Adversity

2.1K 57 7
                                    

Isang linggo ang lumipas matapos iwanan ni Jia ang team. Hindi na katulad ng dati ang atmosphere habang practice. Lahat sila hindi parin naiiwasan na hindi malungkot. Gizelle took Jia's place as a setter ng Lady Eagles. Gi is good, but, kahit s'ya mismo, nalulungkot sa kinalalagyan nya ngayon. At kung meron man na 'mas' pa ang nararamdaman ng lahat-lahat sakanila, it's BEA. Sa bawat taong papasok sa Blue Eagle Gym, umaasa s'ya na si Jia ang taong 'yon. Nasasaktan s'ya sa ginawang pag-iwan ni Jia pero hindi nya maikakaila na hinahanap n'ya ito.

♡♡♡

Pagod na ang lahat kung kaya't pagkarating na pagkarating nila sa Eliazo ay nagpahinga na ang mga ito. Tahimik na pumasok si Bea sa kanyang room at bawat sulok nito ay nagpapaalala sa lahat ng mga pinagdaanan nila ni Jia.

Sa sofa na kung saan nakatulog s'ya habang hinihintay si Jia na makauwi noong may lakad ito kasama si Miguel.

Ang study table ni Jia kung saan madalas nya itong tingnan habang ang isa ay abala sa mga school papers na tinatapos.

Ang maliit nilang kitchen na kung saan nagluto si Jia ng kanilang breakfast after ng kanilang morning training. Bawat sulok ay bawat diin sa kanyang kalooban na ngayon ay hanggang pag-alala nalang ang pwede nyang gawin dahil bumitaw na si Jia. Hindi inakala ni Bea na magiging ganito ang kanilang kalalabasan. Nagsisimula palang sila sa pwede nilang kahantungan pero wala pa man sa kalagitnaan, naiwan na si Bea sa ere.

Bumaling s'ya sa kinaroroonan ng kanilang kama. Naalala nya ang huling pangyayari sa partikular na lugar na ito, that magical moment. Nang maisip nya 'yon ay hindi na n'ya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Kung ang lahat ng sakit na nararamdaman nya ay maidadaan sa pagtangis, hindi nya masisiguro kung hanggang kelan s'ya masasaktan at iiyak ng ganito.

"Ito ba ang konsepto ng pagmamahal mo, Jia?! Ano ang gusto mong gawin sa akin?! Matapos mong sabihin na mahal mo ako, heto ako.. nag-iisa. Iniwan mo 'ko! Naging matapang ka na sa ginawa mong pag-amin sa kung ano ang nararamdaman mo para sa akin, sana naging matapang ka na rin na harapin natin ito ng magkasama! Pero hindi! Hindi pa man natin nasusubukan, umayaw ka na!"

"Kung natatakot ka sa pwedeng mangyari, ako din Jia! Pero, willing akong gawin at harapin ang takot ko, just to have you, Jia!"

Nakaupo na ngayon si Bea sa isang sulok ng kanilang kwarto. Hindi parin tumitigil sa kanyang pag-iyak. Ang liwanag ng kwarto ay nagpapakita ng kadiliman na kinaroroonan ngayon ni Bea. Hindi nya lubos maisip kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay na 'to sakanya. Pero kung ano man ang dahilan sa mga pangyayaring ito, hindi na 'yon ang mahalaga. Nasasaktan s'ya dahil sa isang tao, pero alam n'ya sa sarili n'ya, ang taong din ito ang kailangan n'ya para maging maayos ulit s'ya.

Kinuha nya ang kanyang mobile phone and search for Jia's number. Ito nalang ang pwede n'yang gawin sa ngayon.

I hope you decided to stay. Hindi ko alam kung ano nga ba tayo. Isa lang ang sigurado, gusto kong bumalik ka. Iyon ang sinasabi sa akin ng puso't isip ko.

Message sent.


Sorry for the very short update. Bawi ako sainyo next chapter. Thank you pala sa lahat ng nagtyatyagang basahin ang story ko. Every comment and vote motivates me to continue this story. Thank you ulit!

UnconventionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon