Catching Up

3K 70 1
                                    

Ang malamig na hangin na umiihip ay tugma lamang sa sikat ng araw na meron ngayon. Kasama ni Jia ang pamilya nya para sa family outing bago matapos ang Holiday Break. Mababanaag din naman ang saya sa mukha ng dalaga ngunit hindi maitatanggi na may pagkakataon na tatahimik nalang s'ya at kasunod na titingnan ulit ang kanyang mobile phone kung may message or tawag mula sa taong hinahanap-hanap nya mula pa nitong mga nakaraan. Kasabay nito ang malalim na buntong hininga matapos ng pagkadismaya.

Tahimik s'yang nauupo ngayon at pinagmamasdan ang telepono. Pinili nya na mapag-isa muna dahil ayaw nya naman na mag-alala sakanya ang family nya. Baka kapag nakita nyang ganito ay masira ang lakad nila at siguradong ayaw nya namang mangyari 'yon.

Hindi lahat ng bagay ay maitatago nya sa kanyang pamilya, kung ano man ang gumugulo sakanya ngayon, hindi nya ito magagawang maitago sa taong pinaka malapit sakanya.

"Hindi ata nag-eenjoy ang anak ko sa lakad namin ngayon, huh?" Sapat na ang boses ni Papu para makuha ang atensyon ng anak. Naupo s'ya tabi ng anak, ipinatong sa kanyang balikat ang ulo nito at yumakap naman si Jia sa kanyang bewang.

"Hindi naman sa ganun, Papu." Pagsisimula nya. Halata parin ang tamlay sa boses ng dalaga na sinundan ulit ng pagtingin sa kanyang telepono at tila ba hindi nawawala ang malalim na buntong hininga kapag ang atensyon nya ay nababaling sa hindi pagpaparamdam ni Bea.

"Hindi ko inasahan na magiging ganito, I thought dahil close naman kami, magmemessage s'ya or kahit na ano, namimiss ko s'ya ng sobra, Papu. Hindi pala. Mukhang ako lang ang nakakaramdam ng ganito. Hindi s'ya."

"Baka naman may dahilan? Tsaka bukas naman start na ulit ng training nyo 'diba? Magkakasama na ulit kayo."

"Naiintindihan kung special sa'yo si Bea, 'nak. Pero, alam mo, gusto din namin na sulitin mo 'tong pagkakaraon na 'to para makapaglaan din ng oras para sa amin. Minsan lang 'to. Hindi na natin ulit alam kung kelan ito mangyayari ulit. Pwede bang kami naman muna ang isipin mo? Ikaw din, baka magselos kami kay Bea nyan. Haha."

"I'm sorry, Papu." Ipinalupot nya ang kanyang braso at sabay inaya nya ang ito pabalik sa kinaroroonan ng ibang pa nilang kasama.

♡♡♡

Nabalot na ng kadiliman ang paligid. Agad nang tumuloy si Jia sa kanyang kwarto dahil sa pagod na rin sa ginawa nila buong araw. Matapos ang pag-uusap nilang mag-ama ay naging maayos naman na ang kanyang pakiramdam. Hindi na muna nya inisip si Bea at itinuon nalang ang lahat ng attensyon sa kanyang pamilya.

♡♡♡

BEA

Kamusta na kaya si Jia? Mga ilang araw din ang lumipas na hindi ako nakapaglaan ng oras para sakanya. Habang nasa Hongkong ako kasama sina Ate Ly ay hindi ko nagawang tawagan o i-message s'ya. May mga dahilan ako kung bakit ko ginawa 'yon. Pero sana hindi naman 'yon maging dahilan para magbago ang pakikitungo nya sa akin.

Noong paalis palang kami, ramdam ko ang pagbabago sa mood nya. Hindi ko alam ang iniisip nya. Wala rin naman akong lakas ng loob na magtanong dahil baka maging malabo din ang usapan. Isa pa, hindi talaga kami makakapag-usap ng maayos dahil na rin hinahabol namim ang oras. Ang ilang araw na hindi ako nagparamdam sakanya ay paraan ko 'yon para bigyan s'ya ng pagkakataon para mag-isip.

Binuksan ko ang aking IG account at tiningnan ang page ni Jia. Nakakamiss din 'tong Panda na 'to. Napaisip ako.

Sorry huh? Nagtatampo ka na ba sa akin? Bawi ako sa'yo. Namimiss na kita. Can't wait to see you my Panda.

Hmm. I have an idea.

♡♡♡

Time Checked: 4 o'clock in the morning.

UnconventionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon