Hide and Seek

3.2K 75 1
                                    

Sa nakaraang dalawang araw ay nagkaroon kami ng dalawang magkasunod na laro. Isa, laban sa Malaysia kung saan kami ay nanalo. Pangalawa ay sa Indonesia, talo. Pero okay lang. Ginawa namin ang lahat. Tsaka kontento naman kami sa pinakita namin. Hindi kami basta-basta nagpatalo.

Nakapaglalaan din ako ng oras para makipag-bonding sa mga teammates ko. Pero most of the time, kay Bea. Nakakatawa nga si Mich eh. Nagtatampo na. Parang nakikihati daw sila para sa oras ko. Ang drama! Haha. Ngayon, free day namin. Kailangan ko daw bumawi kay Mich kaya magkasama kami para mag-ikot-ikot. Nakakatuwa naman s'yang kasama.

♡♡♡

BEA

Papunta ako ngayon sa room nina Jia. Aayain ko s'ya na lumabas at sabay bili na rin ng mga pasalubong for Mom and Dad. Oo nga pala, si Kuya pa pala.

Nasa harapan na ako ng kwarto nina Jia, sana hindi pa s'ya naaaya ng iba naming teammates. Pero kahit na. Basta. I'm going to spend this day with Jia. By hook or by crook!

Doorbell.

Pinagbuksan ako ni Ate Kim, malas lang. Naunahan ako ni Ate Mich. Luckily sinabi nya saken kung saan sila nagpunta. Masaya 'to. Sorry, Mich. Ikaw man ang kasama ni Jia sa pagsisimula ng araw na 'to, ako parin ang makakasama nya hanggang sa matapos ang araw na 'to!

♡♡♡

"Look, Jia! Super cute ng Lilo and Stitch, oh. Teka, dyan ka lang huh? Wag kang aalis. Lagot ka saken kapag nawala ka."

Abala ngayon si Mich sa pagtingin sa mga Lilo and Stitch stuffed toys. Habang ako, heto, nakatanga. Ang tagal-tagal naman n'ya. Nakakainip.

Naisipan kong tingnan ang phone. Grabe! Wala naman nakaalalang i-text ako. Binalik ko nalang ang phone ko sa bag nang biglang..

May humawak sa waist ko at tinakpan ang bibig ko. Hila-hila nya ako ngayon sa kung saan man. Wala akong ideya kung saan ako dadalhin ng taong 'to. Hindi ko magawang tingnan kung sino ang humablot saken na ngayon ay may full control na sa akin. Kinakabahan ako.

Hinila nya ako dito sa isang sulok kung saan medyo may kalayuan na kay Mich. Hawak-hawak nya parin ang katawan ko at nakatakip parin ang kamay nya sa bibig ko. Nang masiguro nyang hindi na kami makikita ni Mich ay bumitaw na s'ya. Agad akong humarap para malaman kung sino man 'tong taong 'to. Sa pagharap ko sakanya ay nagulat ako.

"BEA?!"

"Shhh. 'Wag kang maingay."

Nasa harapan ko parin s'ya at tila may tinatanaw. Siguro, tinitingnan nya kung naitakas na nya ba ako mula kay Mich.

"Anong trip-"

Bago ko pa man maipagpatuloy ang aking itinatanong ay tinakpan nya ulit ang bibig ko. Nilagay nya ang kanyang daliri sa labi nya para patahimikin ako.

"Jia? Jia? Nasaan ka na?"

Ngayon ay pinipigilan ko ang sarili kong tumawa. Halata sa boses ni Mich na naiinis ito pero may halong pag-aalala na rin. Hindi ko s'ya masisisi. Bigla ba naman akong nawala.

Mula sa isang sulok na kinaroroonan namin ngayon ni Bea ay natatanaw namin si Mich. Palinga-linga ito at sa 'di mapaliwanag na kadahilanan ay, ang dating sa akin ni Mich ay nakakatawa. Pigil na pigil na rin si Bea sa kanyang pagtawa. Lakas naman kasi ng trip nito.

Akmang lilingon si Mich sa kinaroroonan namin dahilan para yakapin ako ni Bea ng mahigpit.

Saktong-sakto sa leeg nya ang mukha ko. Sa sobrang higpit ay lumapat na ang bibig ko sa leeg nya. Medyo awkward pero, ayos lang. For some reason, naeenjoy ko 'to.

UnconventionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon