Beginning

6K 82 3
                                    

Panghuli na namin ang subject na 'to for today ngunit hindi pa magtatapos ang mga kailangan kong gawin. Practice naman ang aking aatupagin pagkayari nito. Isang bagay pa, special day namin ngayon ni Miguel. 3rd Anniversary. Simple lang naman ang pag-celebrate namin ng araw na 'to. Magkasama lang kami, okay na 'ko.

♡♡♡

"Jia! Papunta ka na ba sa training naten? Sabay na tayo!" Napalingon ako sa kung sino ang tumatawag sa akin. Si Mich pala. Ikalawang taon na pala namin ito bilang miyembro ng Senior Volleyball Team ng Ateneo. "Okay! Bilisan mo, male-late na tayo." Sagot ko kay Mich na ngayon ay ilang hakbang nalang ang layo nya mula saaken, pilit na hinahabol ang hininga. Kailangan na namin magmadali. Isa kasi sa mga bagay-bagay na hindi mo pipiliing gawin ay ang ma-late sa training. Mahigpit si Coach Tai. Lalo na sa oras. Kung kaya't ang katumbas ng pagiging late ay tatlong ikot sa oval na madalas nadadagdagan pa.

"Anniversary nyo ni Miguel ngayon 'diba? Anong plano?" Tanong sa akin ni Mich.

"Dinner lang after training. Alam mo naman na limitado lang ang oras pagdating sa social life natin 'diba?"

"Ganun na nga, tama ka. Alam mo, bilib din ako sainyo ni Miguel. Kahit napaka-simple lang, masaya na kayo. Ipagpatuloy nyo lang 'yan, huh? Pag-igihan."

Napangiti ako sa sinabi ni Mich. Kung tutuusin ay tama nga naman. Hindi kami ang tipo ni Miguel na magpapaka-bongga ng celebration para lang i-emphasize na special day namin ngayon. Magkasama lang kami, enough na.

"Syempre! Ayoko ata na mapunta pa si Miguel sa iba. S'ya na ang gusto ko."

Hindi namin namalayan ni Mich na nasa BEG na pala kami dahil sa aming pagkekwentuhan. Training time na. Kaagad kong inilagay ang mga gamit ko sa locker at tumuloy na papunta sa court. Kami lang ang nagpa-practice ngayong hapon.

On time ang lahat, maging ang aming mga rookies. Sino ba naman ang gugustuhin ang magmukhang parang timang dahil tatakbo ng mag-isa sa oval?

"Everyone. We will just be doing our light training as instructed by Coach. Ayos ba 'yon?" Masiglang pambungad ni Ate Ly.

"Light training? Ayos na ayos!" Ngiting-ngiting sagot ni Ate Ella.

Kapag ganitong light training, usually mga conditioning lang at wala masyadong nakakamatay at paulit-ulit na pag-perfect ng mga plays. Tama si Ate Ella, it will be good kasi mas mahaba ang oras to spend time with Miguel.

♡♡♡

Katatapos lang ng training namin. Everyone are excited to take their well-deserved rest and others will gonna do their homeworks. Ako? Heto, pumipili ng susuutin ko for my date this evening.

"Babe, ready for tonight? Gonna pick you up at 9 o'clock, okay?"

Napangiti ako habang binabasa ang text ni Miguel. With that very simple message, bentang benta na kaagad sa puso ko. Wala naman mali doon diba? Mahal ko eh. Tiningnan ko ang oras, meron pa akong isang oras para mag-ready. Okay na 'yon. Hindi naman ako ganun katagal kumilos eh.

I decided na maging super casual nalang ang suot ko. Trip ko 'yan and Miguel doesn't have any problem with it naman eh. Now I'm ready and it's quarter to nine so.. Saktong sakto. Kontento na 'ko sa get-up ko. Simple sleeveless topped with three fourths with a not so sexy shorts. Kabog!

Bumubusina na ang sasakyan ni Miguel sa harap ng dorm namin. Nagpaalam naman ako kay Bea who happens to be my roommate.

"Be careful, Jia. Enjoy!"

"Sure, Bei. Thanks. By the way, are you serious when you said that you're going to wait for me hanggang sa makabalik ako?"

"Yeah. Why?"

"Nothing. Sige. Alis na 'ko."

Tumayo si Bea at pinigilan ako sandali. Pinaharap nya 'ko sa kanya at sinabi nyang hihintayin nya 'ko hanggang sa makabalik ako. Ngumiti ako bilang tugon sakanya.

"Sige na. Ingat ulit."

♡♡♡

Paglabas ko ng pinto ay nakita ko ng nakatayo si Miguel sa tabi ng kanyang sasakyan. I didn't expect na he is wearing almost the same to what I'm having this evening. We are very similar to what we wear. Walang arte. Kung ano ang komportable, kahit wala sa uso, 'yon na 'yon.

"Hi babe, kanina ka pa ba?"

"Hindi naman. Mga ilang minuto palang naman ako dito sa labas."

"So, alis na ba tayo?"

"Wait. Gonna show you something. Can you close your eyes for me, please?"

"Pwede bang tumanggi?" Pagbibiro ko na nakapagpatawa naman sakanya. Pumikit na 'ko. Hindi na 'ko makapag-hintay sa kung ano ang bubungad sa pagmulat ng aking mga mata.

"On the count of three, you can open your eyes, babe."

Nagsimula na syang magbilang. 1.. 2... 3.... Pagmulat ng aking mga mata ay bumungad saken ang isang very cute na stuffed toy. It's Panda!

"Wow! It's so cute. Thanks, babe." Sabay kiss on his cheek na nakapagpangiti ulit sakanya.

"I'm glad you like it, Jia. So, tara na?"

"Sure!"

Binuksan nya ang pinto ng sasakyan para makapasok na 'ko and he quickly follow me naman after. Papunta kami ngayon sa isang resto na madalas na namin kinakainan. While he's driving, sumandal ako sakanya at niyakap s'ya.

"Babe, I'm driving. Baka mawaglit ako n'yan. Haha." Biro nya. Well, palagi ko naman ginagawa 'to everytime na magkasama kami.

"Ayaw mo? Eh 'di wag!" Kunwari'y nagtatampo ako para lang lambingin and of course, nakuha ko ang gusto ko. Nakarating na kami. At katulad ng dati ay inalalayan nya 'ko matapos nya akong pagbuksan ng pinto.

While waiting sa in-order namin, he open up a topic para may mapagkwentuhan. He's the kind of person na masarap kakwentuhan. Kahit anong pag-usapan, no matter how complicated the topic is or sobrang babaw. He always have something to say 'bout it.

After 10 minutes ay dumating na ang food namin. Ang saya ng gabing 'to. I can say that this evening is perfect. Maganda ang place. The weather is fine. Masarap na food at syempre, kasama ko si Miguel.

♡♡♡

After namin kumain ay papunta nag-ikot-ikot kami sa place na 'to. This restaurant has their own garden na kung saan makikita mo ang iba't ibang klaseng halaman. Maririnig mo din ang music on the background. Habang hawak-hawak ni Miguel ang kamay ni Jia ay nagsalita ito. Nakatingin ito diretso sa mga mata ng dalaga. Mababanaag mo ang saya sa mukha ng dalawa.

"Babe, Happy Anniversary. I'm happy 'coz I was able to spend this evening with you. Umm.. wanna dance?"

"Sure." Iniabot ni Jia ang kamay sa kanina pang nakalahad na kamay ni Miguel. She took a few steps and gently put her other hand on Miguel's shoulder while her face is stuck on her boyfriend's neck. Miguel's hand is wrapped around her waist and they start moving. It's kinda awkward in the beginning. It took few minutes before they can both settled and enjoy what they are doing.

"Happy Anniversary din, Migs. Just like you, I am very happy as well. How I wish we could spend a little longer. I love you."

"I love you more, Jia. Always."

And they continue to dance...

UnconventionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon