't may pagka ignorante din pala tong babaeng ito ano?

"Bahala ka na nga diyan."

Iniwan ko na siya at ngapunta sa table ni maam.

"Carngal, ikaw pala. Si Gonzales nasa labas pa ba? Pakitawag naman oh."

"Maam, akala ko ba kakausapin mo ako? Tapos uutusan mo lang akong tawagin yung babaeng yun?"

"Just do it!" nagalit na ang monster. Haha xDD

Lumabas ako at hinanap ko si Irene.

Hanap.

Hanap.

Hanap.

Bingo!

Nasa may tapat siya ng garden ng school. Napaka hilig siguro nito sa halaman?

"Pst! Ms. Sunget! Tawag ka ni maam!"

Habang naglalakad kami papuntang faculty ay binulungan ko siya..

"Gonzales pala ha? Ngayon alam ko na!" sabay kinidatan ko siya. Haha! Namula nanaman siya! Ang cute cute! :">

Pagdating naming dalawa sa table ni maam..

"Sit down. The both of you." at dali dali naman kaming umupo.

"Maam ano ba to? Bakit nandito siya?" tanong ni Irene.

"Teka ha? Mag papaliwanag muna ako."

Hay nako. SONA na naman ito. Mahaba-habang diskusyon! Nag umpisa nang magsalita si maam at nakinig na kaming dalawa.

"Apparently Mr. Caringal, you have a very bad start and a very very bad ending. Bagsak ka na sakin nung second quarter, alam mo yun. Kaya kung babagsak ka pa sakin ngayong third quarter, malaki ang chance na maging repeater ka."

"So anong kinalaman ni Irene dito?" nagtatakang tanong ko.

Actually, hindi naman ako natatakot eh. Dahil alam ko namang kaya lang ako bumagsak sakanya last quarter eh dahil sa napabarkada ako kela Ken.

"Magiging tutor mo sya."

"WHAT?!" Pareha kaming napasigaw.

"Thats final"

Actually, hindi ako nagulat. Chance na to! =D

Trip na Seryoso (Ongoing ^^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon