TNS --12

7 1 0
                                    

A/N: sorry for the super long updates. Haha. Busy busyHan lang kase. Hehe. Kung saan saang universities ako napapadpad kaya hindi ako makapag update kaagad.

Ngayon po sinasabi ko na, VERY SLOW po ang UPDATES ng TNS dahil nagreready na po kami for college. Kaya po OUR BIG BIG BIG APOLOGIES are being sent. Hehe!

----------

Nag bell na hudyat ng recess namin.

Asan na kaya si Aiza? Gutom na gutom na ako eh! -.-

Paglabas ko ng classroom may biglang tumawag sakin.

"Gonzales pala ah?" At nag smirk pa siya -.-

"Anong ginagawa mo dito mokong ka?! Diba mamaya pang uwian ang tutor session natin!?"

"Eh. Masama bang tumambay dito?"

"Oo masama."

"So pagmamay-ari mo na pala tong school ngayon?"

Uuugghh! Nakakainis na tong mongoloid na to ha? Pag ako napuno, mangangain ako ng tao ng wala sa oras! >.<

"Tara, lunch tayo? Treat ko na."

Wow? May anghel bang dumaan at biglang ang bait ni Apollo sakin? O.o

"Sinong anghel naman ang sumapi sayo?" Sarkastiko kong tanong.

"Ayaw mo? Edi huwag! Tipid din yun. Dyan ka na. Bye!" Sabay tumalikod na si mr. Gwapo este si mr. Sunget at naglakad pababa ng canteen.

Ayaw ko nga ba? O, ayaw ko lang kase sya kasama ko? Isang campus hearthrob, yayayain akong mag lunch? At treat nya pa? Hondi. Ayoko!

Pero gutom na gutom na talaga ako. Wala din naman akong pera dahil sa dami ng binayaran namin kanina... Ano ba yan? T.T

"Mr. Sungit! Sandali!"

"Susunod ka din pala eh. Pinag hintay mo pa ko." At inakbayan niya ko.

"Ano ba? Maka chansing ha? Close tayo?" Inalis ko ang pagkakaakbay niya.

"Ang chix mo ah? Ikaw na nga ililibre, ikaw pa maarte?"

MAARTE? Hindi ako maarte no! Ayoko lang naman kuyugin ng mga babaeng kanina pa ang sasama ng tingin saakin! I mean. Seriously, parang isa pang galaw ko susunggaban na nila ako at lalapain. Yikes!

"Ano gusto mong kainin ms. Maarte?"

"Kahit ano. Hintayin na lang kita sa table."

Lalayo na sana amo pero hinawakan nya ang kamay ko at niyakap ako *>.<*

"APOLLO ANO BA?!" Sigaw ko habang kumakawala sa yakap niya.

"Wag ka ngang sumigaw!"

Grabe. Naiinis na ako! Ayoko pa man ding mainis ng sobra. Naiiyak ako kapag ganun. Haaay. Irene kalma. Inhale, exhale. One, two, three.

Kalmado na ako ng maramdaman kong pinagtitinginan na kami ng mga students sa canteen.

"Gahd, yan ba sya? Yung lumalandi kay Pol?"

"Oo siya nga yan. How pathetic."

"Balita ko siya na sinusuyo ni Pol pero siya pa natanggi. Ang arte. Pabebe pa eh?"

Hindi ko na kinakaya ang mga naririnig ko. Naluluha na ako. Di ko na kaya.

Kung makapag salita naman sila parang kilala nila ako!

Hindi ko na tiniis ang mga naririnig ko sa canteen. Tumakbo na ako palabas at umakyat sa may classroom namin. Grabe. Ang sakit nila makapag salita. Ganyan na ba talaga sila ka obsessed dyan sa Apollo na yan? Feeling pogi lang naman siya! Pikat!wala namang laman ang kokote! Pwe! I feel sorry for those girls. Pero grabe ang sakit talaga.hindi man lang ako ipinagtanggol ni Pol <//3

Trip na Seryoso (Ongoing ^^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon