Magic

3.6K 78 11
                                    

"Happiness can be found even in the darkest of times if one only remembers to turn on the light."

-Albus Dumbledore

Hindi natin inaasahan kung sino ang magdadala ng liwanag sa ating buhay sa pinaka-madilim na parte nito. Marahil, isa 'yon sa mga paraan ni God para ating mapagtanto na ang taong dumadaan-daan lang sa ating paligid ay ang taong kinakailangan natin para manatiling matatag kahit ano pa man ang dumating. As for me, nakilala ko na ang taong 'yon. Napangiti ako dahil na rin pumasok nanaman s'ya sa aking isipan at maliwanag kung nabubuo ang kanyang maamong mukha sa aking imahinasyon. Maganda s'ya. Hindi lang ang panlabas nyang katangian ang magpapatunay n'yan, kundi higit na ang nilalaman ng kanyang kalooban.

"So I guess I'll go to bed early 'coz my roommate is busy on her Harry Potter thing, huh?"

Ang pagbasag nya ng katahimikan ang nagbigay daan para maputol ang imahinasyon na kanina pang lumalamon sa aking buong sistema. Nakakatawang isipin na kasama ko na s'ya ngayon pero s'ya parin ang tumatakbo sa isip ko. Inilagay ko ang aking aklat sa aking tabi at tinawag s'ya para maupo sa tabi ko.

"Come here, Bei. Next time nalang ulit ako magbabasa."

S'ya lang ang kaisa-isang taong nakakapagpatigil sa akin na magbasa ng paborito kong nobela. Hindi ko alam kung bakit pero I think mas ma-e-enjoy ko ang maglaan ng oras with her kesa sa magbasa.

Naupo na s'ya tabi ko and I decided to sit on her lap and put my two arms around her neck while looking straight to her eyes. She's smiling at ipinalupot ang kanyang kamay on my waist. Walang mga salitang binabanggit, we're just looking at each other's eyes at the same time, smiling. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang pisngi and I gently kissed her right cheek at saka bumalik sa aming ayos.

Being so sweet to each other are already part of our everyday routine. Kahit na abala kami sa pang-araw-araw na gawain being a Student-Athlete, we always have time to have a moment like this we're having right now.

"Jia, what's with Harry Potter at gustong-gusto mo s'ya? I mean, parang masyadong pambata ang movie na 'yon, pero, you're a Potterhead talaga eh noh? Can be seen on your timeline."

Nag-isip ako, bakit nga ba? Is it because of the superb visual effects? The magic spells? The crazy gestures or humors of the Weasley's? I dunno.

"I really wanted to give you the best reason why I'm into it, Bei. Pero siguro, the story itself is really good talaga, for me. You know, an orphan, it is not easy maging ganun, Harry lost his parents at a very young age, despite all these, nagpakatatag s'ya. Well, his parents died to fight against the evil plan of Voldemort. He is being labelled as the 'Chosen One', the only wizard who can stand against the bad side. But as a kid, he cannot do all these things without the help of his friends. Sorry huh? I know wala kang ideya sa mga bagay-bagay na sinasabi ko, napahaba ang litanya ko. Haha. Bored ka na ba?"

"I must admit na wala talaga akong ideya sa story n'yan but it doesn't mean that I find it boring. Telling all these things to me, you know, I like the idea, mas nakikilala kita at 'yan ang dahilan para makinig sa'yo kahit na nga ba I am not a Potterhead. Maybe J.K. Rowling needs to cast another spell to convince me to read her novel. Haha."

"Hmmm. Magic spell? Ano nga kaya para basahin mo na 'to? May alam na 'ko. HAHA."

"So, spill it out."

Just the thought of what I'm thinking makes me laugh so hard at the same time, nakakahiya. Pero mukhang wala na akong choice kundi sabihin ito. She's waiting for my reply. Hindi ko na ito magagawang maitago sakanya. Sige na nga, sasabihin ko na.

"The magic spell is.... Don't laugh at me, okay?!"

"What?!"

"Me! JIA MORADO!"

UnconventionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon