Mahigit dalawang taon na noong sinagot ko si Miguel matapos ang ilang buwan nya rin pagsusuyo sa akin. Mabait naman s'ya. Nariyan din ang respeto ang paggalang sa mga desisyon na ginagawa ko. Hinahayaan nya lang ako na gawin ko kung ano sa tingin ko ang nararapat. May mga bagay-bagay kaming hindi napagkakasunduan ngunit agad naman namin itong napag-usapan. Masaya ako sakanya. S'ya nga pala, ako nga pala si Julia Morado. Jia nalang, mas simple. Hayaan nyo akong dalhin sa isang kwento ng pag-ibig na hindi ko inaasahan na darating sa akin.
BINABASA MO ANG
Unconventional
AléatoireMahirap magmahal. Mahirap. Masakit. Paano nga ba kung ang isang bagay na makakahilum ng sugat sa puso mo ay isang pag-ibig na iba sa pangkaraniwan? Bibigyan mo ba ito ng pagkakataon na umusbong? O pipiliin mong itigil na at patuloy nalang masaktan?